"Harry, ibaba mo na ako rito. Ayokong malaman mo kung saan ako nakatira." hindi na ako nagsasalita pa, sinusunod ko na lang siya. Nang bumaba na siya ay nakita kong pumara siya ng taxi. Hinayaan ko munang makalayo siya nang konti at sinundan ko ang taxi na sinasakyan niya. Nakita kong bumaba siya sa isang hotel. Nang pumasok na siya sa loob ay saka na lang bumagsak ang aking mga luha. Umalis na ako agad at deritso na ako sa mansion. Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakaupo si mommy sa sala. "Alam ko na ang lahat Harry, sinabi sa akin ni Janine ang lahat, tinawagan niya ako, nagsumbong siya sa akin kung paano mo siya sinaktan. Muntik mo pa nga raw siyang pinatay." turan ni mommy sa akin. Kumuha ako ng wine, dahil gusto kong mag-relax. "Mommy kinidnap ni Janine, si Natasha. Kung na

