Chapter 2

1586 Words
Rohesia's POV "Pardon, Sir?" "Can you be my daughter's companion?" Napatitig ako sa kaniya. Gusto niya samahan ko ang anak niya? Bakit? Hindi niya ba kaya? "I can't. May contract ako sa bar and I will pay thousands if I will breach that. At tsaka, baka mura lang ibayad mo sa akin 'no." Umibis ang aking nguso. Mataas ang sahod ko sa restau-bar. 20,000 a month because its a 5 star restau-bar. Kung kukuhanin niya ako at 15k a month lang ang ibabayad niya sa akin, 'wag na lang. At tsaka baka scam siya, mawalan pa ako ng trabaho. He hissed. Napatitig ako sa kaniya. Nanatili pa rin ang kunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. "I will double your salary. Let's say, your salary in that bar is thirty thousand. I will make it sixty thousand a month. Sí?" Tinitigan ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay. Bumuntong hininga ako. "Weh? Scam ka ata eh, mag-down ka muna sa akkn ng thirty thousand kung legit ka nga." Pang-uuto ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo, amusement is very visible in his eyes. Tumaas pa ng kaunti ang gilid ng labi niya bago tumango sa akin. "Fine, if that's what you want." May kinuha siya sa bulsa niya and its his cellphone. Nanlaki pa ang mata ko dahil its an iPhone 13 Pro Max. Mayaman talaga! "Your bank account number?" He asked, typing something on his phone. Umirap ako at mapanghusga siyang tinignan. Tumaas na naman ang kaniyang kilay. "Para saan? Ikaw ha, nanakawan mo pa ako. Grabe ka, scam ka na nga magnanakaw ka pa." Kinipkip ko ang aking bag sa aking harap ng sobrang higpit, tila pino-protektahan ito. Nilipat niya ang kaniyang tingin sa akin mula sa kaniyang cellphone. Punong puno ng pagkamangha ang mata niya pero tinago niya iyon gamit ang pag-irap. "Tss, how can I transfer the money without your bank account number?" Nag-isip ako ng ilang sandali at napagtanto na tama siya. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Pahiya ako roon ah! Namula ang aking pisngi nang mahina siyang tumawa, finding my embarrasment entertaining. Tumingin ako sa kaniya at natagpuan ko rin siyang nakatingin sa akin. Punong puno ng intensidad ang mata niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Shuta, bakit ba napaka-gwapo ng isang 'to? "Promise ha, hindi mo ko nanakawan. Kaunti lang ang laman ng bank ko! Mga six pesos lang." ani ko, tumatango tango pa. Pilit siyang tumango, he looks so done sa mga pinagsasabi at pinaggagawa ko. In the end, binigay ko na sa kaniya ang bank number ko. Kabado ko siyang tinitignan na nagta-type sa mamahalin niyang cellphone, nang hindi na ako makatiis ay tumabi ako sa kaniya and I peek at his cellphone. Hindi naman niya ako pinansin. Pinanuod ko kung paano niya ilagay ang bank number ko pero hindi lang iyon. Halos magimbal ako nang makita ko na tinype niya harap harapan ang pin ng bank account niya! Ang lalaking 'to, hindi ba siya takot na baka nakawan ko siya? Tss. Seconds later nag-ping ang cellphone ko, tanda na talagang sinend niya sa aking bank account ang thirty thousand pesos. Tumingin siya sa akin. "Settled, then?" Ngumuso ako at tumango. "Pero bago 'yon, gusto ko i-send mo sa email ko ang information ng baby mo pati ng sarili mo sa akin. I will do the same, kung gusto mo lahat pa ng information ng pamilya ko." anas ko. Huminga ako ng malalim at halos mapahinto ako nang maamoy ko siya. Ang bango! Shutangina, talagang yayamanin. His eyes darted from my behind kaya napatingin din ako. Agad kong inabot ang barbecue nang makita ko si Manong at nagpasalamat. "You will start tomorrow. Expect that I will be the one who will fetch you at the bar. Make sure that its all settled before you come with me." Purong ingles na saad niya. Nanlaki ang aking mata. "Bukas agad?!" "I will see you in the club." Tumayo siya at nag-umpisa ng maglakad papalayo sa akin. Hindi man lang pinansin ang pag-alma ko. Napairap na lang ako, sungit talaga. Ngumuso ako. Wala man lang bang car ride para makatipid ako sa pamasahe? Napailing na lang ako. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong gumawa ng resignation letter at ni-print. Hindi ko pa sinasabi kay Mama na aalis na ako sa restau-bar. Besides, gusto ko na rin naman mag-iba ng trabaho dahil 6 years na ako sa restau-bar. "Ate, inubos na ni Arjay 'yong cake. Hindi tinirhan si Papa!" Bigla na lang lumitaw sa tabi ko si Elaine. Yumakap ito sa bewang ko. "May ibinukod na ako para sa kanila. Ingatan mo 'yang cellphone mo, ha. Baka mamaya 'di mo mamalayan na kay Arjay na 'yan." Ngumuso siya at mas lalong yumakap sa akin, nakikiusyoso sa ginagawa ko. "Babatukan ko 'yon. Maga-resign ka na, 'Te? Bakit?" Tanong niya bago tumingin sa akin. Kimi akong ngumiti at hinaplos ang ulo niya. "May nag-offer sa akin ng trabaho, 60k a month. Gwapo kaso masungit." Napakunot ang ilong ko nang maalala ko ang itsura ni Gage. Did he even know my name? Nagkibit balikat na lang ako, sabagay is-send ko sa secretary niya ang information ko. Natanggap ko na ang information nilang mag-ama mula sa email ko at secretary niya ang nag-padala. Nanlaki ang mata niya at agad na humiwalay ng yakap sa akin. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib na para bang aatakehin siya sa puso. Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong nangyayari sayo?" "Ate, huwag mo sabihin na ibebenta mo ang katawan mo! Ate, mag-stay ka na lang sa restau-bar." Nanlaki ang aking mata at mahinang tinuktukan ang ulo niya. "Siraulo ka! Magbabantay ako ng anak niya. Napaka-green ng utak mo!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Umibis ang nguso niya bago nagkamot ng ulo. Umirap ako. Ibinaling ko ang tingin ko sa laptop at binuksan ang email ko. Pinindot ko ang information na pinadala sa akin. "Ito 'yung baby niya. Tignan mo, ang ganda. Diba?" Pinindot ko ang picture ng bata. Ang pangalan niya ay Aldreada. 3 years old pa lang, walang nakalagay kung nasaan ang nanay niya. Nakanguso ang bata sa picture. Naka-pigtail ang kaniyang buhok at may mga clip na may disenyo. Maputi siya at kulot ang buhok sa dulo, napakagandang bata. "Ay, ang ganda nga! Hala, paano kapag binantayan mo na 'yan, 'Te? Baka mapagkalaman kang kidnapper niya kapag magkatabi kayo." dirediretso na saad ng kapatid ko. Napairap ako, isa pa 'to eh. Dito ata nag-mana si Arjay, pare-parehas sila nila Mama. "Gaga ka talaga. Umalis ka na nga, baka kinuha na ni Arjay 'yong cellphone mo. Hala, sige ka!" Pananakot ko sa kaniya. Tumayo naman siya at tumakbo papuntang kwarto niya. Ang sunod ko na lang na narinig ay ang pagsigaw niya at ang pagtakbo ni Arjay papalapit sa akin para yumakap. Napailing na lang ako. "MAG-IINGAT ka, Rohesia. We thank you for your six years service. Kung babalik ka ay aba't welcome na welcome ka pa rin." Mabait na saad ng aking supervisor. Napangiti naman ako. I just filed my resignation letter and they immediately approved it nang malaman na kay Gage ako magta-trabaho. At tsaka may nangangailan din kasing ibang tao ng pwesto ko. "Thank you po, Ma'am. Mag-iingat din po kayo." Ilang minuto pa kaming nag-usap bago ako tuluyang lumabas ng office niya. Sumalubong sa akin si Jade na naiyak sa labas ng office, nagulat ako nang makita siya. Nag-aalala ko siyang nilapitan. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Humikbi siya at hindi makatingin sa akin. Umiling iling siya kaya naman agad ko siyang nilapitan at niyakap. Agad siyang gumanti sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mata, tears threatened to fall. Hinaplos ko ang likod niya habang siya ay patuloy parin sa malakas na pag-iyak. Hindi nabulabog ang supervisor namin dahil soundproof ang office niya. "Jade, anong problema?" nag-aalala kong tanong sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pagiyak. Ako naman ay nahawa na sa kaniya dahil pati ako ay umiiyak na rin. Ilang minuto pa ay tumahan na siya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nag-punas ng luha sa mata, ganuon din ang ginawa ko. Humikbi siya. "A-Ate, ayoko na sa bahay. Pwede ba sainyo muna ako? P-pagod na pagod na ako, Ate. Lagi na lang ako sinasaktan ni Mama." Pagsusumbong niya sa akin. Kimi akong ngumiti sa kaniya. Inalis ko ang buhok na dumikit sa kaniyang pisngi. "Oo naman, welcome na welcome ka roon." Alanganin siyang tumingin sa akin kaya naman tinanong ko siya gamit ang aking mata. Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. "Ano 'yon, Jade?" Tumingin siya sa akin. "Okay lang ba kahit buong sahod ko lang ang ibibigay ko sa iyo buwan buwan? Ayun lang ang pera ko, Ate." "Naku, kahit huwag ka na mag-bigay. Kaya ko naman bayaran lahat ng gastusin sa bahay. Ang gusto ko lang mag-aral ka ng mabuti para sa sarili mo." sagot ko sa kaniya. Kuryente, wifi bills, tubig at grocery lang naman ang binabayaran ko sa bahay. Si Tatay naman ay tumutulong din minsan pero sabi ko sa kaniya huwag na, makulit pa rin. Sinabihan ko na nga 'yon na mag-pahinga na lang sa bahay dahil may rayuma na siya, ayaw pa rin makinig. "Magbibigay pa rin ako Ate kahit magkano lang. Nakakahiya naman eh." Ngumiti ako sa kaniya. Hinaplos ko ang buhok niya. "Kung 'yon ang gusto mo. Tara na?" Ngumiti siya sa akin at kitang kita sa mga mata niya ang pasasalamat sa akin. Nilakad namin ang pauwi sa bahay habang nagku-kwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD