Chapter 2

1394 Words
Pagkaraan ng ilang minutong run marathon ay nakarating na rin ako. Hingal na hingal 'kong binuksan ang front door ng GagsTea, "Finally!" sigaw ko. Nagsitinginan ang mga katrabaho ko at mga customers sa'kin. Nag-peace sign ako at yumuko, "Ay, sorry Ma'am/Sir, hehe."  Nakita kong tumawa ang mga bakla sa counter kaya naman inirapan ko lang sila. Hindi ako nag sayang ng oras at dire-diretsong pumunta sa staff room.  Nilagay ko ang bag ko sa locker na nakapangalan sa akin at nag-time in. 9:40 na pala, oh no. Sobrang late ko na.  Sinuot ko ang black apron na nakasabit sa tapat ng locker. Habang tinatali ko ang buhok kong mahaba ay bumukas ang pinto at niluwal nito si Boss Dy. Paghuhukom na.  Ma, Pa, gabayan niyo 'ko huhu.  Halata sa mukha niya ang pagkainis, "Mag-usap nga tayo sa parking lot," Mahinahon ngunit ma-awtoridad niyang sabi.  Dahan-dahan akong lumunok dahil sa kaba. Hindi ako puwedeng matanggal sa trabaho, 'di ko alam kung may tatanggap pa ba sa'kin lalo na't hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral.  Sumunod naman ako agad. Binuksan ko ang pinto sa likod ng staff room. Connected kasi ito sa parking lot for easy access.  Nang nasa parking lot na kami, hindi ko mapigilan mapayuko. Hindi ko kayang tingnan si Boss Dy, nakakahiya.  Huminga siya ng malalim, "Alam mo ba kung anong oras na? Sa isang buwan na 'to ilang beses ka na bang na-late?" sunod-sunod niyang tanong.  Tumingala ako para tignan siya sa mata at wala sa sariling napahawak sa batok, "Sorry, Boss. Nahuli po ako ng gising. Sorry po talaga. Promise po hindi na mauulit." Hinilot niya ang kaniyang sintido na para bang sakit ako sa ulo, "Ellie, tinanggap kita rito kahit hanggang 3rd year college ang tinapos mo. Maraming naghahanap ng trabaho sa panahon ngayon, kaya naman--" Hindi natapos ni Boss ang sasabihin niya dahil sa pagsigaw ng lalaki na nagmumula sa likod namin, "DYLAN FULGENCIO!"   Sabay kaming napalingon sa lalaking sumigaw. Agad niyang sinalubong ng yakap si Boss. Nakakagulat naman 'tong lalaking 'to. Ilang years ba silang 'di nagkita? "Ikaw pala yan, Kian. May pasigaw-sigaw ka pang nalalaman jan sapakin kaya kita? Kakakita lang natin nung isang araw ah. Baka akalain nilang nawawala kitang anak," sambit ni Boss Dy. Nang mapatingin sa'kin yung lalaking sumigaw, nanlaki ang mata ko sa taong nakita ko, "Uy! Kuyang poging nakasabay ko kanina. Ikaw pala 'yan." Ngumiti siya ng todo sabay turo sa'kin, "Uy! Ateng tinakbuhan ako, ano ginagawa mo rito?" Takang-takang tumingin sa'min si Boss Dy, "Teka, magkakilala kayo?" "Opo, Boss. Nakasabay ko siya kanina sa UV Express papunta rito," sagot ko. Grabeng coincidence naman 'to. Napatango naman si Boss, "Tara na't pumasok sa loob, nakakahiya naman dito kay Kian kung 'di ko siya papalamunin." Nakahinga ako ng maluwag nang lumakad na papasok si Boss. Mabuti nalang at umepal 'tong lalaking 'to. Kian pala pangalan niya. Dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon sinesermonan pa 'ko ni Boss.  Nagulat ako nang pumunta sa harapan ko si Kian at tinitigan ako sa mata, "Ngayon ba ay sasabihin mo na sa'kin ang pangalan mo?"  Lumayo ako ng kaunti sa kan'ya, baka pagkamalan kaming naglalandian dito ni Kian. Ma-issue pa naman mga tao ngayon. Nilahad ko ang kamay ko at tumitig pabalik sa kan'ya, "Ellie Villagracia." "Kian Lopez," inabot niya ang kamay ko at nakipagkamay. Habang naglalakad kami papasok at nagtanong siya, "Dito ka pala nagtatrabaho? "Ay, hindi. Dumaan lang talaga ako dito," pagbibiro ko.  Nagtataka siyang tumingin sa'kin, "Kung ganon, bakit Boss tawag mo kay Dylan?"  Uto-uto pala 'to. "Joke lang 'yon syempre. Medyo slow ka noh?" ani ko. Tumawa siya ng nakakaloko. Buti nalang guwapo siya. Pagkapasok ko sa loob ng counter, nakipagdaldalan agad ang mga bakla.  Kinalabit ako ni Beks, "Chaka mo bakla, late ka na pumasok tapos may kasabay ka pang guwapo pagkabalik mo rito."  "Tigil-tigilan mo ko Beks, kaibigan yan ni Boss," sagot ko habang nag-aayos ng mga gamit sa counter. "Kaibigan pala ni Boss 'e, bakit ikaw ang kasabay?" pagtatanong ni Angel. Tinignan ko silang dalawa, "Alam niyo, ang dami niyong tanong. Kapag napagalitan tayo ni Boss ah." "Daya mo naman bessyyy, kuwento mo na," pangungulit ni Anna habang niyuyugyog ako. Magtatanong pa sana sila nang biglang pumunta si Kian sa counter. Walang anu-ano'y nag-unahan ang mga bakla na makipagkamay sa kan'ya. Tsk, tsk, iba talaga nagagawa pag may guwapo. Tinulak ng marahan ni Beks sina Angel at Anna. Palaban ang bakla. Kinuha niya ang bote sa counter at nilapit sa kaniyang bibig, "Roses are red, violets are blue. I am sweet but not as sweet as you. Nasa inyong harapan ang babaeng maladyosa ang kagandahan. I am Bernardo Dimapilit but you can call me Beks for short, all the way from the Land of Beauty Queens, Pasay City! Naniniwala ako sa kasabihan na, kung hindi ako para sa'yo, ipagpipilitin ko. Thank you!"  Nagtawanan ang mga customers sa ginawa ni Beks. Akala ko magagalit si Boss Dy pero pati siya natawa na rin.  Inagaw ni Angel ang bote mula sa kamay ni Beks, "Angelito ang aking ngalan nang ako'y isilang, Angel naman ngayon nang ako'y nahulog mula sa kalangitan. I am Angel Garcia, 23 years of age. Naniniwala ako sa kasabihan na, ang lalaking hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, malamang natulala sa aking kagandahan. Thank you!" Aba, ayaw magpatalo ah.  Kita naman sa mukha ni Kian na tawang-tawa siya dahil sa pamumula ng mukha niya. Hihirit rin sana si Anna pero pinigilan ko na siya. Hinayaan nalang namin yung dalawang bakla na mag-enjoy sa ginagawa nila.  Apat kaming barista dito. Dalawa kaming babae ni Anna, at dalawa namang binabae na sina Beks at Angel.  Kaya marami talagang dumadayo rito sa'min dahil ang gaan ng atmosphere. Puro tawanan at kabaliwan nila Angel at Beks. Bagay na bagay talaga yung name na GagsTea, walang duda. Pagkaraan ng ilang oras, nagpaalam na rin si Kian dahil marami pa raw siyang aasikasuhin.  Habang nagpupunas ng mga table ay tinawag ako ni Anna, "Ellie, pakitapon daw yung mga basura sa likod sabi ni Boss." Tumingin ako sa kan'ya, "Sige sige. Tapusin ko lang 'to," sagot ko. Akala siguro ng ibang tao madali lang itong trabaho namin. Mula sa pagkuha ng order, pagserve ng drinks at paglilinis ay ginagawa rin namin. Nakakalungkot nga lang na may ibang mga tao na minamaliit ang trabaho namin.  Pumunta ako sa staff room para tanggalin ang apron ko. Binuksan ko ang pinto sa likod ng staff room papuntang parking lot. Kinolekta ko ang mga basura namin sa plastic bag at inilagay iyon sa iisang lugar para pag dumating yung truck ng basura ay madalian na lang sila.  Pinunasan ko ang pawis sa noo ko, "Wooh! Natapos din."  Pabalik na sana ako sa loob nang mapansin ko na parang may lalaking pinipilit buksan ang kulay itim na sasakyan sa kabilang parking lot na katabi lang namin.  "Magnanakaw ata 'yon ah? Ano'ng gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko habang naghahanap ng bagay na puwede kong gamitin.  Ano bang puwede kong gawin? Kung itutulak ko siya ay baka mapano ako. Baka kasi may dala siyang kutsilyo. Kung tawagin ko naman sila Boss, baka pagdating nila dito nanakaw na yung sasakyan. 'E kung gawan ko na agad ng paraan hindi yung kinakausap ko pa yung sarili ko dito, buwiset. Kinuha ko ang malaking batong nakita ko sa tabi ng puno at dahan dahang pumunta sa kabilang parking lot. Sana hindi niya 'ko mapansin, huhu. Nagtago ako sa kabilang sasakyan malapit sa lalaki.  Hinga ng malalim self, kaya mo yan. Hindi naman siguro siya mamamatay pag natamaan siya ng bato noh?  "HOY! MAGNANAKAW!" sigaw ko tsaka hinagis ng malakas ang bato. Sa sobrang gulat niya ay huli na nang mapansin niya ang batong hinagis ko sakan'ya. Natamaan siya sa braso.  Napaupo siya sa semento at hinawakan ang braso niya, "PAKIELAMERA KA!"  Maglalabas na sana siya ng kutsilyo sa likod ng pantalon niya habang dahan-dahang tumatayo, kaya naman kinuha ko ang batong nasa tabi ko at hinagis sa kan'ya. Rinig na rinig ang pagkabasag ng salamin ng sasakyan. HINDI SIYA NATAMAAN! KAASAR! Tumunog ang alarm ng sasakyan kaya tumakbo ang lalaking magnanakaw.  "Sige! Tumakbo ka, h'wag ka nang babalik dito!" sigaw ko sa kan'ya.  Pero paano na ang gagawin ko rito? Nabasag ko yung salamin ng sasakyan. Rinig ko ang mga hakbang papunta sa puwesto ko, mukhang paparating na 'yong may-ari ng sasakyan.  ...Patay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD