Chapter 2.

1170 Words
Ciana's POV Noong huminto na nga ng tuluyan ang kampana ay sinabihan na kami ni tito na hanggang dito na lang daw sya dahil yun daw talaga ang patakaran dito lalong lalo na't lalaki sya. Bago pa man sya umalis ay nagbilin mona sya saming dalawa ni Zein,hindi na lamang ako nagsalita sapagkat ibinilin na rin naman ang mga iyon ni mama kagabi. Nang matapos na nga ang drama nilang mag ama ay umalis na ng tuluyan si tito,agad namang lumingon sa akin si Zein na ngayon ay parang iiyak na,wala na ako nagawa kundi bigyan sya nang matamis na ngiti at yakap. "Magkikita pa naman kayo ulit,wag ka nang umiyak dyan." natatawang sabi ko sakanya na lalong nagpasimangot sa mukha nya. Kumalas naman sya kaagad sa yakap ko upang kunin ang mga maletang dala nya,kinuha ko din ang akin at yung nabili ko sa antique shop. Nang makapasok na kami ay may isang magandang babae ang pumunta sa direksyon namin at pinalutang ang dala nyang susi na may nakaukit na numerong 2219,isinabit nya iyon sa sling bag na dala-dala ko ,marahil yun na nga ang room number naming magpinsan. Hindi naman nagtagal sa amin ang babae dahil ginawa nya din yun sa iba,siguro isa sya sa mga staff ng paaralan na 'to. Pinagpatuloy na nga namin ang paghahanap namin sa kwartong nakatalaga sa aming dalawa,habang naglalakad kami sa pasilyo ay may biglang bumunggo sa akin na syang naging dahilan upang mabitawan ko ang maleta ko,mabuti na lang at okay naman ang walis at sumbrero ko. Agad ko namang nilingon ang nakabangga sa'kin habang inaakay ako ni Zein at tinatanong kung okay lang ba ako. "Bulag kaba?" mahinahong ngunit may diin na tanong ko sa batang babaeng mukhang nagulat sa inasala ko. "Ha? Po? Hindi po,pasensya na po talaga,nagmamadali po kase talaga ako." saad nya habang nakayuko. Hindi ko na sya sinagot at pinanlisikan muna ng mata bago ko niyaya si Zein na magpatuloy na. Agad namang sumang'ayon si Zein dahil gutom na din naman sya,ilang minuto ang lumipas at ngayon ay nakatayo na kami sa tutuluyan naming kwarto. Hindi pa man nakakakatok si Zein ay agad bumukas ang pintuan at bumangad samin ang babaeng nakakulay pulang silkdress na puno ng kolorete ang mukha,mukhang nagulat sya sa presensya namin kaya agad siyang napasigaw. "MALIGAYANG PAGDATING!!" bati nya habang sabay kaming niyakap ni Zein nang sobrang higpit,kung hindi lang dumaing ang pinsan ko na nasasakal na sya ay siguradong mas hinigpitan pa nya ang yakap nya saming dalawa. "Ay pasensya na kayo ha,ansaya ko lang talaga ngayon dahil may bago na kaming kasama." sabi nya pero hindi ko ito pinansin dahil nahagip ng mata ko sa siwang ng pintuan ang isang babaeng tila gumagawa ng ritwal,ang isa naman ay may tinitikmang kulay pulang tubig,tila naramdaman naman nilang may tao sa labas dahil huminto sila sa kani-kanilang ginagawa. "Jayne,sino yan?" tanong ng babaeng hindi nakakalayo ang itsura sa babaeng nasa harapan namin ngayon. "Javheyyy! punta kayo dito, nandito na yung bagong makakasama natin sa dorm." sagot naman ng babaeng Jayne daw ang pangalan habang hawak ang magkabilang kamay ni Zein,si Zein naman ay parang hindi komportable sa inaasal ng nasa harapan namin ngayon. "Talaga ba?" saad naman ng Javhey na mukhang masaya na din sa nangyayari,sumunod din sakanya ang babaeng nakita ko kaninang para nagriritwal. Agad bumilog ang kanilang mga bibig sabay yakap din sa amin nga mahigpit. "Magandang pagdating." sabay nilang saad na ikanangiti naman namin ni Zein,tinulungan na din nila kami papasukin ang mga gamit na dala namin. Nang makapasok na kami ng tuluyan ay hindi ko mapigilang mapamangha sa linis at ganda ng kwarta na ito,meron itong anim na kama ngunit dalawa na lamang ang bakante, ang isa ay malapit sa bintana kaya iyon ang pinili ko, dun na din naman pumwesto si Zein sa katabi kong kama dahil yun na lang naman talaga ang natira. Naiayos ko naman ng payapa ang mga gamit ko sa kulay puting kabinet dahil hindi naman kami nila inistorbo,mamaya na lang daw kapag tapos na kami sa pag'aayos ng gamit namin. Nang makatapos kami ay agad akong napahiga sa kama,ilang minuto din ang lumipas ng inaya kami nila Javhey na kumain,napag'alaman din namin na kambal pala si Javhey at Jayne,kaya pala hindi nagkakalayo ang mukha nilang dalawa. Nalaman ko din na Eileen pala ang pangalan ng babaeng nagriritwal kanina. "May isa pa kaming kasama dito ngunit lumabas sya kanina upang kitain ang mga magulang nya,naawa nga din ako sakanya eh,ilang buwan na din kasi noong huling nakadalaw ang magulang nya dito dahil nga ipanagbawal na." saad ni Eileen habang nginunguya ang pizzang niluto ni Javhey kanina, pizza sauce pala yung tinitikman nya noong dumating kami. "Oo nga eh." sagot naman ni Jayne ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang babaeng nakabangga sakin kanina,agad naman nyang ikanagulat ng makita kaming komportableng kumakain kasama sila Eileen. "Eto na pala sya eh, Ayla mabuti naman at nandito kana,bumati ka naman kayla Zein at Ciana." saad ni Jayne, medyo nagtaka pa ako kung bakit nya alam ang pangalan namin,yun pala sinabi kanina ni Zein habang nag'uusap silang apat. Sa kabilang banda, hindi pa din nakakapagsalita ang babaeng nasa harapan naming lahat ngayon. "Teka,diba ikaw yung nakabunggo kanina sa pinsan ko?" gulat na tanong ni Zein habang maarteng nakatabon ang dalawang kamay sa bibig nya. Agad namang napayuko si Ayla sa hiya. "Pasensya kana talaga, nagmamadali kase ako eh." sagot nya, tumango lamang ako at sinabing okay lang yun. Kinangiti naman nya ito at sumalo na sa pinagsasaluhan naming iniluto ni Javhey kanina. "Nakuha nyo na ba yung damit nyo? at alam nyo na ba kung anong schedule nang pasok nyo bukas?" tanong samin ni Javhey. "Hindi pa eh,dadaanan na lang siguro namin bukas sa Faculty." si Zein ang sumagot dahil wala talaga ako sa mood ngayon. "Samahan na namin kayo,baka maligaw din kayo dito eh atsaka maraming mga bruhang nakakalat dyan sa labas baka pagtrippan pa kayo,mahilig pa naman yung mga bruhang yun na mangtrip ng mga bagong estudyanteng tulad nyo." parang naiinis na sagot ni Jayne na ngayon ay halos magtapik na ang dalawang kilay. Natawa naman ako nang kaunti sa reaksyon nya bago pinagpatuloy ang pagkain ko ng pizza,ilang minuto pa ay natapos na din ang pagsasalo namin. Agad naman akong nagpaalam na gagamit ng banyo dahil lagkit na lagkit na ako sa sarili ko ngayon,malayo din kase ang binyahe namin papunta dito. Pagkapasok ko ng banyo ay agad kong nilusong ang katawan ko sa bathtub na puno ng mga bula,maligamgam ang tubig kaya ang sarap talagang maligo ngayon. Habang nakalusong ang katawan ko sa tubig ay bigla kong naisip ang misyon at ang mga mangyayari sa susunod na mga araw, sigurado akong hindi magiging madali 'to, lalo na't hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang mga kaya kong gawin o anong ranggo ako nabibilang,siguro magpapahinga muna ako ng isang linggo bago ko pag'iisipan ang plano ko. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD