SUNNY’S POV Hindi ko alam na mero’n pa lang tatlong stage ang pagiging dyosa at dyosa. Hindi nga lang sila magkakapareho ng ginagawalawang mundo at antas ng kapangyariha. Si Tito Aldemous ay kapareho ko at ngayon ay nasa harapan ko sya kasama ‘yong dalawang hindi ko naman din kilala. “So ano pong pag-uusapan natin?” takang tanong ko sa kanila. “Kailangan mong hanapin ngayon sila Habriyon, Ulap at Lili,” sabi nito at saka naman nangunot ang noo ko. “Bakit ko naman sila hahanapin? Para saan?” takang tanong ko. Pinatong ni Tito Aldemous ang braso nya sa lamesa at saka nya ito pinagdikit at seryosong tumingin sa ‘kin. “Kailangan mo silang dalhin at ibalik dito sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay tuluyan silang mawawala at mamamatay, Sunny,” paliwanag nito. “Teka… wala ak

