Hindi ko na namalayang nakatulog ako at paggising ko sa umaga ay wala na si Harry sa tabi ko. Bumalikwas ako ng bangun at nagtungo sa bathroom nagbakasakaling naligo lang siya. Pero nagulat ako nang wala akong makitang Harry. Malungkot na naman ang puso ko. Inaayos ko ang kama at lumabas ako sa kuwarto niya. Pero nagulat akong makitang nasa sala siya nakaligo na at nakabihis, ang guwapo niya lalong sa suot niyang tuxido, at hawak pa nito ang tasa ng kape. "Harry, good morning. Aalis ka ba?" tanong ko. "Good morning Natasha, maligo ka na at magbihis, nakahanda na ang damit na suotin mo, nasa kuwarto mo." saad niya sa akin. "Ngayon na ba? Pero meron kang sugat." saad ko sa kaniya habang nakatitig sa mukha niya. "Huwag kang mag-aalala daplis lang ito Natasha. Sige na maligo ka na at magbihi

