Nakatitig ako ngayon sa kisame ng kuwarto ko habang iniisip kung magpapalit pa ba ako ng damit. Pagod na pagod kasi ako sa trabaho ko. Kaloka! Anong oras na 'ko nakauwi dahil sa traffic sa EDSA. Alam ko namang mga chismosa kayo at iniisip n'yo kung ano nga ba ang trabaho ng isang mahirap na tulad ko. Well, I work as a barista sa GagsTea in BGC. Oh, wag kayong ano jan, milk tea shop 'yan mga sis. Gara diba? Naghihirap na nga 'ko tapos malayo pa yung lugar ng trabaho ko. KaarTeahan lang.
Kung 'di lang sana maagang namatay ang mga magulang ko, 4th year college na sana ako. Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) ang kinuha ko. Kung may extra pa sana akong pera ay ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko. Kaso, yung malaking porsyento ng sweldo ko ay nilalaan ko pambayad ng renta ng maliit na bahay na 'to.
Hindi rin naman mapipigilan ang pagpanaw ng mga mahal natin sa buhay. Kung time na nilang ma-meet si Lord, wala tayong magagawa. Kaso, napaaga nga lang ang meet and greet nila sa langit kaya ako nalang ang naiwan dito. Hindi man mayaman ang pamilya ko, pinalaki naman ako ng maayos at may disiplina, tsaka sanay na ako sa mga gawaing bahay at lalo na sa pagluluto. I'm a strong, indepentent woman kaya. Syempre Ellie 'to, malakas 'to. Ano mang hirap ng buhay ay kakayanin ko.
Napahugot ako ng hininga. Napagdesisyonan ko na bukas nalang ako magpapalit ng damit, tutal maliligo rin naman ako paggising ko. Sayang tubig, nagtitipid pa naman ako. Bumangon ako para patayin ang ilaw at muling nahiga.
Siguradong marami na naman akong gagawin bukas kaya kailangan ko na matulog at para maaga rin akong magising at 'di maabutan ng rush hour sa umaga.
Dahil sa pagod, ilang minuto lamang ay nakatulog na rin ako nang mahimbing.
ZzzZzzZzz..
Nagising ako dahil sa nakakarindi kong alarm sa cellphone. "Anong oras na ba?" tanong ko sa sarili ko habang nag uunat. Kinuha ko ang cellphone kong mas luma pa sa banga. Napapikit pa ako ng kaunti dahil sa nakakasilaw na ilaw ng screen ng cellphone ko.
"HALA LATE NA 'KO!" malakas na sigaw ko. Takte ano ba naman 'yan. Maaga naman akong natulog kagabi tapos na-late pa rin ako ng gising.
Kumaripas ako ng takbo sa C.R. para maligo. Muntikan pa akong madulas sa kakamadali ko. Jusmiyo Ellie Villagracia, gusto mo na atang makasama ang mga magulang mo.
Sinuot ko ang uniporme kong t-shirt na kulay gray na may logo ng GagsTea sa bandang kanan, at black pants na hirap na hirap kong i-zipper. Kailangan ko na talagang mag-ukay mamaya.
Sa labas nalang ako mag susuklay kaya naman madaling-madali ako na suotin ang rubber shoes ko sa tapat ng pintuan. Pero bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin na nasa pader.
Ang ganda ko pa rin naman kahit minadali ko lang ang ligo ko at umaga pa lang ay stressed na 'ko. "Good luck, self," bulong ko sa sarili ko, at saka lumabas ng bahay at siniguradong nakasarado ang pinto.
Suwerte ko dahil sa tapat lang ng pinagrerentahan ko ang pila ng mga tricycle dito sa'min, "Manong Jerry, pahatid po ako sa sakayan."
"Oo ba, basta bigyan mo uli ako ng milk tea mamaya pag-uwi mo," sagot ni Manong Jerry.
"Naku Manong, wala nga akong kain ngayong umaga 'e, milk tea pa kaya? Poorita ako remember?" pagsusungit ko. Ito talaga si Manong demanding 'e, jusko.
Nagkamot ng ulo si Manong Jerry, "Hindi ka talaga mabiro no? Oh, sumakay ka na at baka ma-late ka na naman," saad niya.
Papasakayin din naman pala ako 'e. Kinuha ko ang suklay ko tsaka pinangkamot sa likod ko. Charot. Syempre sinuklay ko sa buhok ko diba, shunga lang?
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa sakayan, "Manong, bayad oh."
Umiling si Manong Jerry, "Naku, h'wag na. Pang kain mo nalang 'yan mamaya."
Na-touch naman ako kay Manong. Parang kanina lang nagpapalibre pa ng milk tea ah.
"Parang mas mayaman pa nga 'ko sa'yo. Nakakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw, tapos ikaw, nalilipasan ka pa ng gutom," pahabol niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya. Alam ko naman na madalas siyang mangutang sa karinderya ni Aling Bebang. Kailangan pa siyang abangan sa tapat ng bahay nila, dahil kung hindi ay 'di rin siya magbabayad.
Hinugot ko ang kamay niya at doon nilagay ang pera, "Hindi puwede, Manong. Bilang isang mabuting mamamayan, kailangan kong magbayad ng tama. MAGBAYAD. NG. TAMA. Okay po?" pagpapaalala ko.
"H'wag mo kalimutan bayaran si Aling Bebang mamaya ah. Mauuna na 'ko, Manong. Ingat!"
Hindi ko na inantay ang sagot ni Manong Jerry dahil nagmamadali na talaga ako.
Nag-aabang ako ngayon ng UV Express Service under C5 Flyover papuntang Ayala o Makati.
Inabutan na ako ng rush hour kaya naman punuan na ang mga sasakyan. Kasalanan ko rin 'to kasi marami namang mga coffee shops doon banda sa'min pero sa BGC ko pa talaga piniling magtrabaho. Siguro pinapagalitan ako nila Mama at Papa sa heaven.
May nakita akong paparating na UV Express na hindi pa puno. Thank you, Lord!
Agad-agad akong sumakay nang huminto ito sa tapat ko. Sa gitna ako umupo, ayaw ko kasi roon sa likod, hindi ako marunong magbukas ng pinto.
Ang mahal na nga ng pamasahe rito, magmumukha pa 'kong tanga. No way.
Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera, "Manong, bayad po. Kalayaan Flyover lang."
Inabot ng driver ang bayad ko at tumingin sa'kin sa rear-view mirror ng sasakyan, "Papunta ka bang BGC, Miss?" tanong niya.
"Opo"
"Ibababa nalang kita sa JP Morgan Building, tutal dadaan naman ako roon," ani niya.
Tuwang-tuwa naman akong sumagot, "Sige po, Salamat!"
Mabuti na lang at mabait si Manong driver. Mas mapapabilis akong makarating.
Sa kalagitnaan ng traffic, naisip ko na mag-chat sa gc naming mga mag katrabaho.
Bobo Pearls
8:37AM
Elliebag: Mga teh, na-late ako ng gising?Ano ganap jan?
Annaconda:
Ano pa bang bago?
Beks:
Bakla bilisan mo. Alam mo naman na parang armalite yung bunganga ni Boss.
Elliebag:
Nakasakay naman na ako. Ang aga ko naman natulog kagabi pero late pa rin ako nagising. Kainisss!
Angel:
Hoi bilisan mo bakla. Maraming tumatawag dito, nagpapa-order. Kawawa naman mga delivery guy natin. Lalo na si fafa Jonas huhu
Elliebag:
Marami pala 'e, ba't nakakapag chat kayo?
Beks:
Ay, pacenxia ka na Inang Reyna. Lokarets ka rin noh? Buti nga nag-reply kami, pwe!
Ang aga-aga high-blood ang mga bakla. Mukhang busy nga talaga sila. Baka maubos ang data ko kaya hindi na 'ko uli nag-chat.
Hinalungkat ko ang bag ko para kuhain yung earphones ko. Sinalpak ko 'yon sa cellphone ko at nagpatugtog. Boring kasi 'e, alangan namang magchikahan kami ng mga pasahero dito, baka sabihan pa 'kong feeling close.
I'm in the business of misery
Let's take it from the top
She's got a body like an hourglass, it's ticking like a clock
It's a matter of time before we all run out
When I thought he was mine, she caught him by the mouth~~
Pagkanta ko sa isipan ko. Isa ito sa mga paborito kong kanta. Mahilig ako sa mga punkock songs at pinapangako ko talaga sa sarili ko na kapag nakaipon na ako ng sapat na pera ay bibili ako ng mga album at merch nila.
Sa kalagitnaan ng pagpapatugtog ko ay may kumalabit sa'kin sa bandang kanan ko.
Tinanggal ko ang kanan kong earphone at tumingin sa lalaking istorbo sa pakikinig ko, "Bakit?"
"Misery Business by Paramore yan diba? Rinig na rinig ko 'e lakas ng volume mo," tumawa siya ng marahan.
Napatitig ako sa mukha niya. Chinito, katamtaman ang kulay ng balat, at halatang maalaga siya sa katawan niya dahil sa muscle niya sa braso. In short, gwapo.
"Miss?"
Tsaka ko lang uli naalala na kinakausap niya nga pala ako. Umayos ka nga, Ellie.
"Ah, oo. Favorite band mo?" pag tatanong ko.
Ngumiti siya at pinakita ang cellphone niya, "Oo naman! Tignan mo yung playlist ko. Puro Paramore pero may halo rin na MCR, Mayday Parade, Green Day at iba pang mga bandang paborito ko," pagmamalaki niya.
"OMG, parehas tayo! Pinapakinggan ko rin mga kanta ng Nirvana, Arctic Monkeys, All Time Low, Pierce the Veil tapos ni Linkin Park at Avril Lavigne," masaya kong tugon.
Nakakatuwa naman. Nahihirapan kaya ako makatagpo ng kaparehas ko ng music taste. Tapos isang guwapong tulad niya ang makakatagpo ko. Amazing talaga.
Tinaas niya ang kamay niya para makipag-apir, "Nice! Same na same tayo ng music taste. Wala nga akong maka-vibe sa mga tropa ko 'e kasi 'di daw nila trip mga pinapakinggan kong kanta."
Ka-vibes ko na talaga 'to, "Uy, ako ren. Ewan ko ba sa kanila. They're missing out a lot."
Nagpatuloy ang pag uusap namin tungkol sa mga paborito naming banda, hanggang sa malapit na akong bumaba.
Sumulyap ako sa bintana, at nang matanaw ko na ang JP Morgan Building ay tinago ko na ang cellphone ko sa bag.
"Pa'no ba 'yan Kuya? Bababa na 'ko"
Sumulyap siya sa'kin at isinukbit ang backpack sa balikat niya, "Bababa na rin kaya ako," sagot niya.
Baka naman susundan ako nito ah. Oha, Feeling maganda lang. O baka naman dito rin siya nagtatrabaho.
Binuksan niya ang pinto at sabay kaming bumaba ng UV Express.
"See you when I see you. Babush!" Tumalikod ako sa kan'ya at tumakbo.
"Teka! Anong pangalan mo?" pasigaw niyang tanong.
Hindi na 'ko sumagot kahit narinig ko naman siya kasi sobrang late na ko, huhu. Sorry Kuyang Pogi.