Ciana's POV
Hindi na lang namin pinansin yung lalaking nagpakilalang Kalez dahil hindi naman talaga sya ang sadya namin dito,nang masiguradong okay naman ang wand ay agad naman kaming nagpaalam sa School Librarian na aalis na,umu'oo naman sya dahil madami din syang gagawin. Aalis na sana kami ng biglang nagsalita si Kalez.
"Pwede ba akong sumabay sa inyo?" tanong nya habang nakayuko at mukhang sabik na sabik sa sagot namin.
"Oo naman." sagot ni Zein na nakangiti pa,agad ko syang siniko para ipahiwatig na hindi ako sang'ayon sa pasya nya ngunit parang hindi nya naintindihan ito,napabuntong hininga na lamang ako ng sumabay na nga ng tuluyan samin si Kalez. Naging tahimik naman ang paglalakad namin ng biglang may sumigaw na kailangan daw naming umiwas, hindi pa man ako nakakalingon ay tinulak na ako ni Kalez na syang naging dahilan kaya ako natumba sa ibabaw nya,agad naman akong umalis sa ibabaw nya at tinignan ng masama ang lalaking nakasakay sa walis na ngayon ay mukhang takot na takot na.
"Okay lang ba kayo?" tanong ni Zein samin bago nya nilingon ang lalaking nakatayo na ngayon habang hawak hawak ang walis na sinasakyan nya kanina.
"Eh ikaw? Tatayo ka na lang ba dyan? Hindi mo ba tatanungin kung okay lang yung pinsan ko at kasama nya?" galit na saad nya sa lalaki. Mukha namang natauhan ang lalaki dahil dali dali syang pumunta samin at sinuri kung okay lang ba kami,ng makitang wala naman kaming galos ay dun na sya nakahinga ng maluwag.
"Pasensya na talaga kayo,wala na man kasing masyadong dumadaan dyan kaya akala ko wala akong mababangga,at hindi ko pa kasi masyadong nakokontrol yung walis na 'to." sagot nya habang nakayuko.
"Sa susunod mag'ingat ka,pasalamat ka at hindi yung ibang estudyante yung nabangga mo,dahil kung oo ay baka isa ka ng palaka ngayon." saad ko bago ako nagpatuloy na maglakad,sumunod naman kaagad si Zein at Kalez sakin.
"Uh Leo pala." pahabol pa nya pero hindi na namin pinansin pa.
"Nakakatakot ka naman." biglang sabi ni Kalez habang naglalakad kami,hindi ko naman napigilang lingunin sya at pagtaasan ng kilay. Sa kabilang banda,mukhang kilig na kilig naman yung impakta kong pinsan sa nasasaksihan nya ngayon. At dahil sa irita ko ay nauna na akong naglakad sa kanilang dalawa,agad naman akong hinabol ni Zein at sumabay na sakin,nang mapagtanto kong wala na si Kalez ay agad akong lumingon sa likod,talagang hindi na nga sya sumunod pa.
"Babalik na daw sya sa klase nya insan,wag mo nang hanapin,napaghahalataan kana eh." saad ni Zein na ikananoot ng noo ko.
"Ano bang sinasabi mo dyan?" tanong ko sakanya ngunit binigyan nya lamang ako ng mapang'asar na ngiti. Ilang minuto lang ay narating na din namin ang una naming klase para sa araw na ito. Masyado siguro kaming nahuli dahil mukhang nag'uumpisa na sila. Pagkapasok namin ng pinto ay agad kaming napansin ng teacher na ngayon ay parang may niluluto sa isang malaking mangkok. Napayuko na lamang kami ni Zein habang ang mga kaklase naman namin ay mukhang nagulat sa presensya naming dalawa.
"Oh so you must be Ciana Zephyrin Vanidestine?" tanong nya habang nakatingin sakin,agad naman ako napatango ng marinig ko ang pangalan ko. Lumipat naman ang tingin nya sa pinsan ko.
"And you are?" tanong nya sa pinsan ko habang may hinahalo sa ginagawa nya,napagtanto ko ding parang sinusunod sya ng mga kaklase namin.
"Kireina Zein MacQuoid po." sagot ng pinsan ko habang nakangiti.
"Aw i see,i see,take your seats." saad nya habang nakaturo sa pinakahuling parte ng mga upuan,hindi naman kami na nagreklamo at agad nang umopo. Medyo nagtaka pa ako ng may dahang dahang lumitaw na mangkok at kung ano anong mga dahon sa pwesto namin. Nagulat pa ako ng bigla kong nalamang kaklase ko pala yung kambal at si Eileen sa unang schedule namin.
"Bat ngayon lang kayo?" tanong ni Javhey saming dalawa.
"Kinuha pa kasi namin yung wand na nakadisteno sa bodega." sagot naman ni Zein,hindi na nagtagal ang pag'uusap nila dahil kailangan na naming makahabol sa leksyon ngayong araw. Napag'alam namin na isa palang lason ang pinapagawa sa amin na maaring makatulong samin sa hinaharap. At hindi lang ito basta lason,dahil kailangan pa nitong gawan ng ritwal bago maigamit sa paggagamitan mo. Habang dinidikdik ko ang mga dahon ay nagulat ako ng biglang may humampas sa lamesa ko na syang dahilan upang mabasag yung mangkok na ibinigay saakin kanina. Pupulutin ko na sana yung mga basag ng biglang may tumapak dito,nang dahan dahan akong tumingin sa taas at bumungad sakin ang isang nakakabwiset na ngiti ng isang babaeng merong mahabang buhok,sya na siguro yung tinutukoy na Tifa ni Ayla kaninang umaga.
"Aw sorry,medyo sadya." sagot nya habang tumatawa kasama ang alipores nya,napagtanto ko ding wala na yung teacher na kasama namin kanina. Pinalilibutan naman ng mga alipores ni Tifa ang mga kaibigan ko kaya hindi sila makapunta sa akin. Nang eksaktong natutok ang paningin ko sa pinsan ko ay ang biglang pagsampal sa kanya na lubos na ikanagulat ko. Akmang pupuntahan ko na sya ng biglang may pumigil sa braso ko, tinignan ko muna ng matagal ang kamay na nasa braso ko bago ko lingunin ang nagmamay ari nito. Agad ko syang binigyan ng masamang tingin na naging dahilan upang mababa nya ang braso ko.
"Wala ka bang magawa?" tanong ko ky Tifa na ngayon ay mukhang ganda na ganda sa nangyayari.
"Uhm? Oo?" sagot nya habang maarteng hinahawakan ang buhok nya at tumawa. Inis din akong tumawa bago ko sya sinuntok sa mukha na lubos nilang ikanagulat lahat.
"How dare you?!" galit na sigaw nya pero hindi pa man sya nakakalapit ay bigla na lamang syang naestatwa sa harapan ko,nang tumingin ako sa likod ay nakita ko ang nakangising si Zein habang hawak'hawak ang wand nya.
Lubos kong ipinagtaka kung pano nya natutunan yun, ng biglang pumasok sa isip ko na dati palang guro ng eskwelahan na ito ang mama nya.