Ava’s POV PAGKAALIS ni Renzo ng bahay para pumasok sa trabaho ay nag-asikaso na rin ako ng aking sarili. Naligo ako at nagbihis ng malinis na damit. Susunduin ko na kasi si Eris sa bahay ng nanay ni Renzo. Kahapon ko dapat siya kukunin kaya lang ang sabi sa akin ni Renzo ay nakiusap ang nanay niya na doon muna si Eris ng isa pang araw. Hindi naman sa ipinagdadamot ko ang anak ko sa lola nito pero kahapon pa lang ay gusto ko na siyang kunin. Miss na miss ko na kasi ang anak ko. Siya na lang kasi ang nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal ngayon. Siya rin ang malaking dahilan kung bakit hindi ko binibitawan si Renzo. Ayokong lumaki si Eris na merong wasak na pamilya. Gusto kong lumaki siya na merong normal at masayang pamilya. `Yong may nanay at tatay siya at kaming dalawa iyon ni Ren

