"Harry, Harry." tawag ko pero walang sumasagot sa akin. Nang pumasok ako sa kusina ay nakita akong meron nakahandang pagkain sa mesa. Nakita kong meron maliit na papel na nakadikit sa fredge kinilig ako sa nakita kong nakasulat. "Kumain ka na lang meron akong importanteng lakad." nakasaad sa sulat. Nang buksan ko ang tinakpang ulam sa mesa ay namangha akong makita ang mga ulam na nakahanda. Meron tocino, hotdog, fried egg, at frined rice. Hindi ko namalayang sumilay ang ngiti sa aking labi. Nakaramdam na ako ng pagmamahal kay Harry, pero nag-alinlangan pa rin ako dahil alam kong magkaaway kami, hindi ko alam kung ano ang plano niya kung bakit niya ako kinidnap. "Hindi ko alam kung ano ang plano mo sa anak ko, kung bakit kailangang itago mo pa ang anak ko sa malayong lugar Harry." "Don

