Chapter 5

1958 Words
SAMANTHA AIDEN CARBONELL __ Lumapit ito sa akin na may dalang shopping bag. "I asked my assistant to buy you clothes." Tiningnan ko siya sandali sa mga mata bago ko kuhanin ang inabot niya. Tiningnan ko ang lamang damit sa loob at sinadya kong hanapin ang tag. Narinig ko ang mahinang pag-ismid nito. "Don't worry. It's designer clothes. Original." Muli kong binigay ang atensyon ko sa kaniya. May ngisi pa rin sa mga labi nito na tila alam na kung anong nasa isip ko. "I'll dress up. Get out." Hindi nawala ang ngisi sa mga labi nito. Dinala niya ang mga palad sa magkabilang bulsa bago tumalikod sa akin at humakbang palayo. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog na katabi ito sa higaan kagabi. I just made sure that there was space between us. I got myself ready before I went out of his room. He was waiting in the lobby, reading a magazine. I chose not to give him attention when we stepped in the lift. Nakikita ko pa rin siya sa gilid ng mata ko dahil sa maliwanag na salamin sa pintuan ng lift. Sinuot ko ang sunglasses ko nang tumunog ang elevator. Not everyone knew me, but I just wanted to be cautious. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat ng kulay pulang sports car niya. Nagsimula ko nang kalkalin ang loob ng dala kong handbag para hanapin ang cellphone ko. "Looking for this?" tanong nito nang makapasok sa loob ng sasakyan. Nakita kong hawak niya iyon sa ere. "Charged this." I also forgot na wala na iyong charge kagabi. Wala sa loob na kinuha ko iyon sa kaniya nang hindi siya tinitingnan sa mga mata. I pressed the button to turn it on. Nagsimula na itong magmaneho habang hinihintay kong bumukas ang cellphone ko. When it did, sunod-sunod ang naging pagtunog doon mula sa iba't-ibang notification. I couldn't use it for a while. Tumunog din agad ang ringtone at nakita ko ang pangalan ni Duke. I was still deciding kung sasagutin ko iyon nang marinig ko ang tinig ng lalaki sa tabi ko. "Your ex is calling. Perhaps he will congratulate you for getting engaged," he said with sarcasm. Hintayin kong mamatay ang tawag nito. Wala pang ilang segundo, muling tumunog ang cellphone ko at pangalan naman ni dad ang nakita ko sa screen. I heaved a deep sigh because I felt the need to answer it. Tinutok ako ang cellphone sa tainga ko. "Samantha," agad sambit nito sa kabilang linya. My heart pounded a bit. "Kagabi pa kita hindi matawagan. Pinapuntahan kita sa penthouse mo at sa bahay mo. You weren't there. Where are you?" "I'm fine, Dad. Papunta na ako sa Aiden's." "Are you sure you're going to work? I heard my media sa labas ng kompanya mo at hindi sila mapaalis." "I expected that already..." "Gusto mong magpadala ako ng mga pulis?" "No, dad. Don't get involved." "You have to explain to me, hmm? I was so shocked, My love." "I'll see you at home, Dad..." "I wanna see that guy. Isama mo siya. I need to talk to him." Muli akong napalunok at simpleng tiningnan ang lalaki sa driver's seat without being too obvious.. "Not tonight, dad... he's busy," mahinang sambit ko, hoping that he wouldn't hear it, but of course... impossible. "Sure, Mr. Carbonell. We'll see you tonight," he said quite loudly, enough for dad to hear. Tuluyan na akong bumaling sa kaniya. How could he? "Was that him?" Dad asked on the other line. "You were with him the whole night?" "I'll just... call you later, Dad." Hindi ko na hinintay na sumagot ito. Pinatay ko na agad ang tawag. "I didn't tell you to say anything." Umangat na naman ang sulok ng labi nito habang diretsong nakatingin sa daan. "I also didn't tell you that I was busy, so I just tried to correct you by butting in." Bumaling ako sa daan. He was so complicated. "How could you propose immediately? Did you plan it?" "I always had that ring with me." "You can't just offer proposals to women just because you're bored." "Why not? Kung oo naman ang sagot mo?" Wala sa loob na napapikit ako. I didn't want to remember how stupid I was to decide impulsively. I was still questioning why I said yes. Kahit hindi ko tingnan, I knew he was playfully smirking again. "Getting completely naked in a room with a woman without her consent is harassment, as well as carrying her and pinning her on the bed." "Oh..." he whispered. "Did I make you feel harassed last night, Ms. Carbonell?" Whenever he spoke, I could hear that sarcasm in his tone. He sounded so ludicrous. "Maybe we can talk then about this woman who broke into my car and then invited me to her event to kiss me in front of many people and flashing cameras, exposed my so private life to her showbiz life, and now I cannot freely walk on streets without paparazzi following me. God... that was so traumatizing. Do you think I should file a case against her?" Muli akong pumikit nang mariin. I knew I couldn't win that argument. "If Samantha Carbonell kisses Lachrei Buenavista, it's a "f**k, thank you," but if Lachrei Buenavista carries Samantha Carbonell and pins her on the bed, it's a "damn, harassment." Gracious... the world needs more equality. Don't you think?" I chose not to say anything more. Tumunog muli ang cellphone ko. It was Kuya Fier calling pero hindi ko na sinagot ang tawag nito. Hindi ko na rin binasa ang mga notification doon. I didn't want anything to remind me how stupid I was last night. Tinawagan ko si Ava. My personal assistant. "Good morning, Ms. Carbonell. Do you need anything?" "I'm on my way there." "R-really, ma'am?" Narinig ko ang mabilis na pagkilos nito sa kabilang linya. "Marami pong media dito ngayon. Hindi po namin sila ma-control, but I'll check the possible entrance na walang masyadong media, Ms. Carbonell. I'll get our securities ready." "Also, get my makeup ready. I'm bare-faced." Narinig ko ang mahinang pag-ismid ng lalaki sa tabi ko at mahinang pagbulong nito. "Of course, makeup above all else." Hindi ko na ito binigyan pa ng pansin. Hinintay kong muling tumawag si Ava para bigyan ako ng instructions. "Dumaan ka sa exit," sambit ko nang matapos ang tawag nito. "Maiiwasan ba natin ang media doon?" "No, but maybe there are just a few waiting there." "Roger that, Ma'am." Simple kong inaayos ang buhok ko nang malapit na kami. Maraming nag-flash na camera. Dumungaw ang media sa bintana ng sasakyan at kinatok iyon. Narinig ko agad ang iba't-ibang tanong ng mga ito. The man beside me got himself ready to get out. Sinundan ko siya ng tingin habang sinusubukang makaiwas sa media na dumumog sa kaniya papunta sa pinto sa tabi ko. Our securities escorted him hanggang sa mabuksan niya ang pinto. I had to always move quickly in that situation. Sanay na ako. "Ms. Carbonell, ano hong masasabi ninyo sa nangyaring double proposal kagabi?" "Ms. Carbonell, gaano na ho katagal ang relasyon ninyo kay Mr. Buenavista?" "Ms. Carbonell, may araw na po ba ang inyong kasal?" Narinig ko ang iba't-ibang tanong na iyon pagsayad pa lang ng heels ko sa sahig. I ignored those questions and the other more. I felt Mr. Buenavista held my shoulders tight. Dinumog kami ng mga ito sa tuluyang pagbaba ko ngunit nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng building. Umusad ang palad nito pababa sa kamay ko na siya kong simpleng sinundan ng tingin. Nakikita ko pa rin ang pag-flash ng camera kaya hinayaan ko lang ito. Sinalubong kami ng head ng security at ito na ang naghatid sa amin sa pagsakay sa lift. Sinadya kong bitiwan ang kamay nito nang makapasok kami sa loob at simpleng humugot ng malalim na hininga. I had been keeping my life private for the past years as much as I could. Then great, I was back to dealing with the media again. Anim na palapag lang ang building. My office was on the 6th floor, and we had a cozy roof deck to stay at, unwind, and relax. Bago pa bumukas ang elevator, naramdaman ko ang muling pagkuha nito sa kamay ko. Tiningnan ko siya mula sa salamin. "Wala naman sigurong bagong engaged na hindi magka-holding hands?" Tuluyan nang bumukas ang lift and I just let him hold my hand. After all, kailangan ko pa ring panindigan ang katangahan ko until it was all settled. Tatlo lang ang opisinang nandoon. My office and my team's office. The rest, meeting rooms na and another longue area kung saan kami tumatanggap ng bisita. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-atras ni Enzo sa swivel chair niya at pagsilip nito sa glass wall habang may dalang magazine. Bago pa makarating sa opisina ko... napahinto ako nang biglang sumulpot si Willow mula sa opisina niya. Dala niya ang paborito niyang pamaypay habang pasalin-salin ang malisyosong tingin sa aming dalawa. Tiningnan pa nito ang kamay naming magkahawak. "Hi, I'm Lachrei," he introduced himself. Willow faked a smile. "Nakita ko nga sa news. Magkasama kayo magdamag?" "Hmm-mm, we celebrated our engagement." Binitiwan nito ang kamay ko pero hinapit naman niya ang baywang ko. "Oh... how sweet," Willow again commented with sarcasm. "Akala ko pagkatapos ng kasal ang honeymoon, pagkatapos pala ng proposal?" Kinuha ko ang braso niya at sinimulan siyang hilahin. "Bakluh, sandali." "Hey, baby," tawag ng lalaking iyon. "Wala bang goodbye kiss?" Huminto ako at bumaling sa kaniya. He was just obviously trying to get into my nerves with that smirk. "Oh, kiss daw, huwag ka nang mahiya, ako lang 'to." Muli kong hinila si Willow at hindi na nilingon pa ang lalaking iyon. "See you later, baby," he again managed to say. Binitiwan ko lang si Willow nang makarating kami sa opisina ko. Nagtungo ako sa glass wall para tingnan ang labas. Marami pa ring media sa harap ng building. "Bakluh!" malakas na sigaw nito. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. "Saan mo napulot ang boylet na iyon? Hang guwapoh!" Hindi ako bumaling sa kaniya. "How can we make those people leave?" "Ipabaril mo." Kinuha niya ang mga balikat ko at hinarap ako sa kaniya. "My god, you shook all of us. That was so unexpected. Kailan ka pa nagka-boyfriend ulit? Gaano na kayo katagal? How were you able to hide that from us AND FROM ME? Hello, I'm the greatest Marites here. I can't believe I didn't even notice. That was so disappointing!" "I don't know him," I answered frankly. Humakbang ako papunta sa mesa ko. "Ano?" naguguluhang tanong nito. "Huwag mo nga akong pagdiskitahan, Samantha Aiden." Huminto ako sa harap ng mesa ko at tinanggal ang suot kong sunglasses. Bumaling ako sa kaniya. "I'm telling the truth." Alanganin itong tumawa at humampas sa ere. "Tigilan mo ako. Hindi ka magaling magpatawa. Come on, no judgment here." "Come here." Mabilis itong lumapit sa akin. Binilisan niya ang pagpaypay sa dibdib niya habang interesadong naghihintay sa sasabihin ko. "Look into my eyes." Matagal ako nitong tinitigan bago namilog ang mga mata niya. "Oh my god!" Napahawak ito sa bibig. "You really don't know him? H-how come? What?" Umanamgat ang palad nito sa ere na tila gustong ipaliwanag ko pa sa kaniya. "I have a lot of problems, Willow." "Oh my god... was that only for show dahil bitter ka?" Muli akong pumikit. "Dad wants to meet him." "Bakluh, now I'm more surprised na hindi mo siya kilala than that proposal. Gosh, so what's the plan?" Kinagat ko ang ibabang labi ko. "I'll tell dad... we just broke up." He grinned. "Well, well, well... good luck, drama queen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD