Chapter 2

2049 Words
GUNNER REKKER ROSS __ I still couldn't believe that it was really her sitting in the passenger seat of my car. I didn't know if it was really a coincidence. Tiningnan niya ang mga mata ko na para bang ako na ang pinaka-tangang taong nakita niya sa buong mundo. "I said drive." Wala sa loob na tumingin ako sa rear at sa side-mirror. May mga lalaki roon na tumatakbo na tila hinahabol siya. Nang may taong dumungaw sa bintana ng passenger seat, mabilis kong pinaandar ang makina at pinatakbo ang sasakyan. Sinundan ko sila ng tingin sa rear-view-mirror. Sumakay din sila sa sasakyan nila at mabilis humabol sa sasakyan ko. "Who are those people?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa daan. "Just drive." "f**k, I'm not a chauffeur." Kung utusan niya ako parang nabili niya na ang pagkatao ko the moment na naupo siya sa loob ng sasakyan ko at para bang matagal na kaming magkakilala. Sanay akong makipaghabulan sa daan kaya alam kong matatakasan ko sila. I just hated the traffic. Wala pa naman ako sa mood para maging outrageous. Nag-counter flow ako para mabilis na matakasan ang mga ito. Tatlong sasakyan ang humahabol sa sasakyan ko. Para lang akong naglalaro ng video game, but our life was at risk. Nang makakuha ako nang tiyempo, lumiko agad ako sa harap mismo ng humaharurot na truck. Kasabay ng pagpihit ko sa manibela ang siya ring pagbagsak ng babaeng iyon sa akin. Naamoy ko agad ang matamis na pabango niya at naramdaman ko ang palad niyang nakahawak sa braso ko at sa dibdib ko. Ramdam ko ang mata niyang nakatingin sa akin kaya sandali akong bumaling sa kaniya at ngumisi. "Seems like you found a comfort. Do you want to kiss me?" Agad din itong lumayo at umayos sa passenger seat. Noon niya lang naalala na isuot ang seatbelt niya. Hindi nawala ang ngisi sa mga labi ko habang nakatingin sa madilim na daan. Like kept surprising me. It kept giving me thrills. "Where are we going?" "Just take me away from them." "Hold on tight. This will be wild." Ilang beses kong niliko ang sasakyan ko at unti-unti kong sinagad ang speed. Lalo akong napangisi nang makita kong nahirapang humabol ang mga ito. "You all have to learn more from the best," I whispered. Hindi pa rin sumusuko ang mga ito na habulin ako. Naghanap ako ng daanan kung saan siguradong hindi na sila makakasunod. Malayo na ang natatakbo ng sasakyan nang makita kong hindi sila nakasunod likuran. Bad thing was, hindi ko na rin alam kung nasaan kami. "Did we lose them?" Muli akong napatingin rito sa tabi ko. Nakita kong napalunok siya na tila ikinatakot ang bilis ng sasakyan. Well, she should really feel scared if it was her first time. I could drive like crazy. Isa iyon sa mga talent ko. Sinubukan kong tingnan ang navigation sa tab. Hindi no'n nagawang i-pin ang location naming dalawa. Tutal ay wala nang nakasunod sa amin, binagalan ko na lang ang takbo ng sasakyan. Nilabas ko ang cellphone ko para doon tingnan ang location naming dalawa pero wala iyong signal. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. Walang kahit anong liwanag sa paligid bukod sa buwan at ilaw ng sasakyan ko. I realized where in the middle of the woods. Matagal din akong nagmamaneho bago ako nakakita ng isang bahay. Hininto ko ang sasakyan sa harap no'n. Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba para muling tingnan ang paligid. Narinig ko agad ang malakas na hangin at naramdaman ko ang lamig sa balat ko. "Do you know where we are?" tanong ko nang makababa rin siya mula sa passenger seat. Nakita kong tiningnan niya ang cellphone niya. "There's no signal here." Binalik niya rin iyon sa dalang pouch habang halatang nilalamig. Sa suot niyang evening gown na halos wala nang nakatago, malamang ay lalamigin siya. Bumaling siya sa direksyon ko at mabilis naman akong nag-iwas ng tingin. "Stay here." Nagsimula akong humakbang papunta sa bahay. Sinilip ko muna ang bintana. Wala akong nakita dahil madilim sa loob. Sigurado na akong walang nakatira doon. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock iyon. Muli akong simpleng tumingin sa direksyon nito. Iniikot niya pa rin ang tingin sa paligid. Simple ko namang nilabas ang maliit na pin mula sa bulsa ko at sinimulang buksan ang pinto na walang kahirap-hirap. Ginamit ko ang cellphone ko bilang flashlight. Sa tingin ko ay may tumutuloy sa bahay na iyon. Malinis iyon at maayos. Kung sino man ang nandoon, sigurado akong nasa bakasyon. Muli akong nagtungo sa pinto. "You may come in now." Nagtungo ako sa fireplace para ayusin ang mga tirang kahoy doon. Pinutol ko ang sleeves ko sa gawing pulso gamit ang maliit na kutsilyo na lagi kong dala, pagkatapos ay kinuha ko ang maliit na bote ng alak sa loob ng coat ko. Binasa ko ang tela bago ko hinagis sa mga kahoy. Nilabas ko ang isang maliit na box mula sa coat ko. Kinuha ko ang isang pirasong yosi roon. Nilagay ko sa bibig ko bago sinindihan ng kulay gintong lighter na galing pa rin sa bulsa ng coat ko. Humitit ako at nagbuga ng usok sa ere. Plano kong ubusin iyon kung hindi ko lang narinig ang tinig nito. "I hate the smell of cigarettes." Bumaling ako sa direksyon niya. Kasalalukuyan siyang tumitingin sa buong paligid ng bahay. Why the hell should I obey her? Hinagis ko ang yosi sa fireplace at mabilis ding nagliyab iyon. Really? I just gave her what she wanted. Lumiwanag kahit paano ang bahay. Tumayo na rin ako at sinimulang tingnan pa ang lugar. Sa frame na nakikita ko, isang matandang lalaki ang nakatira doon at isang batang lalaki. Muli akong bumaling sa kaniya nang makita ko sa gilid ng mata ko na naupo siya sa couch na nasa harap ng fireplace. Nagsalin siya ng wine sa hawak niyang baso. Iyon lang pala ang hinahanap niya simula nang pumasok siya. Bumaling siya sa direksyon ko bago inumin iyon. "Want it?" Wala sa loob na naupo ako sa couch na malapit sa kaniya. Inubos ko ang laman ng alak sa dala kong maliit na hip flask bago ko inabot ang bote ng wine. Nagsalin ako roon. "Why do you know my name?" Binigay ko ang buong atensyon ko sa kaniya. "Don't you know that you are a super model?" "I'm retired. I'm no longer relevant. I've been avoiding media for long years now." Uminom ako. "But that doesn't mean you are no longer popular." Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit tila nagkakaroon ako ng unti-unting bara sa lalamunan ko. Those eyes looked so different. Those seemed reserved and bewitching. Tumingin din siya sa apoy na nagliliyab sa fireplace. Hindi ko naman nagawang tanggalin ang tingin sa kaniya lalo nang dumampi ang mga labi niya sa hawak na baso at kusa ring sinundan ng tingin ko ang leeg niyang gumagalaw sa bawat paglagok. She also looked so flawless. It was hard not to stare. "Bakit ka hinahabol ng mga lalaking iyon?" "Why should I tell you?" tanong nito at muling tumingin sa mga mata ko. "Because I just saved you." "I don't trust people easily." "Then... you shouldn't have entered my car in the first place." "It doesn't mean I trust you." "Interesting... a super model with trust issues." Muli kong dinala ang flask sa bibig ko at tinungga iyon. Pinagmasdan ko pa siya sa ilang sandali. "Are you cold?" Kanina ko pa napapansin na humihigpit ang hawak niya sa baso at hindi siya komportable. Hindi ko na hinintay and sagot niya. Tumayo ako at pumwesto sa likuran niya para ipatong sa mga balikat niya ang nahubad kong coat. Hindi ako ganoon kalapit pero amoy na amoy ko ang bango nito. Her scent immediately became familiar to me. Para bang mahirap nang makalimutan. "Thanks," she whispered. Tumayo ako sa gilid ng fireplace at pinasok ang mga palad ko sa loob ng bulsa. Pinagmasdan ko ang apoy. Hindi pa dapat iyon ang oras na makikilala ko siya, but I should act well. Nandoon na ako at nakita ko na siya. I had to make a move. She should remember me. "Can you find a way to get out of here?" she asked. I again looked at her. "I'm not familiar with this place, but I'll try to find a signal or other houses near here." Akmang aalis ako pero muli itong nagsalita. "You'll leave with your car?" Bumaling ako sa kaniya. "Are you afraid I'd leave you alone here and won't ever come back?" "Should I?" Sandali akong napatigil. Hindi ko lang inaasahan na para bang natatakot siya sa pag-alis ko. That was so complimenting. Humakbang ako palapit sa direksyon niya at umupo ako sa mesa na nasa harapan niya. "Give me your hand." "For what?" "Just give it if you want me to come back." Sandali pa siyang nakipagtitigan sa mga mata ko bago iangat ang kamay niya. A part of me was moved. I liked that she was really afraid na hindi ako babalik. Tinanggal ko ang lock ng suot kong bracelet at marahan ko iyong kinabit sa wrist niya. "That's very important to me. As long as you have it, you can make sure that I will come back. You can't even run away with it. I'll chase you." Sinundan niya iyon ng tingin nang tuluyan ko nang maikabit. "Lock the door. Don't let anyone in," muling sambit ko, "Except me..." Tuluyan na akong umalis. Tiningnan ko ang cellphone ko habang nagmamaneho. Tinitingnan ko rin ang paligid ko at ang posibleng daan. Matagal din akong nag-iikot hanggang sa maisipan kong mas mabuti kung bukas na lang ng umaga ako maghanap ng daan. Maraming bangin at malalim na putikan na hindi ko nakikita. Baka mas lalong makasama kung mababaon ang sasakyan. Lalo lang kaming hindi makakauwi. Pinulot ko ang mga tuyong kahoy sa paanan ko. Pangdagdag para sa magdamag na apoy. Sinubukan kong buksan ang pinto, but it was locked. I needed to do my trick again para mabuksan iyon. Nakita ko itong nakaupo pa rin sa couch. Nakasampa ang mga paa niya roon at nakahilig ang ulo niya sa backrest. She seemed asleep. Dumiretso ako sa fireplace para ilagay doon ang mga nakuha kong kahoy. Pinagpag ko ang madumi kong kamay bago ko siya nilapitan. I was right. She was sleeping. Kinuha ko ang bote ng wine, but I was quite surprised na wala na iyong laman. Marahan akong umupo sa mesa na nasa harapan niya and was planning to wake her up para mailipat siya sa silid pero napatigil ako nang muli kong napagmasdan ang mukha niya. She had that perfect eyebrows, nose, lips... nababalot iyon ng pulang lipstick pero para bang sinadyang gawing perpekto ang hubog ng mga iyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang init na bumabalot sa buong katawan ko. "Samantha Aiden Carbonell..." mahinang bulong ko bago marahang hinawi ang ilang hibla ng buhok niya. Bahagya lang dumapo ang daliri ko sa noo nito pero naramdaman ko na naman ang kung anong kuryenteng dumaloy doon. Katulad iyon kanina nang ikabit ko sa wrist niya ang bracelet. Her skin felt so delicate. It was so soft. I wasn't expecting that... she was thousand times more attractive in person. Bago pa tuluyang lumalim ang pagtitig ko at ang isip ko, marahan ko na rin siyang kinuha para buhatin. Magaan lang siya katulad ng inaasahan ko. Hindi ko pa rin nagawang tanggalin ang tingin ko sa mukhang iyon habang papunta ako sa loob ng silid. Marahan ko siyang ibinaba sa ibabaw ng kama na noon ay nasisinagan ng maliwanag na buwan sa labas. Inayos ko ang ulunan niya sa unan at akmang aalis na nang maramdaman ko ang palad niya sa dibdib ko at dahan-dahang iyong umangat sa pisngi ko. Nakita ko rin ang unti-unting pagmulat ng mata niya. She looked sleepy and drunk. "What is your... name?" Kusa akong napalunok sa malumanay at paos na tinig nito lalo sa naamoy kong mabangong wine sa bibig niya. Tinitigan ko ang mga labing iyon na para bang nakikita ko pa ring gumagalaw sa huling tanong. Damn... I was staring too much. Kinuha ko ang kamay niya mula sa pisngi ko and answered, "I'm... Lachrei Laken Buenavista."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD