CASSANDRA'S POV Umalis ako ng mansion at nagtungo ako sa condo ni Janine, dahil gusto ko siyang kausapin tungkol kay Natasha. Pagdating ko sa condo ay naabutan ko siyang naglalasing. Kinuha ko ang aking baril at tinutukan ko ang kaniyang ulo. Nagulat siya sa ginawa ko. Tumayo siya at tinaas ang kaniyang dalawang kamay. "Sa susunod kapag kumilos ka na walang pahintulot sa itaas ay ako na ang maghukay sa sarili mong libingan." "Madam, hindi ko na kasi kayang makitang parang asong ulol si Harry, na sunod nang sunod kay Natasha. Hindi naman siya ganoon dati 'di ba?" "At anong tawag sa 'yo Janine? Dispirada? Ayokong pakialaman mo pa si Natasha, hindi na maghahabol si Harry sa kaniya kung walang masamang mangyayari kay Natasha. Kung ako sa 'yo, burahin mo na si Harry sa puso mo. Hindi ka

