Chapter 4

1709 Words
GUNNER REKKER ROSS __ Hinigit ko ang balikat niya para protektahan siya papunta sa sports car ko. Ginitgit kami ng mga taong kumukuha ng litrato. May ilan pa ang sumusubok magtanong tungkol sa relasyon naming dalawa. Hindi na ako nagtagal pa. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at inalalayan ko siyang pumasok sa loob. Kinatok pa siya ng mga ito sa bintana at pilit pa rin akong nilapitan ng iba ngunit wala akong pinansin kahit isa sa kanila. Nagmaneho agad ako palayo sa venue. Sinilip ko pa ang side mirror para tingnan ang ilang sumusunod. Fuck, that was the hassle of dating a supermodel. "What were you thinking?" maya-maya ay malamig na tanong nito sa passenger seat. "Why are you asking me as if it was a one-man decision? After all, you said yes and welcomed my lips in front of everyone." Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nito. "I know your address. Ihahatid na kita." "I'm sure there are media waiting there." Mabilis kong pinihit ang manibela ng sasakyan ko. "Then you are welcome to my home." Katulad noong nakaraan. Halos sumubsob ito sa akin. I smelled her scent again. Umangat ang sulok ng labi ko. I loved it. Hinayaan kong siya mismo ang lumayo. I was really having the best night of my life. It was so thrilling with lots of surprises. Itinabi ko rin ang sasakyan sa isang gilid at dumukwang sa tabi niya. Umatras ito at lalo naman akong napangisi. "Did you think I would kiss you?" I playfully flashed a smirk. Inabot ko ang seatbelt sa gilid niya. "No... I will wait for you to need my lips again. My walls are all down for you, Ms. Carbonell." Sandali ko pang pinagmasdan ang mga matang iyon bago ako muling umayos sa upuan ko at nagmaneho. "Anyway, what do you want me to call you? Love? Baby? Honey? Sweetie?" Hindi ko na ito narinig na sumagot pa. Nakatingin lang siya nang diretso sa daan sa buong biyahe hanggang sa makararing kami sa building kung nasaan ang tinutuluyan kong penthouse. Natanggal ko na ang seatbelt ko ngunit tila wala itong planong bumaba ng sasakyan. "I won't stay anywhere with you. I will call my driver." Hinalungkat niya ang maliit na bag na dala pagkatapos ay binuksan ang cellphone niya. Unfortunately, it didn't turn on. Mukhang pinagbibigyan talaga ako ng pagkakataon. "Aw," I whispered with sarcasm. "Seems like I can help." Tuluyan na akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. I let her decide kung bababa siya o hindi. Eventually, she chose to get out of the car. Dinala ko ang mga palad ko sa magkabilang bulsa habang papunta kami sa elevator. I brought out my card and tapped it on the elevator. Diretso na akong dadalhin niyon sa penthouse. Tumayo ako sa kabilang dulo at sumandal. I intentionally looked at her. Nagkataong nakatingin din ito sa akin, obviously still hesitant and uncomfortable. Nag-iwas din ito ng tingin and I was still smirking from ear to ear. I was just wondering kung bakit tila mailap pa rin siya gayong halos araruhin niya ang mga labi ko kanina sa sarili niyang event. Binaling ko ang tingin ko sa ilaw sa taas kung saan nakalagay ang numero ng floors. Tumunog ang elevator at bumungad na ang magandang waiting area ng penthouse. Isang malapad na hallway ang nandoon. Nauna akong humakbang sa kaniya at hinayaan ko siyang sumunod. Pinagbuksan ko siya ng pinto sa loob ng silid kung saan nandoon na ang living room, ang working station ko, bathroom, at isang malaking bed frame. "Welcome to my home." Nakita ko kung paano niya inikot ang tingin sa buong paligid. "Whiskey?" I asked. Binalik nito ang tingin sa akin. "Can I borrow a charger?" Ngumisi ako sa kaniya. Tumalikod ako at nagtungo sa mesa para magsalin ng alak sa baso. "Of course... no. Take a seat." Prente akong naupo sa couch at sumimsim ng alak sa baso. "Why not?" "You should not call anyone. You'll stay here with me throughout the night and we'll talk about our wedding." I saw a little disbelief on her face. I just realized that there was no point in acting like a gentleman anymore. Siya ang kailangan ko noong nakaraan, but the tables had turned. Mukhang parehas na naming kailangan ang isa't-isa. "Why did you propose?" malamig na tanong nito. "I'm bored," diretsong sagot ko at muling sumisim ng alak. "I just thought it would be fun to play with your ex." I was still deciding if I should tell her that I had more than ten divorces. A lot of women were crazy to marry me, so I let them and took all their money. Nilabas ko ang cellphone ko. Muli akong napangisi. People were too quick to search. Mabilis naging libo-libo ang followers ko sa social media at marami akong nakitang articles at komento tungkol sa nangyaring proposal kanina. "Oop, we are trending. Hmm, many of them are calling me hot and handsome. I am flabbergasted and flattered. People rarely lie these days." Sa tingin ko, matutuwa pa akong gamitin ang social media sa mga susunod na araw. Marami akong puwedeng gawing biktima. I would be needing Faith's help for that. "Have you decided?" tanong ko habang nagbabasa pa rin ng mga komento. "Decided what?" Tumigil ako at bumaling sa kaniya. "Honey o baby?" Sandali lang niya akong tinitigan bago tumingin sa ibang direksyon na tila ba malapit ko nang maubos ang maiksing pasensya niya. I liked seeing people bothered by my presence. It was something to be proud of. "May nakahandang damit sa bathroom. Feel at home." Of course, everything was ready. Maasahan ko si Faith pagdating sa mga ganoong bagay. Hindi ko na kailangang iutos pa. Tumayo ito mula sa couch. Simple ko naman siyang sinundan ng tingin bago ako nagpatuloy sa pagbabasa ng mga komento tungkol sa proposal. Bawat minuto, nadadagdagan ang mga follower ko. Some were even sending me message. Nadaanan ko rin ang article tungkol sa proposal ng ex-boyfriend niya, pero sa tingin ko sa amin pa rin napunta ang atensyon ng mga tao. Hindi ko namalayan na nakalabas na ito ng bathroom. Naamoy ko na lang ang sabon at shampoo na ginamit nito. Muli ko siyang sinundan ng tingin. Suot niya na ang kulay pulang nightwear na hinanda ni Faith. That was too decent. Mahaba ang manggas at hanggang talampakan ang haba. Kailan pa siya nanging conservative sa pagpili ng damit? She should have prepared something more exciting. Tumayo na rin ako mula sa couch. Hinubad ko ang suot kong coat at sinumulang tanggalin ang butones ng suot kong sleeves. Tuluyan ko nang nahubad ang pang-itaas ko nang muli akong bumaling sa direksyon niya. I caught her looking pero mabilis din itong tumingin sa ibang direksyon. Muling nabuo ang ngisi sa mga labi ko. I loved that she was interested in staring. I couldn't blame her. Dumiretso ako sa bathroom and damn... it smelled so sweet there. I let that settle in my system for a while habang tinatangga ang sinturon ko. Tumayo ako sa ilalim ng shower. Hinawi ko ang basang buhok ko at nagpakawala ng hininga habang patuloy sa pag-agos ang tubig sa ulunan ko. The next few days would be so exciting for me. Hindi ko inaasahang magiging madali sa akin ang lahat at ako na mismo ang nilalapitan ng misyon ko. Sinadya kong lumabas nang nakatapis lang ng tuwalya. Pinagmasdan ko ito na marahang umiikot sa silid na tila may hinahanap. "Looking for me?" pilyong tanong ko. Bumaling ito sa akin na blanko ang mga mata. "Comb." "Oh... I was disappointed." Nagpatuloy ako sa paghakbang at nagtungo sa tabi ng higaan ko. Mayroon doong isang malit na table na may drawer. Kinuha ko sa loob ang suklay. Winagayway ko iyon sa ere. Hinayaan kong siya mismo ang lumapit sa akin para kuhanin iyon. Matapos abutin sa akin ay lumayo rin siya at sinimulang suklayin ang buhok niyang hanggang sa dibdib ang haba. I had a playful thought in my head that made me feel excited. Nagtungo ako sa closet ko at naghanap ng damit. Sinadya kong tanggalin ang tapis kong tuwalya. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko na naman kung paano ito nag-iwas ng tingin. Dahan-dahang umangat ang sulok ng labi ko habang sinasadya ko pang bagalan ang pagkuha ng damit. Humarap ako sa direksyon niya habang naglalagay ng saplot sa katawan ko. Nakaharap na ito sa malaking glass wall na tila hindi na gumagalaw doon. I had nothing to hide. Malaki naman talaga ang pinagmamalaki ko. I had made a lot of women happy all around the globe. Nagsuot na ako ng underwear at ng pajama. Lalong lumapad ang ngisi sa mga labi ko nang muli ko itong tingnan sa direksyon niya habang binababa ang pang-itaas ko. "Baka magka-stiffneck ka." She was literally not moving, and it was too obvious that she was conscious of turning her head. Hindi ko na sinuklay ang buhok kong basa pa. Humakbang ako papunta sa direksyon niya at nakita kong tumingin siya sa akin mula sa salamin. Hindi ganoong kalinaw dahil sa repleksyon ng mga ilaw ng sasakyan ang mga building sa labas ngunit nagtagpo ang mga mata namin doon. I didn't hesitate. Binuhat ko agad siya. "Hey!" sigaw nito sa akin na bakas ang pagkataranta sa mukha. Hinablot niya ang damit ko sa gawing dibdib at mahigpit na humawak doon. I just flashed a playful smile pagkatapos ay... hinagis ko siya sa ibabaw ng kama. I didn't have to worry about her. Naihagis ko na si Faith doon, at napatunayan ko namang malambot at matibay. "W-what are you doing?" Akmang babangon ito mula sa ibabaw ng kama pero kinuha ko ang mga pulso niya at inipit ang mga iyon sa higaan. Nakaibabaw ako sa kaniya ngunit sinigurado kong hindi magdidikit ang katawan naming dalawa. I was still in the proper state of mind and I won't do anything that would make me torture myself. At least, not yet. Hindi nawala ang ngisi sa mga labi ko kahit pa namamangha ako sa ganda ng mukha nitong walang kahit anong bahid ng makeup. She looked so f*****g delicate. "Samantha Aiden Carbonell-Buenavista..." I whispered in a husky voice. "Damn, sounds so good, baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD