"Supremo, hayaan mong ako na ang gagawa ng paraan. Sa ngayon ay huwag muna nating pilitin si Harry. Mag-set tayo ng dinner para sa kanilang dalawa, saka sila na ang bahalang magdesisyon kung sang-ayon ba sila sa gusto natin." turan ko sa kanila, dahil ayokong lumaki pa ang problema nakainom si Harry alam kong mainit pa ang ulo nito. Nagpaalam na kaming umalis, mabuti na lang ay hindi na rin pinilit ng supremo ang gusto nitong mangyayari. Pagdating namin sa parking lot ay, hinablot ko ang braso ni Harry. "Mommy, bitawan mo ako! Huwag ngayon nasa empluwesiya pa ako ng alak." singhal niya sa akin. At nagmamadaling sumakay sa kaniyang kotse. HARRY'S POV Pagdating ko sa mansion ay pumasok agad ako sa aking kuwarto, pabagsak akong humiga sa aking kama. Hindi mawala sa isip ko si Sebastian,

