Chapter 3

1319 Words
Rohesia's POV "Huy, Ate! Sino 'yan?" Sinalubong kami ni Arjay sa kanto pa lamang. Kasama nito ang mga barkada niya, tanghaling tapat ay nasa galaan itong isang 'to. Hindi pa nga ata nito natatapos ang mga assignments niya. "Anong ginagawa mo rito? Tanghaling tapat, Roy Jim ha! Nangungutang ka na naman ba?" Pagbibintang ko sa kaniya, hindi pinansin ang una niyang tanong sa akin. Ngumuso ito at lumapit sakin bago yumakap. Sumulyap pa siya kay Jade at inirapan ito kaya naman mahina kong tinampal ang pisngi niya. Ang isang 'to talaga, napakasuplado. "Hinihintay kita, Ate. At tsaka sino nga kasi 'yan? Nakakapit pa siya sa 'yo kanina, inaagaw ka niya sa akin!" kunot noo na anas ng bunso kong kapatid. Sumulyap ako kay Jade na hindi makatingin sa kapatid ko at nakayuko lang. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya sa aking tabi. "Arjay, ikaw talaga. Siya si Jade, dito na siya titira sa atin simula ngayon kaya maging mabait ka sa kaniya kung hindi, hindi ko ibibigay sa 'yo 'yung cellphone na ibinili ko para sayo." Inalis niya ang pagkakatingin kay Jade at tinignan ako. Maliwanag ang mata nito, excited sa magiging cellphone niya. Kanina kasi bago ako mag-puntang restau-bar ay dumaan muna ako sa SM para ibili siya ng cellphone. Para naman hindi na sila mag-away ng Ate niya. Kagabi pa lang ay sigaw na nang sigaw si Elaine dahil kinukuha ni Arjay sa kaniya ang cellphone. At tsaka para na rin hindi tumambay itong lalaki na 'to sa computer shop, laging wala sa bahay at puro nasa tropa. Habang naglalakad ay nakayakap sa akin si Arjay habang si Jade naman ay nakahawak sa aking kamay. Panay ang kulit sa akin ni Arjay na ibigay ko na raw sa kaniya ang cellphone once na makarating kami sa bahay, hindi ko na lang pinapansin. Nang makarating na kami sa bahay ay nagtaka ako dahil parang may party sa amin. Punong puno ng tao ang paligid ng bahay namin, anduon pa si Aling Marites at Aling Susan na nagc-chismisan sa harap mismo ng bahay namin. "Anong meron, Arjay? May ginawa ka na naman bang katarantaduhan?" "Wala, Ate ha! Grabe ka sakin!" Nang tuluyan na kaming makalapit sa bahay ay napansin ko ang isang mamahaling sasakyan na nahaharangan ng mga kapitbahay. Iyon ata ang dahilan kung bakit nagkukumpulan sila. Kanino naman 'yon? "Ma, andito na si Ate! May kasama siyang babae tapos parang inaagaw niya sakin si Ate!" naunang pumasok si Arjay at pinangalandakan pa ang pagdating ko. Napairap na lang ako at humingi ng paumanhin kay Jade na ngumiti lang sa akin. "Arjay, ang bunganga mo talaga! Ma, bakit naman andaming tao rito? May ginawa na naman bang kata-- Anong ginagawa mo rito?!" gulat na gulat na saad ko. Prenteng nakaupo si Gage sa aming sofa sa sala. May juice at biscuit pa sa harap niya, nasa harap niya si Mama na panay ang titig kay Gage. "Mama!" Kumurap kurap siya at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin at sinalubong ako. "Andiyan ka na pala, Esia. May bisita ka, sabi niya sakin ay magta-trabaho ka raw sa kaniya. Totoo ba 'yon?" mapang-usisa na tanong ni Mama. Huminga ako ng malalim at binalingan si Jade, sinabihan ko siya na maupo muna sa sofa na agad naman niyang sinunod. Binalingan ko si Mama. "Oo, Ma. Hindi naman ata ako stay-in do--," naputol ang sasabihin ko nang putulin ako ni Gage. "You're staying in. You can go home on weekends." Anas niya, tumango tango ako. Umangal si Arjay, agad itong yumakap sa akin nang marinig ang sinabi ni Gage. "Ate, dito ka lang." Marahan siyang binatukan ni Nanay. "Anong dito ka lang? Magta-trabaho ang Ate mo kaya ikaw mag-sipag ka sa pag-aaral. Puro ka na lang tropa at computer. Naku ka talaga, Roy Jim!" Ngumuso lang si Arjay at mas lalong yumakap sa akin. Napairap na lang ako. Mabuti na lamang at nabaling ang atensyon ni Mama kay Jade. "Aba't, ito ba si Jade? Kagandang bata naman pala nito! Kamusta ka, iha?" Pinabayaan ko lang sila na mag-usap. Lumapit ako kay Gage at naupo sa tabi niya, nakayakap pa rin sa akin si Arjay na parang tuko. "Ngayon na ba ako pupunta sa inyo? Akala ko gabi pa, tsaka sabi mo sa bar mo ko susunduin!" sabi ko. Tumingin lang siya sa akin saglit bago sinuyod ng tingin ang aming bahay. Malinis ang bahay namin dahil kay Mama. Panay ang walis at punas niya dahil wala naman daw siyang ginagawa. Mahilig din siya bumili ng painting at mag-alaga ng halaman. Nang minsan nga na masira ni Arjay ang sanga ng isang halaman niya ay galit na galit siya. Natawa na lang ako. "My daughter is excited to meet you. She barely slept last night and kept saying nanny." He muttered, his eyes are full of adoration for his daughter. Lihim akong napangiti, cute. "Weh? Baka palusot mo lang 'yan para makasama mo na agad Ate ko sa bahay niyo." biglang sabat ni Arjay, mahina kong tinampal ang bibig nito. Napakagago talaga. "Arjay, isa!" mas lalo lang itong sumiksik sa akin. Umirap na naman ako. Hay nako, parang may anak na rin akong binatang isip bata dahil sa lalaking ito eh. Ngumisi lang sa kaniya si Gage. Inalis niya ang humaharang na buhok sa kaniyang mukha at binalingan ng tingin ang kapatid ko. "What do you want? Exchange for your sister. Name it. Cellphone, money, laptop? What?" Gage muttered. Nanlaki ang aking mata. Hindi ko na sinaway si Gage dahil gusto ko rin malaman kung ipagbibili ba ako ng kapatid ko. Curious ako sa sagot niya. Sumimangot ang kapatid ko. "Wala, akin lang Ate ko." Napangiti naman ako. Ginulo ko ang buhok niya. "Nasa cabinet ko ang cellphone mo. Kuhain mo na, baka magbago pa isip ko." Ani ko, gusto ko na rin na umalis muna siya para makapag-usap kami ng maayos ni Gage. Naging excited ito pero tinignan niya muna ng masama si Gage bago nagtatakbo papunta sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim, pasaway talaga. "May allergies ba si Ada?" pinaikli ko na lang ang pangalan ni Aldreada. Masyadong mahaba kung ang real name niya. Kumunot ang noo niya. "Ada?" he asked. Umirap ako. "Aldreada, in short Ada. May allergies siya? Likes and don'ts? Sabi ko sa 'yo magpasa ka ng information. Nagpasa ka nga, mga basic informations lang naman!" Reklamo ko. "Wala siyang allergies but she doesn't like cats and broccoli. She doesn't like ketchups too. And she loves to watch Moana all the time." sunod sunod na anas niya. Tumango tango ako at tinatandaan sa isip ko ang mga sinabi niya. "Her favorite ulam? Snacks?" "Chicken adobo and mashed potato. She loves avocado too, just smashed it and put an ice and milk on it." "Okay. Does she like wearing tee shirts or crop tops?" Ngumiti siya habang nakatulala sa hangin, tila naalala ang anak niya. "She loves to wear crop tops. She will throw a tantrum if her clothes aren't crop." Tumango tango ako. Magtatanong pa sana ako sa kaniya nang bumalik na agad si Arjay, tumabi at yumakap ito sa akin habang kinakalikot ang bago niyang cellphone. It's a Samsung S20, same sila ni Eleina pero magkaiba ng kulay. Tuwang tuwa ito at hinalikan pa ako sa pisngi. "Anak, ako na ang mag-babalot ng gamit mo. At tsaka ikaw Arjay, bigyan mo ng makakain si Jade. Mamaya na 'yang cellphone mo!" Si Mama. Ngumuso si Arjay at nagpapaawa na tumingin sa akin. Umirap ako. "Sundin mo na, gusto mo bang kumpiskahin 'yan ni Mama tapos sa susunod na linggo pa ibigay?" "Ay, hindi. Ayoko!" simangot itong tumayo at nilagay sa harap niya ang cellphone. Inipit niya ito gamit ang garter brief niya kaya napangiwi ako. "Ikaw, 'wag mo aagawin sa akin Ate ko ha! Kahit maganda ka, hindi ako papayag!" sabi ni Arjay kay Jade. Napailing na lang ako at sinaway siya. "Roy Jim, isa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD