Ava’s POV ANO bang sinasabi ni Renzo na utang na loob ko sa kaniya ang buhay ko dahil dinala niya ako sa ospital? Siya nga itong dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Habang hawak niya ang kamay ko at nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa akin ay hindi ko malaman ang aking mararamdaman. “Please, Ava. Huwag mong sabihin sa mga pulis na ako ang may gawa niyan sa iyo. K-kapag nakulong ako, paano na kayo ni Eris? Paano kung hindi na ako makalaya? Si Eris… lalaki siya na walang ama. Isipin mo si Eris, Ava. Isipin mo ang kinabukasan niya.” Patuloy na pagmamakaawa niya sa akin. Hinahalik-halikan pa niya ang mga kamay ko. Ano ba ang gagawin ko? Kung iisipin ay may punto ang sinabi ni Renzo. Ayokong lumaki si Eris na walang kinikilalang ama. Pero paano naman ang pang-aabuso ni R

