Episode 1

1241 Words
    Episode 1   Changes   Ann Liza Montesclaros   NAKATULALA lang ako na nakatingin sa kwarto ko. The pink wall, the expensive display, the spacious room that I am used on having. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay mawawala sa akin ang lahat.   My comfortable life is now gone, wala na.   Bigla akong napa-upo sa sahig at tahimik na natulala. Pati itong mansyon namin ay naibenta na para mabayaran na namin lahat ng naging pagkakautang namin.   I just felt my Yaya's hug at my back. She is the person who I spend more time with any other people. And because we are now in the amidst of bankruptcy, my yaya needs to go.   “Yaya…” Hindi ko na nga napigilan na isandal ang aking ulo sa dibdib niya. It is just too hard for me.   She comforted me by caressing my back. “Ayos lang iyan, anak. Magiging maayos din ang lahat. Pagsubok lang ito sa pamilya ninyo. Alam nang nasa itaas na hindi niyo magagawa ang scam na iyon.”   Tama kayo ng narinig. Our company has been in a middle of scam controversy. Nag-pull out na lahat ng investor namin, nasabotahe na kami. Wala man akong gaanong alam sa business unlike Kuya, I know that from this day, our life will no longer be the same.   “Sige na, anak, naghihintay na ang sasakyan sa labas,” sabi ni Yaya. This is the last moment na magkikita kami.   “Thank you, Ya,” saad ko   Lumabas na ako sa malawak na mansion na dati naming pagmamay-ari. Pumasok na ako sa van namin at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang lugar kung saan ako lumaki.   Nasa loob na kami ng van. Si Kuya ay wala at kahapon pa nakalipad pa-Malaysia para makapag-work na. Si Dad ay magpapaiwan pa rito sa Manila. Kaming dalawa lang ni Mama ang pupunta sa Alegro.   Never heard that place until my parents decided that they will sell the mansion, at doon na nga kami titira. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang loob ko. May halo ring inis!   This is incredibly frustrating the hell out of me.   “Stop making that kind of face, Ann. Lalo lang malulukot ang mukha mo. Your Dad promised that we will survive this problem, okay? Magtiwala ka lang na hindi ito panandalian.”   Tiningnan ko si Mama, and despite her age ay mukha pa rin siyang nasa late 30’s. Namana ko halos lahat ng features ko kay Mama. Mula sa porselana na balat, my hazel colored pair of eyes at sa natural na pinkish naming labi. Pareho kasing half-Spaniard ang parents ko.   Malungkot naman akong ngumiti. “I guess, wala na talaga po tayong choice,” sambit ko sa mahinang boses.   I am usually brat, sobrang spoiled ko na tao. I always buy and have whatever I want. Pinalaki akong prinsesa ng Kuya at Daddy ko. Pero ngayon ay ayaw ko munang mag-asta na parang bata. Lahat kami ay nahihirapan. I even heard them arguing and crying because they are scared about our future.   Of course, I want to rant about our situation. I am not used with this kind of life! I hate not getting what I want, but we were left with no choice. Everything will change from this point. Halos naibenta na namin lahat para mabayaran ang pera na nawala sa mga investor namin.   HINDI ko naman alam na sobrang layo pala ng Alegro na iyon. It has been 6 hours since we started traveling way out of Manila, and yet we are still not there.   I can see the huge transition of every scenery that I watch through the car window. Mula sa modernong mga bahay at gusali ay napapalitan na ng malalawak na puno, tanimaan at lahat ng nakaka-boring na bagay na sa bangungot ko lang makikita. I bet even a spa or fast food chain can't be seem on that place.   “I can see that frown again, Ann Liza. Sinasabi ko sa iyo na mage-enjoy ka rito, anak. There are lots of interesting places na pwede mong puntahan.”   I sighed. “Okay, Mom.”   Tiningnan ko ang cellphone ko. This is the latest phone now, at dahil mahirap na kami ay baka hindi na ako makasabay sa uso nito. Naalala ko rin ang mga kaibigan ko noon… well, they are not real friends.   When they discovered about the issue that my family was facing that time and still now, bigla na lang nila akong nilayuan! Mga plastic talaga sila at manggagamit! Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis! Mas nagiging moody na ako dahil sa stress.   And when we finally arrive at our ancestral house here at Alegro, na halos pinalilibutan na ng mga bukid, agad akong nanlambot, like legit.   “Mom,” sambit ko kay Mom na parang bata. Parang kakatungtong ko lang sa probinsya na ‘to ay parang gusto ko ng sumuko.   Inakbayan ako ni Mom sabay haplos sa balikat ko. “I am sorry anak at wala ito sa plano, pero wala na tayong magagawa.”   Tiningnan ko naman mula sa gate ang bahay na titirhan namin. It is not too old, but really not my style. Medyo creepy nga kung tatanungin ako. At least ay may mga tanim na orchids at bulaklak sa garden katabi ng gate.   “Tara na, anak. It is getting dark at magluluto pa ako ng dinner natin, okay?” I nodded as a response.   Unang bumungad sa amin ang sala. Kahoy ang floor, malinis naman at kahit papaano ay may electric fan. Only means to say na wala ng aircon. This is horrible! Gusto ko tuloy maiyak sa lungkot. Hindi ako sanay sa ganito.   Agad na bumungad sa amin ang dalawang matandang mag-asawa. Sila pala ang katiwala ni Mom at Dad. Sila si Manang Adona at Manong Carlos.   “Magandang gabi sa iyo, hija. Ako nga pala si Adona at ito naman ang anak namin ng Manong Carlos mo na si Berly. Sasamahan ka niya sa kwarto mo,” sabi sa akin ni Manang na tipid ko naman silang nginitian.   Bigla naman akong niyakap ng morena na babae na maganda sana siya, but she looks and acts too weird. Sinong modernong tao ngayon ang bigla na lang yayakap ng hindi naman kami close?   “Hi! Berly is my name! Ako ang dating Reyna Elena ng sagala rito sa Alegro!” sabi niya sa akin, with that wide smile that creeps me so much. Awkward na lang akong ngumiti.   Hinila niya ako papunta sa second floor. Napaka-energetic niya, ha?   “Can you stop pulling me?” mataray na sabi ko sa kanya. Ang sakit ng kamay ko. I do not want to deal with this.   “Ay sorry naman, ay oo nga pala! Nandito na ang kwarto mo! Rest in peace ka na para makagala tayo bukas,” sabi niya sa akin, like what the hell?   “Anong rest in peace?” hina-hyperventilate na tanong ko sa kanya.   Napatakip siya sa bibig. “Ay! Beauty rest pala iyon!” Sabay peace sign niya.   Pagod akong huminga at saka ko na siya tinaboy sa kwarto ko. Wala naman siyang nagawa. I cannot deal with her for now. Punong-puno ako ngayon ng negativity at baka matarayan ko siya.   Napahiga na lang ako sa kama. Mukhang malinis naman ang hinihigaan ko. Wala na akong time mag-skincare.   I hope that this is just a dream, I cannot stand this kind of life!                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD