bc

Found the way back to Nirvana.

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
family
independent
brave
inspirational
dare to love and hate
student
mystery
campus
magical world
like
intro-logo
Blurb

Pumasok sya nang may pag aalala kung makakaya nga ba nya talaga ang misyon niyang malaman ang nawawalang daan papuntang Nirvana ngunit nawala ang lahat ng kanyang pag aalinlangan sa sarili ng lubos na galit ang kanyang naramdaman ng biglang napag'alaman ang katotohan sa pagkamatay ng kanyang ama at ng ina ng pinsan nya.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Ciana,lagi mong tatandaan ang mga ibinilin ko sa'yo lalo na ang mga gagawin mo sa misyon mo, ikaw na lang ang tanging pag'asa naming lahat,anak." saad ng aking ina habang hinahawakan ang magkabilang balikat ko. Agad naman akong tumango at binigyan sya ng isang mahigpit na yakap. "Pasensya kana kung kailangan mo pang gawin 'to, hindi ko naman talaga ito gusto ngunit ito na lang ang tanging paraan upang makabalik na tayo." Mahinang bulong ni ina bago sya kumalas sa yakap ko. Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong mas malulungkot lang sya kapag nalaman nya ang hinaing ko. Pagkatapos ng drama naming mag'ina ay agad kong kinuha ang maleta kong nakalagay sa sofa,kinuha ko na rin ang mga importanteng gamit ko na hindi ko na nalagay sa maleta dahil hindi na kasya sa dami ng libro at patalim na iniligay ni Mama. Ilang saglit ang lumipas ay natapos kona nga ang aking paghahanda. Agad na akong tumayo upang tahakin ang aming pintuan ng biglang tumunog ang telepono ko. "Couuzzzz,bat ang tagal mo naman yata?" Sigaw ng pinsan ko sa kabilang linya. "Oo, eto na nga at lalabas na ako." Sagot ko naman sakanya at agad na ngang lumabas, pagkalabas ko ay agad kong naikot ang aking mga mata at suminghal dahil sa katangahan ng pinsan ko. " Nandito ka naman pala sa labas bat tinawagan mo pa 'ko? Antanga mo naman Zein." Saad ko. "Makatanga naman 'to,akala ko kase nagbibihis kapa dahil yun ang sabi ni tita." Sagot naman ni Zein. Hindi ko na lang sya sinagot at agad tumungo sa sasakyan na gagamitin namit papuntang Cardend. Ang Cardend ay isang lungsod kung saan sinasanay ang mga kapwa kong mangkukulam at inaalam ang mga kayang gawin naming lahat. Kaya rin kami pinapapunta doon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakagawa ng kahit anong bagay na makakapagpatunay na isa nga kaming mangkukulam at isa na rin sa mga dahilan ay ang misyong kailangan naming gawin upang makabalik na at makapamuhay ng payapa sa Nirvana. Agad akong natauhan ng may kumatok sa bintana ng kotse,napalalim ata ang iniisip ko at hindi ko namalayan na kanina pa ako niyuyogyug ng pinsan ko. "Hoy Ciana! Kanina pa kumakatok si tita ngunit hindi mo man lang namalayan,ano bang nangyayari sayo? Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag alaala at kasama mo naman ako roon." Saad ng pinsan ko habang hawak ang balikat ko. "Ah,wala." sagot ko at agad hinarap si mama na ngayon ay mukhang alalang-ala na. "Anak,okay ka lang ba?" tanong nya. "Okay lang ako,Ma. Wag ka nang mag'alala,may kailangan kapa bang ibilin sa akin?" tanong ko saaking ina habang matamis na nakangiti. "Ah muntik ko na kasing makalimutang ibigay ang jacket at kuwintas na ito. Wag na wag mong kakalimutang isuot ito palagi dahil tiyak akong makakatulong ito sa inyo ni Zein." saad ng aking ina at agad inabot sa akin ang jacket at kuwintas na tinutukoy nya. Agad naman akong nagpasalamat at kinuha ito mula sakanya. Umalis naman si mama pagkatapos nun at pumasok na sa bahay, hindi kona sya pinigilan dahil alam kong iiyak nanamn sya tulad ng nangyari kagabi. Ilang saglit pagkatapos umalis ni mama ay tuluyan ko na ngang sinirado ang bintana at sabay nito ay ang tuluyang pag'andar ng makina ng kotse na hudyat na aalis na nga kami sa lugar na 'to. "Makakaya ko nga ba ito? Tulad ng palaging pinapaalala sa akin ng aking ama noong nabubuhay pa sya?" Mahina kong bulong habang pinagmamasdan ang bahay namin sa huling pagkakataon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Wrong Bride

read
973.3K
bc

He Cheated So I Did Too With My Obsessive Boss

read
2.9K
bc

The Bounty Hunter and His Wiccan Mate (Bounty Hunter Book 1)

read
100.8K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.3K
bc

The Bounty Hunter and His Phoenix Mate (Bounty Hunter Series Book 3)

read
49.8K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.6K
bc

Alpha's Instant Connection

read
650.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook