Kabanata 18 "Let us go now. Pumasok na tayo sa kotse niya," sabi ni Trisha sa aking tabi. "Iisipin mo na lang na kaibigan na natin siya kaya palagi na siyang kasama sa atin. Huwag na KJ okay?" "Wala akong sinabi na KJ ako," tanging sagot ko lang sa kanya at agad na ring napatango sa kanyang sinabi sa akin. Ilang sandali pa ay nakita kong binuksan na rin ni Trisha ang front seat. Akala ko ay uupo na siya doon dahil siya naman mismo ang uupo ngunit nakita kong napabaling siya muli sakin. Tila ba tinititigan lang niya ako. Hinihintay ko lang siyang bumukas ang kanyang labi para sabihin niya sa akin iyon. "Umupo ka na dito, ngayon na," sabi niya muli sa akin. "Ako ay sa backseat na muna. Alam mo na din kung bakit at hindi ko na rin gustong ipaliwanag sa iyo." Bumuntonghininga ako. "Fine,"

