"What's that?" Tanong ko kay Daldalita. She is reading a book, and she seems so serious about it. Bigla niyang tinago sa likod niya ang libro at parang nakakita ng isang hindi inaasahang bagay. She gave me a fraudulent smile and I can sense her uneasiness. "It's, umm ---" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Manok. "Kakain na daw!" Malakas ang sigaw na yun. "Tara na, Athena." Nauutal niyang sabi. Napataas nalang ang kilay ko dahil sa pinapakita niya. Tinago na niya sa bag niya ang librong kulay itim ang cover. Gusto ko sanang tignan ang librong binabasa niya ngunit hinila na niya ako palabas. Hindi katulad ng mga libro sa school namin ang binabasa niya kaya nakuha nito ang atensyon ko. It looks like an old book. Tahimik akong kumakain. Gamit ko ang kamay ko sa p

