Episode 6
Ann Liza Montesclaros
NAWI-WEIRDO-HAN na talaga ako kay Berly. Nalaman lang kasi niya na nandito sa bahay ang crush niya ay para na siyang creepy na nakatingin sa natutulog na si Andy.
"Baka matunaw naman iyan," sabi ko nga sa kanya.
Kinikilig siyang umiling. Ayaw niya talaga magpaawat. She insisting that she will guard her prince no matter what, e nalasing lang naman. Masyadong over acting.
"Kapag nalusaw si Andy, ako na mismo didila sa kanya," aniya na para bang hibang na hibang. Can I kick this girl out of our house?
"Girl, you are so gross.''
"Joke lang naman, masyado patola. Pero bakit nga ba nandito ang Andy ko? Baka mamaya gusto ka pala niyang ligawan ano?" Sabay nguso ni Berly. "Sabagay, sino ba ako para ligawan niya?" At nagdrama pa nga.
"Ha? E wala nga sa isip ko iyan e. You know, entertaining manliligaw is my least priority. Ang priority ko ay makaalis na sa lugar na ito. I have to get back what I lost."
Just in time ay nagising na nga si Andy. Bigla napatayo itong si Berly at saka pumunta sa likod ko. Kanina muntik na niyang halikan si Andy nang tulog pa ito, ngayong nagising, tatago-tago naman sa likod ko.
"Nasaan ako?" aniya na sapo pa ang ulo niya. I don't have to guess just to know that he has a mind-blowing headache.
"I saw you almost drunk dead on the road side, I was jogging early this morning, so I kinda ask for our Manong's help, dinala ka rito para bihisan ng katiwala namin na lalaki. Your car is on our garage so don't worry." He is riding a motor bike.
"Oh, thank you. May inuman kasi sa hacienda kagabi, anong oras na rin kasi nang matapos," kwento niya na animo ay may pakialam ako.
"Do you know that driving while drunk put not only you on danger, but also other people? Next time drink responsibly okaya magpahatid ka..." sabi ko na lang. "If you are already okay, you can eat breakfast on the kitchen, I have to go."
Umalis na ako at sinundan naman ako ni Berly palabas. "Hala, bakit mo naman inaway ang crush ko?" aniya na padabog.
"Inaway ko siya para sa kanya. Imagine, what if he do it again, and the next time ay naaksidente siya, worst case scenario, may mangyari sa kanya na masama? You know that prevention is better than cure right?"
Tumango naman siya. "Point taken! Nga pala, punta tayo mamaya sa baryo! May fiesta roon. Ipapakilala rin kita sa mga kababata ko na nandoon."
Tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala. "Alam mo, puro ka gala kaya napapahamak ako. Baka nandoon na naman 'yung Zero na iyon mapahamak na naman ako."
Tumawa siya at saka pa ako hinampas. Masyado ng feeling close itong babae na ito sa akin a?
"Funny ka po, wala na iyon doon. Bakit naman mag-aaksaya ang isang mayaman at abalang tao tulad ni Senyorito Zero. Alam mo, magsaya tayo! Gumala! Gusto mo bang magtambay na lang dito sa inyo ng maghapon?" Napaisip naman ako sa sinabi niya.
"Pwede rin, may wifi naman na, so wala ng issue sa akin kahit na maghapon ako rito."
Umismid naman siya. "No fun, magugutom ka na nga, sasakit pa mata at saka likod mo. Tara na kasi, sayang ang pagkain at saka isa pa, time to explore the community."
Ang lakas mag-insist ng babae na ito. "Fine! Pero mamaya mo na ako guluhin. Mabuti pa akyatin mo na lang crush mo."
"Ayaw ko nga, babaeng Pilipina pa rin ito ano!"
"Hindi halata."
So I was saying, pumunta muna ako sa likod bahay at saka nagduyan sa mahangin na umaga. This feels great, lalo na at abot pa naman ang signal ng internet dito, I can listen to my favorite music while looking at the vast farmland.
I was about to sleep nang may gumising sa akin. Binuksan ko ang isang mata ko, to peak who is it, si Andy pala. And he looks much better right now.
"Yes?" tanong ko sa kanya.
"Ahh," aniya habang nagkakamot ng ulo. "Gusto lang sana kitang pasalamatan. Kahapon lang kita na-meet, pero tinulungan mo pa rin ako. I will take your advise, do not worry. Hindi na ako maglalasing ng ganoon sa susunod." Choice naman niya iyon, bakit kailangan niya pang sabihin?
"Okay, have a safe trip." Iyon na lang ang sinabi ko. He looks like he has something to say, but he is hesitant.
Umalis na lang siya at ako naman ay nagpatuloy sa aking peaceful routine.
"Gising na, my friend! Kailangan na natin umalis at malapit ng magtanghali," gising sa akin nitong si Berly.
Wala naman akong nagawa. Kahit ilang araw pa lang ako na narito sa bayan ng Alegro ay kilalang-kilala ko na itong si Berly. She will insists what she wants to insists.
Kaya naman ang ginawa ko ay minabuti ko ng pumasok sa loob upang makaligo. Naayos na ang tubig, so mayroon na rin kaming kahit papaano na tubig sa gripo sa banyo.
I guess I have to be a little considerate for this little steps taht we made.
Matapos maligo, magbihis at mag-ayos ay nandito na ulit si Onyok upang sunduin na kami.
"Hi Miss Ganda na Diyosa pa, sakay ka na. Hayaan mo itong pinsan ko, kasya sa gulong iyan," sabi ni Onyok habang nakangiti pa sa akin.
"Onyok, I do not want to be brutally honest with you, but can you stop naming me diyosa or ganda, medyo hindi ako sanay e." Kahit papaano ay marunong naman ako ng salitang pakisama. That is actually a basic skill!
"Ha? Ano raw sabi pinsan? Alam mo naman na line of seven lagi ang grade ko sa English," sabi ni Onyok sa pinsan niya. Nakalimutan ko na naman na managalog.
"Aba, malay ko sa iyo, ako ba kausap niya?" Napapailing na lang ako ng malala sa magpinsan na ito.
"Ang sabi ko, huwag niyo na akong tawagin na Ganda o Diyosa. Hindi kasi ako sanay, at saka nakakahiya sa makakarinig."
"Okay? Ano na lang pala tawag namin sa iyo?" I usually prefer to be called Liza, lalo na ng mga old friends ko, na nawala na lang bigla na parang bula, lalo na nang malaman nila na wala na sa akin ang dati kong istado.
"Ann na lang." Iyon ang pinili ko for a reason... Ayaw ko ng matawag na Liza. Natatandaan ko lang ang mga naging plastik na nakilala ko noon.
If I will be given a chance to talk to them, I will show them how my middle finger stood from the rest. Dahil manggamit lang sila.
"Osige, Ann."
Pumasok na kami sa motor at saka na nagbyahe patungo sa isnag baryo. It is not the baryo na may mga kahoy na bahay, may mga concrete at maayos naman. May mag banderitas na nakasapit sa kung saan, the whole place looks enthusiastic to celebrate their fiesta and patron.
Bumaba naman kami sa isang bahay na mukhang malaki rin. Mukhang nakakaangat sa buhay ang may-ari.
"Ito ang bahay ng isa naming tropa, si James sa umaga, Nadine sa gabi! O pak!" Natawa naman ako sa sinabi nitong si Berly.
"Abroad kasi ang Nanay at Tatay, kuya niya lang at ate ang nandito," dagdag pa ni Onyok.
"James! Hala, long time no see!" bati agad ni Berly sa isang binabae na medyo moreno at ang pula ng labi.
"Maka-James ka namang bilat ka! How dare you, wala kang ibabalot na ulam mamaya," sabi ni James este Nadine pala.
"Hala, hindi mabiro ang loka-loka. Nadine na nga e! Pakidagdagan ng shanghai 'yung take-out ko."
Umismid naman si Nadine. "Okay, madali naman akong kausap, basta akin ng isang gabi ang pinsan mo na si Onyok," sabi nito sa maharot na tono sabay lapit agad kay Onyok.
"Naku, kahit isang buwan pa!"
Bigla namang kumalas si Onyok kay Nadine. "Pare, hindi tayo talo!"
Bigla naman siyang hinampas nitong si James na Nadine! Basta, medyo magulo talaga sila. "Pare?! Tinawag mo akong pare?! Putok na putok 'yung nguso ko na kay pula, tapos Pare? E kung sampalin kaya kita ng high heels ko? Imbyerna!"
Nagtawanan naman kami ni Berly sa nakita namin ngayon naman ako napansin ni Jadine na nakatingin na siya ngayon sa akin.
"Ay, the who itong very gorgeous na kasama ninyo? Grabe! Ang ganda! Mukhang nabuhay na manika ito a? Hi, Miss. My name is Nadine Lustay, 17!"
"I am Ann, nice to meet you."
"Meeting you is my pleasure too! Hala, ang ganda mo talaga! Pero bago tayo chumika ay kumain muna kayo sa loob! Mauubos na ang shanghai."
Pumasok na kami at very accommodating naman nitong si Jadine sa mga bisita niya like me. She set us a table, she because it was her preferred pronoun by the way.
Habang kumakain kami ay may kwentuhan lang ng kaunti bago dumating ang kanilang huling tropa, ang pangalan ay Taburnok. Ewan ko saan nila kinukuha mga pangalan nila.
"Kain lang, huwag kayong mahihiya. Ang walanghiya lang naman dito ay si Clarissa!" sabi ni Jadine na animo ay inis na inis sa pangalan na binanggit niya.
"Ay, true iyan marecakes! Apakalandi! Matapos maging ex itong si Andy ko, gusto namang sulutin ang pinsan. Ang next Target ata ay si Senyorito Zero." Si Berly.
"Oh 'di ba! Nangigil ako sa babaeng gold digger na iyan e. Age does not matter, pero ang kati ng hayop na iyan! Kung hindi lang kabit ng kapitan ang nanay niya, paano siya mapipili na Reyna Elena?"
Nagsalita naman si Taburnok. "Taas ng pangarap noon ano? Talagang mayaman mga tinitira e."
Nagsalita naman si Berly. "Hayaan mo, mataas din naman ang bagsak nito."
Nagkwentuhan pa kami. I mean, using my time with this circle of friends surely is worth it, worth than staying at home doing nothing.
Ang sarap nilang kaibigan, as in tawa lang nang tawa, tapos ang dami nilang kwento.
"Ikaw naman, Ann? Where are you from?" Natahimik naman ako kasi nahihiya asking magkwento.
"Ann, kung hindi mo pa kayang sabihin, oks lang sa amin. Ito kasing si James, masyadong usisero e!" ani Taburnok naman.
"Hala, bakit ako? Uy Ann, wala akong alam diyan a? No pressure naman."
I can feel that they are genuine about this friendship, pero hindi ako 'yung tipo nang tao na basta na lang mago-open up. Kaya naman hindi ko muna sinabi.
I answer some of their question still, pero limited lang. Basta sila ang bangka, okay na ako.
Gabi na nang matapos kami sa kwentuhan. I texted Mom na gagabihin kami.
Naisipan namin kasing manood ng prosisyon.