Chapter 6

2537 Words
GUNNER REKKER ROSS __ Hininto ko ang sasakyan sa harap ng building. Tila kilala agad ng guard ang sasakyan ko at nakalapit na ito bago pa ako makababa. "Magandang araw po, sir." "Hindi ako magtatagal. Susunduin ko lang ang fiancé ko," I told him and flashed a smirk. Yumuko ito sa akin at sinundan na ako papasok sa building. Ramdam ko ang mga matang nakatingin hanggang sa makapasok ako sa loob ng elevator. I guess I got the most challenging mission, and of course, the most exciting one. I had different identity when scamming and stealing from different women before kaya hindi ko kailangang mag-alala kung ma-e-expose man ako sa media. I just had to get used to it dahil unang beses kong gamitin ang totoong mukha ko and I must enjoy it dahil iyon na ang magiging huling misyon ko. Huminto ako sa palapag ng opisina nito. Diretso ako sa paghakbang kahit nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsilip ng dalawang tao sa magkabilang glass wall ng mga opisina nila. Malapit na ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. Napahinto ang isang babae sa harapan ko na tila ba hindi inaasahang makita ako. "Y-you must be... Mr. Buenavista?" "I am," I confidently answered. Ngumiti ito nang malapad sa akin at naglahad ng kamay. "I'm Ava, Ms. Carbonell's assistant." Kinuha ko ang kamay nito just to show respect. "Pleased to meet you. Is she there?" "Nasa loob po. Do you want me to inform you na nandito po kayo?" "No. There is no need for that. I wanna surprise her." Hinakbang ko muli ang mga paa ko at dumiretso na papasok sa pinto. Sinundan niya lang ako ng tingin at hinayaan na. I saw her in front of a not so huge file cabinet. May hawak siyang folder na kasalukuyan niyang binabasa.Wala sa loob na inikot ko ang tingin sa loob. Maaliwalas doon. Nag-blend ang kulay ng puti at ng wood. Elegante ang mga gamit at ang modern design, just like her. Marahan akong sumundal sa harap ng mesa niya at binigay muli sa kaniya ang buong atensyon ko. Sandali ko siyang hinagod ng tingin. All I could see was her long leather trench coat na halos umabot sa kulay pula niyang heels. I simply cleared my throat. Nakita ko namang napatigil ito. "Too occupied to notice me, hmm?" Sinara nito ang folder na hawak at tuluyang bumaling sa akin. I so loved that attention. "Are we going to meet your parents?" "I thought of a better idea." "Better idea? I'd bet you've been thinking of that." "I'll tell dad we broke up." Bahagyang umangat ang sulok ng labi ko. I knew she was bothered about it since earlier. "And what reason will you tell him?" "You cheated." Lalong umangat ang sulok ng labi ko sa naging sagot nito. I knew it was out of desperation. Nakapagsimula na ako sa misyon ko at hindi ko na hahayaang basta na lang mawala sa akin ang pagkakataon. "Sounds like a good excuse." Tumango pa ako in agreement with her. "What an excellent excuse." Nilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ko at nagsimulang tawagan ang isang numero. I looked at her straight in the eyes. Ilang sandali lang, narinig ko na ang tinig sa kabilang linya. "A wonderful day to you, Mr. Carbonell, this is Lachrei Laken Buenavista. Samantha and I will see you in a while." "Good," matipid na sagot nito. Lalong lumapad ang ngisi sa mga labi ko habang tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Sinilip ko ang suot kong wristwatch bago muling bumaling sa kaniya. "I think it's time to leave." She gave me a look bago lumapit sa mesang inuupuan ko. Bahagya akong umalis doon para panuorin siyang kuhanin ang mga gamit niya. Sa tingin ko ay sinadya niyang hindi na ako bigyan pa ng tingin hangang sa makalabas kami ng opisina niya. Hinigit ko ang kamay niya pero mabilis niya rin iyong binawi mula sa akin. "Willow knows that I don't really know you." "What about the other guy?" Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakasilip pa rin ito sa glass wall. I did not force to hold her hand. Sabay kaming sumakay ng elevator. I was still looking at her pero halatang iniiwasan nitong mapatingin sa mga mata ko. Sinadya kong muling higitin ang kamay niya nang makarating kami sa ground floor. "Well, I think not everyone knows." Hindi na ito sumagot pa at hindi rin binawi ang kamay mula sa akin hanggang sa maalalayan ko siyang sumakay sa loob ng luxury car ko. Kasasara ko lang ng pinto sa driver's seat nang magsalita ito. "Are you taking advantage of the situation?" "Is that too obvious?" I answered while fastening my seatbelt. "You just brought me into this situation and you can't just leave by telling everyone we broke up. I can't take my privacy back, Ms. Carbonell. I will be forever a supermodel's history." Nagsimula na akong magmaheo at nakita ko naman sa gilid ng mata ko na diretso lang ang tingin nito sa daan. "You proposed. That wasn't even necessary." "Hm-hmm, and it was also not necessary to say yes. I must be thankful to you, still. Hindi ako napahiya sa maraming tao." "Where did you get that ring?" "You mean, that one you are wearing?" Bumaling ako sa kaniya at nakita ko ang sandaling pagtingin niya sa suot na singsing. Umangat na naman ang sulok ng labi ko. Mukhang nakalimutan niyang suot niya pa rin iyon. "I'm full of surprises, baby." She heaved a deep sigh like trying to contain her emotions. Tinuro niya sa akin ang daan papunta sa bahay nila. Of course, alam ko kung paano puntahan ang mansion nila, I just didn't tell her because I liked hearing her restrained voice. Couldn't stop my lips from moving. Maraming tauhan ang sumalubong sa amin sa pagbaba na para bang president ng Pilipinas ang sasalubungin ng mga ito. Bumati ang mga guwardiya at yumuko sa aming dalawa. Lumapit din ako sa kaniya at kinuha ang baywang niya. Hindi na ito tumingin pa sa akin at sinundan ko lang ang hakbang niya papasok sa loob ng mansion. Sanay na akong makakita ng magagandang bahay, but their mansion still surprised me. It was a combination of classic and modern design. Ibang-iba ang pagiging elegante niyon. Napaka-raming nagkikislapang chandeliers. Kumikinang din ang sahig at lahat ng gamit sa loob. Too clean. Kahit ang mga kasambahay sa loob ay lumapit sa amin para yumuko at bumati. Nakuha naman agad ng atensyon ko ang isang malaking-malaking family picture na nakasabit sa dingding. "Is that you?" I absentmindedly asked while staring at the young little girl in the picture. Her eyes looked so innocent there. "You better think of what you should tell my dad instead of asking obvious questions." "I'm ready to meet him, don't you know?" Sinundan namin ang kasambahay papunta sa dining area. Napansin ko agad ang mahabang mesa roon na punong-puno ng iba't-ibang klase ng pagkain. Mas nakuha naman ng atensyon ko ang dalawang taong nakaupo sa harap ng mesa. Si Mr. Samiego Carbonell sa dulo ng mesa at si Samaflier Carbonell sa gilid nito. Tumingin ang mga ito sa direksyon namin. Mula sa prenteng pagkakaupo sa silya, matikas na tumayo ang mga ito hindi para batiin ako kung hindi para salubungin si Samantha Carbonell. Pinagmasdan ko lang sila nang lumapit si Samantha para yakapin at halikan sila. Mukhang tama si Faith sa pag-iimbestiga sa mga ito. Totoong mukha silang maamong tupa pagdating rito. I wonder why. Napunta rin sa akin ang atensyon ng mag-ama. Tila kinikilatis pa ako ni Mr. Carbonell habang masama naman ang tingin sa akin ng kapatid niyang si Aflier. Iyon ang tawag ng mga tao rito sa pagkakaalam ko. "Magandang gabi Mr. Carbonell, and Brother, Aflier. I'm happy to finally meet you. Let me introduce myself, I am Lachrei Buenavista." Nilahad ko ang kamay ko kay Mr. Carbonell. Gumalaw ang mga kilay nito. "You've been calling me Mr. Carbonell, I don't like that. I am Mayor Carbonell." "Oh, I almost forgot. I'm sorry, Mayor Carbonell. It's just that... I've been doing business lately." He still looked skeptical pero inabot pa rin nito ang kamay ko. Pagkatapos ay kay Aflier ko naman iyon nilahad. Hindi ito nag-abalang kuhanin ang kamay ko. Sa halip, prente itong naupo pabalik sa silya niya habang ganoon pa rin ang tingin sa akin. "Take a seat, Mr. Buenavista. We have a lot to talk about," his father uttered. Bago ako naupo, pinaghila ko muna ng silya si Samantha. Nagkasalubong pa ang mga mata namin nito. I just smiled at her. May lumapit agad na kasambahay para maglagay ng wine sa baso at nagdala na ng pinggan sa harapan namin. "I still can't believe that my daughter is engaged. That was too fast. Why didn't you even show up yourself here?" "I wanted to, Mayor Carbonell, but... I don't want to betray my fiancé. I promised her not to tell anyone about our relationship." "Why didn't you let us know, sweetheart?" She looked at her father. "I just wanted a peaceful life, Dad." "Gaano na kayo katagal?" malamig na tanong ng kapatid niya sa tapat na noon ay prente pa ring nakasandal sa silya niya. Sinadya kong kuhanin ang kamay ni Sam. "Magdadalawang taon na." "That long, hmm?" Bumaling ito kay Samantha. "You really didn't tell us? Wala ka ba talagang tiwala sa amin?" Nag-anagat ng tingin si Samantha sa kaniya. "Don't worry. We're—" Bago niya pa maituloy ang sasabihin niya at pinutol ko na siya. "We're happy. I'm doing what I always do, protect her and make sure she's happy." Bumaling sa akin si Samantha. Sinadya kong abutin ang pisngi niya at hawiin ang ilang hibla ng buhok niya. Habang hindi nito tinatanggal ang atensyon sa akin, pakiramdam ko ay may kung anong bagay ang kumikiliti sa loob ng tiyan ko. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ng kapatid niya. "Saang lupalop ka nanggaling?" Hindi ko pa gustong putulin ang koneksyon rito, pero bumaling ako kay Aflier. "Tatlong taon na akong nagnenegosyo rito sa Pinas. I grew up in Italy with my parents. They passed away when I was fifteen in a vehicular accident, which forced me to be independent at a very young age. Natuto ako agad mag negosyo. Sinadya ko pang mag-aral sa iba't-ibang prestigious school sa buong mundo. Right now, I'm still running our business in Italy. Restaurants, hotels, casinos, and more. I can say that choosing to come back here is the best decision of my life. I met your sister." Gumalaw ang panga nito. Somehow, alam kong hindi niya ako magugustuhan beaus he already liked someone else for her. "Anong pinagkakaabalahan mo ngayon dito sa bansa?" tanong ni Mayor Carbonell. "Well, I'm running a business that I started three years ago. I'm a high-end car dealer. I also have a modeling company. It's new but has a lot to offer. Aside from those, I'm still negotiating with different people here in the country. I'm planning to build restaurants, hotels, casinos... and even real estate. I still feel new here." "It sounds like a bluff," muling sambit ni Aflier. "Hangga't walang naitatayo, mananatili iyang yabang lang." "Well, I have million dollars in cash. Wanna see it?" Prente rin akong naupo sa silya at ngumisi sa kaniya. "Sa totoo niyan may regalo ako sa'yo." Marahan kong inangat ang kamay ko sa ere at mabilis namang lumapit ang mga tauhan kong may dalang mga suitcase. Nilapag ng mga ito ang mga iyon sa mesa at binuksan. Lalong lumapad ang ngisi sa mga labi ko. "Sampung milyon." Umismid ito sa akin habang nagtatangis ang mga bagang. "Are you insulting me? I don't need your money." "Oh, I didn't mean to insult you, brother. I just... really have a lot of it. Baka ma-expired," sarkastikong sambit ko at uminom ng wine. "Gago pala 'to, e." "Aflier," suway sa kaniya ni Mayor. I licked my lower lip before speaking again. "I just... heard from my friend na kailangan mo ng pera. I thought that might help. Nagwala ka raw kasi last time sa casino niya noong maubos ang pera at mga alahas mo." Halos sumabog na ang mukha nito sa pula. He looked uneasy, but he still managed to laugh at me na para bang sasapakin niya na ako ano mang oras. "It's okay if you don't want the money. I should have thought that you might misunderstand it." Muli akong sumenyas sa mga tao ko at mabilis namang sinara ng mga ito ang suitcase at umalis na. Those money were fake. Alam ko lang na hindi niya tatanggapin. Gusto ko lang magyabang. "What is he talking about, Aflier?" "That's not true, Dad." His jaw clenched again and looked at me. "Tell him it's not true." "Well... baka nagkamali lang ang kaibigan ko. I know a lot of influential people, but you know... sometimes they make mistakes... so maybe he was just really mistaken." Inayos nito ang suot na coat habang tila pinapatay pa rin ako sa isip niya. It was so satisfy to watch him. Nandoon na rin ako sa sitwasyong iyon, ginalingan ko na rin ang pagyayabang ko. We planned everything and I didn't have to reserve. May backup lahat ng claim ko kahit halughugin pa nila sa internet. Maraming naging tanong sa akin ang mga ito. I answered all of it. Tahimik lang si Samantha ngunit alam kong marami na ring bagay ang tumatakbo sa isip nito. I had been playing with her fingers and I would sometimes caught her looking at it. Matapos ang hapunan, kinausap siya ni Mayor na silang dalawa lang sa labas. Pinagmamasdan ko lang sila mula glass wall nang marinig ko ang tinig ni Aflier. "Sino ka ba sa akala mo?" Bumaling ako rito. "Is this still about the money, Brother?" Nagngangalit na kinuha nito ang kuhelyo ko. "Don't call me that. Hindi kita kapatid and I don't like you for my sister." "I know you like her ex better. I understand that he's your best friend." Marahas nitong bintiwan ang kuhelyo ko. "Sa susunod, bawasan mo ang kayabangan mo lalo na at nandito ka sa teritoryo ko, naiintindihan mo?" Binigyan niya pa ako nang matalim na tingin bago ako tuluyang lagpasan. Napangisi pa ako at dinala ang mga palad ko sa magkabilang bulsa habang sinusundan ito ng tingin. "Sa susunod, sabihin mo lang ang pangalan ko kapag wala ka nang pangtaya sa casino," I said to fuel the fire in him. Kumuyom ang mga palad nito ngunit hindi na bumaling pa. I laughed softly. Lumabas ako ng mansion at sa tabi ng sasakyan ko na hinintay si Samantha dahil gusto kong mag yosi. Nang matanawan ko itong lumabas ng pinto, binagsak ko rin agad ang sigarilyo sa sahig at tinapakan iyon. Simple kong pinakawalan ang usok sa bibig ko habang papalapit ito. Damn, she could walk so fine with poise and elegance. Just walking casually could already make her a supermodel. Tuluyan itong huminto sa harapan ko at diretsong tuumingin sa mga mata ko. "We need rules." A playful smile formed on my lips again. I guess someone had finally decided to be my wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD