KABANATA 1:
Pumasok na ako dito sa club kung saan ako nagtrabaho. Inilibot ko ang tingin sa paligid at tanaw ko ang bar chair na nakalatag sa bandang kanan. Marami na ang mga customer na pumapasok sa loob. Karamihan sa kanila ay umupo sa bar chair sa mismong harapan ko at ang iba naman ay nasa dance floor, sumasayaw.
I sighed. Nakakalungkot lang at wala na dito ang aking kaibigan. Natanggal siya sa trabaho dahil sa aming boss dito na mahigpit s***h panot. Marami sana akong gustong sasabihin sa kanya, ngunit hindi ko magawa dahil malaki ang posisyon niya dito. Mahirap na at baka ako na ang isusunod na tatanggalin dito.
'Tiis-tiis na lang self. Ganito talaga and buhay. Mayroong mawawala,' bulong ko sa akong sarili.
Napabalik ako sa realidad noong nakita ko ang customer sa aking harapan. Naalala kong mayroon siyang order na dapat kong ibibigay.
"Wait a moment sir. Umupo ka lang muna doon sa vacant chair. Ako na ang maghahatid sa order niyo na alak," sabi ko sa costumer na may katandaan na rin. Kung basehan lang ang kasuotan niya, masasabi kong mayaman siya. Mula sa gold na relo, necklace, at huwag naman sanang gold din ang suot niyang brief.
"Gold po ba underwear—esti—umupo na kayo doon sir," muli ko pang sambit. Ano ba itong iniisip ko sa ngayon. Wala na ako sa sarili ko.
Ipinako ko ang aking tingin sa matandang lalaki sa aking harapan. Hindi pa rin siya umaalis na tila ba sa paningin niya ay ako ang pinaka-magandang dilag sa mundo.
Nakita kong ipinako niya ang tingin niya sa aking dibdib kaya naman tinakpan ko ito gamit ang aking kamay. Kahit na hindi ko pa takpan itong aking dibdib ay wala rin naman siyang makikita. Total, wala rin naman akong boobs. Nakakainggit nga ang ibang babae. Kaya noon pa man, palagi na nila akong tinutukso na dalawa ang likuran. Imbes na magalit ay matuwa na lang din ako. Totoo naman at tinatanggap ko na lamang ito sa aking sarili.
"Ayaw kong pumunta doon sa sinasabi mong upuan. Mas gusto ko pa ang titigan ka na lang Ms. Beautiful," he said. Ngumiti siya ng malapad sa akin.
Baka ang nakatadhana talaga para sa akin ay Asukal de Papa in short, 'Sugar Daddy'.
"Parang buo na ang aking mundo unang titig ko pa lang sa'yo. What is your name Ms. Beautiful? I guess your name will be lovely and as gorgeous as your face,"
Napangiti ako at bahagyang hinawi ang aking buhok.
"Hindi naman ako maganda, ano ka ba. I am Shane at isa pa Daddy, hindi ako maganda haler," pabiro kong sabi ko at inilapag na sa may mesa ang alak na gusto niyang bilhin.
Noong tinawag ko siyang Daddy ay mas lalo lang na lumapad ang kanyang ngiti.
"Thanks for calling me Daddy. Saktong-sakto at naghahanap ako ng baby that I can support. Pwede kitang bigyan ng 30k every month."
Mahina akong humalakhak sa kanyang sinabi. Well, gustong-gusto ko ang magkaroon ng pera pero hindi sa ganoong paraan. Alam ko naman na hindi lang 'yon ang gusto niya. Kung tatanggapin ko man ang sinasabi niyang pera ay para na ring ibinebenta ko na sa kanya ang aking katawan para kumita.
It is a big no for me. Kailan ma'y hindi ko gagamitin ang aking katawan para lang kumita ng isang pera.
"Sorry, pero hindi ako gano'n na babae sa inaakala mo. If wala ka nang ibang gustong sabihin, sorry but I can no longer entertain you." Tuluyan na akong tumalikod sa kanya.
May kung ano pa siyang sinabi sa akin, pero hindi na ako nakinig pa. Mabuti na lang din at may iba akong costumers na kailangang e-entertain.
Matapos kong ibigay ang mga orders ng ibang costumers ay sinubukan kong hanapin ang matandang 'yon. Sinubukan kong hanapin sa kinauupuan niya ngunit wala na siya. Hindi pa lumagpas nang dalawang oras. Siguro ay nasa dance floor o di kaya'y sa VIP room siya may ginawang kababalaghan sa isang babae.
Wala na akong pakialam kung ano ang gagawin niya sa buhay niya.
"Bakit ka lang nakatulala diyan, aber? Dumarami pa ang ating costumer dito, huwag ka lang tulala diyan!" sigaw ni sir P. sa aking likuran.
Tinatawag kong sir P. ang aking manager sapagkat siya ay isang panot. Hindi naman sa pagiging bully, ngunit iyon ang totoo.
"For your information, ngayon lang ako tulala. Isa pa, nagtrabaho ako nang maayos," paliwanag ko sa aming Manager.
"Kausapin mo ako nang maayos Shane! Baka nakakalimutan mong manager mo ako dito?!" sigaw niya pa sa akin.
Napakurap ako sa kanyang bulyaw at bahagyang ibinaba ang aking tingin sa paa ko. "I'm so sorry Sir Panot—esti—Sir June, may inisip lang talaga akong kung anong bagay kanina kaya ako napatulala. Pero swear, ginawa ko naman ang lahat," sincere akong nagpaliwanag sa kanya.
"Tawagin mo pa akong panot, wala ka nang trabaho bukas." Dali kong inangat ang aking tingin dahil sa kanyang sinabi at agad kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. "Back to work!" muli niyang sigaw.
"Oo na po, magtrabaho na nga ang tao e," sabi ko pa. May pa sigaw-sigaw pa siyang nalalaman. Hindi niya ba alam kung bakit ako nandito? Like hello, kaya nga ako nandito dahil nagtatrabaho ako. Naku naman ito talagang si Sir P.
Matalim niya pa akong tinitigan hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod. Saka pa ako tuluyang nakahinga nang maluwag.
Maraming mga costumers ang dumadating nitong pagabi nang pagabi. Halos nagsiksikan na rin ang mga tao sa dance floor, mas lalo na rin na umingay ang club. Halos hindi ko na marinig ang mga orders ng mga costumers. Kung hindi nila lakasan ang kani-kanilang boses ay hindi ko talaga sila marinig.
Damn hell. Masyado nang maingay ang club. Ano pa ba ang magagawa ko, e trabahante lang naman ako dito?
Marami na akong nakasalamuhang costumers. May mga manyakis, gentleman, gwapo, at foreigner. Pero tila ba wala akong nagugustuhan sa kanila. Sa daming gwapo, at maganda ang katawan na aking nakakasalamuha, naguguluhan na ako sino sa kanila. Ayaw ko din naman iyong sobrang gwapo, madami akong kaagaw no'n. Ayaw ko din ang foreigner, panigurado akong dudugo araw-araw ang aking ilong.
Sa wakas, dumating na rin ang oras na ako ay uuwi na sa amin. Tapos na ang aking trabaho, kaya kinuha ko na ang aking bag sa may locker namin dito sa quarter. Magpaalam na sana ako kay Sir June, pero mukhang mainit na naman ang kanyang ulo, kaya hindi ko na itinuloy. Bago pa man ako tuluyang tumalikod ay pinagmasdan ko muna ang mga taong nalalasing na sa may dance floor. May nakita pa akong isang babaeng lasing at pinapalibutan ng maraming kalalakihan. Too bad for her, she should not be here alone. And I am hoping na iyang mga lalaking nakapaligid sa kanya ay walang gagawing masama. Ang lalaki magiging lalaki pag lasing, kaya naman kabilin-bilinan ni Mama sa akin na huwag magpakalasing kasama ang mga kalalakihan. Kahit kaibigan ko pa sila.
Napailing ako at nagpatuloy sa aking paglalakad hanggang sa tuluyan na akong makalabas.
"Mabuti naman at lumabas ka na rin sa wakas." Nagulat ako nang biglang sumulpot sa aking likuran ang isang matandang lalaki na tinatawag kong 'Daddy' kanina. That supposed to be a joke at natatakot akong totohanin niya iyon.
Oh God, help me.
"Daddy is waiting for you outside." Medyo lasing na niyang sambit sa akin.
"E-Excuse me, hindi ko nga kailangan ng sugar Daddy. Kaloka ka," sagot ko. Inayos ko ang sling ng shoulder bag sa aking balikat. "Umuwi ka na at hindi kita kailangan. I don't need your money, at mas lalong hindi ko binebenta ang aking katawan." dugtong ko.
Iniwas ko na ang tingin sa kanya. Magpapatuloy na sana ako sa aking paglalakad, pero bigla niyang hinawakan ang aking braso hudyat para mapatigil ako.
Dahil sa kanyang ginawa ay napabaling na muli ako sa kanya. Hindi ko rin maiwasan ang kabahan sa kanyang ginagawa like hell. Isang abuse na ito. Gusto kong i-handle ito 'in a nice way' kaya no need na ang sigawan pa siya kahit na feeling ko nababastos na ako.
"Uulitin ko. Hindi ko nga gustong tumanggap ng pera galing sa iyo. Kaya pwede bang itigil mo na ito? Please lang pagod pa ako galing sa trabaho," mahinahon ko iyong sinabi sa kanya. Ayaw ko siyang sigawan sapagkat alam kong may utak siya at alam niya ang kanyang ginagawa.
"Sumang-ayon ka na lang kasi sa gusto ko. Do-doblehin ko ang ibibigay sa iyo," he said.
Inilayo ko na ang aking kamay sa kanya pero agad lang niya itong hinawakan muli.
"Ano ba!" Nataranta na ako bigla.
Mas hinigpitan lang niya ang pagkakahawak sa aking kamay at nagsisimula na niya akong hilahin papunta sa isang kotse. "Ayaw ko nga sabi, bakit ka ba namimilit?! Maraming bayarang babae sa ibang club, hindi mo na iyon kailangan pang pilitin. H'wag ako, pwede ba?"
Hindi siya nagpatinag sa akin at patuloy lang niya akong hinihila. Kahit anong gawing ko ay hindi ko na magawa pa dahil sa lakas na meron siya.
Help! Somebody, ayaw kong sumama sa kanya!
"What are you doing old man? Hindi mo dapat iyan ginagawa sa isang babae at mas lalong wala kang karapatan na pilitin siya." Isang boses ang aking narinig mula sa aking likuran. Boses ng isang lalaki na pamilyar sa akin.
Napatigil ang matanda sa kanyang ginawa at napabaling sa aking likuran. Dali kong inilayo ang aking kamay sa kanya. Inilingon ko ang aking tingin sa pinaggalingan ng boses.
Isang lalaking naka-suit na tila ba galing pa siya sa kanyang opisina. Pamilyar na pamilyar siya sa akin, pero sa dami ng aking nakasalamuha sa club ay hindi ko na matandaan. Maybe siya ang isa sa mga naging kaibigan sa nakilala ni Amira.
"And who are you para pigilan ako? Wala kang pakialam dahil hindi mo naman siya ka-anu-ano!" malakas na sigaw ng matanda.
Napahakbang palapit sa matanda ang lalaking may attractive na mukha. Ilang sandali pa ay nakita ko na lang na kinuwelyuhan niya ang matanda.
"Please be careful for your actions Mr. Barili if you don't want me to ruin your name in public," pagbabanta niya kay Mr. Barili kung kanyang tawagin. Tanging nagawa ko na lang ang pagmasdan sila.
Nanlaki lang ang mata ni Mr. Barili. "Who are you?....Damn it! Fine!" Bahagya siyang itinulak ni Mr. Barili. Wala na itong sinabi pa at tuluyan na siyang tumalikod.
Napabaling siya sa akin at pinagmasdan lang niya ang aking mukha.
Napalunok ako. "T-thank you for saving me,"
"Hindi kita iniligtas. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin," sabi niya at agad na tumalikod