XENA’S POV Flash Back Nang iwan kami nila Sunny sa field ay hindi ko alam ang sasabihin ko kay Rham at sa totoo lang ay kinakabahan ako. Pinunasan ko ang luha ko at saka ko naman inayos ang damit ko. Tatayo na sana ako ng hawak naman nito ang kamay ko at saka nya ako hinatak at saka ako niyakap. Ang kaba na nararamdaman ko ay hindi dahil sa takot ko kanina o pangamba kung hindi dahil na rin sa dulot nya. Sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko dahil kailangan pang umabot sa ganito ang lahat. Masyado akong naging O.A. “Nagseselo ka ba kay Melisa?” tanong nya at wala sa sarili ay tumango ako. “Hindi naman dapat pagselosan ang isang bata,” sabi nito at napanguso ako. “Isa pa ay pinsan namin si Melisa,” dugtong pa nito at nakahinga naman ako ng maluwag. Pero nakakainis si Rianna ang sa

