KABANATA 2:

1668 Words
Patuloy pa rin na pumapasok sa aking isipan ang lalaking iyon. Naalala ko kung saan ko siya unang nakita. Noong nandoon pa pala si Amira sa club, nakasalamuha ko na siya. Ngayon pa lang din pumapasok sa aking isipan na nagpakilala siya sa amin doon. Kung hindi lang ako nagkakamali sa kanyang pangalan, siya si Steiner at siya ay kaibigan nina Achilles at Clint. Ang talino ko talaga at naalala ko pa iyon! Ayaw kong siya ang maging bagong hinahangaan ko. Tindig pa lang niya ay na-se-sense ko na isa siyang playboy. Although, mayaman siya kung pumuporma. Wala din naman akong pakialam doon. Hindi ako gold digger. Tatawagan ko na sana si Amira, pero alam kong busy na siya kay Achilles ngayon. Kaya kung ano man ang nangyari sa ngayon, sa akin na lang muna. Saka ko na ito sasabihin kay Amira 'pag nagkita kami ulit. Mabilis lang umikot ang oras. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dito sa aking kama. Nagising na lang din ako dahil sa sikat nang araw na tumatama sa aking mukha. Ilang sandali pa ay narinig ko ang aking cellphone na nagri-ring sa kinalalagyan nito. Dali akong napabangon sa aking kinahigaan at kinuha ito. Amira ang pangalan na nag-pop-up sa aking screen na tumatawag, kaya naman hindi ako nagdadalawang isip na sagutin ito. "Ang aga-aga naman babae, bakit ka tumatawag?" tanong ko kaagad kay Amira. "May sasabihin ka ba sa aking something fishy between you and Achilles?" hindi ko pa maiwasang tanungin siya tungkol doon. "Ang aga-aga iyan na agad ang itatanong mo sa akin? Hindi dahil diyan, napatawag ako dahil gusto ko lang sabihin na magkikita tayo next friday. Are you free?" "Free naman ako always basta hindi lang sa gabi. Alam mo, may work pa ako sa club," sagot ko. "Yes, mag-uusap lang naman tayo sa mga bagay-bagay. Ilang araw na din tayong hindi nagkikita," sabi niya naman sa akin. "Iyon lang ang pakay ko kaya bye muna," dugtong niya. "Ingat kayo ni Achilles," paalam ko sa kanya. Hindi na siya sumagot pa sa aking sinabi, kaya agad na niyang pinutol ang tawag sa kabilang linya. Inilagay ko na muli sa maliit na mesa ang aking cellphone at napahiga na muli ako sa aking kama. Wala naman akong ibang gagawin. Nakalimutan kong yayain si Amira na pumunta sa mall. Anyway, ayaw kong tumawag sa kanya para guluhin pa ang buhay niya kasama si Achilles. Lumipas ang maraming oras. Humanda na ako sa para mag-shopping mag-isa sapagkat ngayon daw ang first day sa sale ng isang mamahaling brand. Matapos akong kumain, agad na rin akong lumabas at pumunta sa mall. Sumakay ako sa isang taxi at ibinaba naman ako ni Mamang driver sa harapan ng isang mall. Sa hindi inaasahang pangyayari, may nakita akong isang pamilyar na lalaki. Isang tindig na kakalabas lang sa isang restaurant at may kasamang babae. Steiner. Iyon ang kanyang pangalan at alam kong hindi ako nagkakamali. Damn, dahil malilimutin akong tao, nakalimutan kong itanong kay Amira ang pangalan niya. I am still doubting na hindi iyon ang pangalan niya. Ilang sandali pa ay nakita kong napabaling siya sa akin nang tingin. Iniwas ko agad ang aking tingin sa kanya at nagpatuloy sa aking paglalakad baka iisipin niyang stalker niya ako kahit hindi naman talaga. "Destiny talaga siguro kami kaya kami palaging nagkikita. Nakakainis. Wala akong balak itadhana sa isang playboy," sabi ko sa sarili. "Tignan mo 'yong babae, nagsasalita mag-isa. Katakot naman." Napakurap ako nang ilang beses at sinundan nang tingin ang batang may sabi sa kanyang ina. "Hindi kaya takas iyon sa mental?" Sarap sagutin na hindi ako takas sa mental. Mabuti na lang talaga at napigilan ko itong sarili ko. Bata lang 'yan self kaya hayaan mo na. ***** Oras na sa aking trabaho. Suot ko na ang aking uniporme. Ini-locked ko na din ang aking apartment para makaalis na ako. Dahil marami naman ang dumadaang jeep at taxi dito, hindi ako mahihirapang pumunta doon on time. Since iyon ang order ni Sir P. "Diyan na lang Manong sa may club." Turo ko sa club na aking pinagtrabahuan. Hininto naman ni Manong driver ang kanyang kotse sa harapan. Agad kong inabot ang aking bayad sa kanya saka tuluyan na rin na lumabas. Inilibot ko pa ang kotseng nakaparada sa labas. Sinisiguro kong wala dito ang kotse ng matandang bastos kagabi. I mean, hindi ko naman talaga alam baka may bago na siyang kotse. Natatakot lang ako na may mangyayaring masama sa akin. Tuluyan na akong pumasok sa loob at isinulat sa log book kung anong oras ako pumasok at kung kailan ako lalabas doon. Inilagay ko na din ang bag sa locker ko at agad na ring nagsimula sa aking trabaho. Hindi ko rin maiwasan ang hanapin si Steiner dito sa bar which is not a good idea. Dapat nga na hindi ko na siya makita muli. Marami na ring mga tao ang nasa bar. Akala ko ay hindi ko na makikita si Steiner dito. Dahil sa aking pag-iisip, namalayan ko na lang na nandito na pala si Steiner sa aking harapan na hindi ko namalayan dahil sa aking pag-iisip sa kanya. "Nasaan ba ang utak mo ngayon at bakit hindi mo narinig ang aking sinasabi?" tanong ni Steiner sa aking harapan. Napakurap ako nang ilang beses. "Ha?" naguguluhan kong tanong at hindi ko gets ang sinasabi niya. "Dapat sana ay attentive ka sa trabaho mo, hindi 'yong pa-tanga-tanga ka lang," he added. Napalunok ako. Hindi ako nagkakamali sa aking narinig na tinawag niya akong tanga. "Excuse me? Hindi ako tanga!" pagsusungit ko sa kanya. "Anong gusto mong alak sa ngayon Steiner?" Tila ba nagulat siya sa aking sinabi. Of course, sino bang hindi magugulat E hindi naman niya sinabi sa akin ang pangalan. "Paano mo nalaman ang aking pangalan?" he asked me. "Hindi na iyon mahalaga pa Sir Steiner." Tinawag ko pa siyang 'sir' para maging pormal ang aming pag-uusap. Natatakot akong bigla na lang na sumulpot si Sir P. at makinig sa aming pag-uusap. "Ang mahalaga sa ngayon ay makuha ko na ang gusto mong alak sir." "Fine," sabi niya. Iniwas niya ang aking tingin at tinignan lang ang mga alak na nasa aking likuran. Pero agad din niyang ibinalik sa akin. "Bigyan mo ako ng beer." "Sure sir, wala na ba kayong ibang gusto maliban sa beer?" tanong ko pa sa kanya habang kinukuha ko na ang beer. Matapos kong kunin ay inilapag ko na ito sa kanyang harapan. "Wala na. Thanks." May inilapag siyang one thousand pesos. "Keep the change." "Pero—" "I said keep the change." Insist niya sa akin. "Pero—" Hindi ko na naituloy pa ang nais kong sasabihin dahil bigla na siyang tumalikod. Pumunta na siya sa may dance floor at sumayaw. May babaeng maikli ang suot na lumapit sa kanya na halos magkadikit na ang boobs ng babae at matigas na dibdib ni Steiner dahil sa dikit nila. Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'yon. Inilagay niya pa ang kanyang kamay sa balikat ni Steiner at nagpatuloy lang sa pagsayaw. "Aha! Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong maging prostitute para masisante na kita sa pagiging bar tender at iha-hire na kauna-unang prostitute sa club na 'to!" sigaw ni Sir June sa aking likuran. Napatalon ako sa gulat. "Grabe ka naman, parang napatitig lang tayo sa kanila, gusto ko na agad maging prostitute? Ilang beses na nga akong nakatitig sa'yo pero wala akong balak maging panot." Napatakip ako sa aking bibig dahil sa aking sinabi. Nanlaki lang ang mata ni Sir June dahil sa aking sinabi. Hindi naman siguro kami destined sa isa't-isa hindi ba? Jusko naman. "Anong sinasabi mo?!" "Sabi ko, magtrabaho na ako kaya magtrabaho na din kayo." Ngumiti ako sa kanya at tuluyan na akong tumalikod sa kanya. Ibinalik ko ang aking tingin sa may dance floor na kinaroonan nila pero hindi ko na sila makita pa. Sinubukan kong tignan sa kabilang banda, pero hindi ko talaga sila makita. Ginugulo pa kasi ako ni sir P. Anyway, wala na akong pakialam pa kung may gagawin man silang masama o wala. Iba na ang naiisip ko sa ngayon—na may ginagawa na silang kababalaghan sa loob ng VIP room kasama nang babaeng 'yon. Wala kang pake self, buhay niya 'yon. Ginawa ko na muli ang i-entertain ang mga bumibili nang alak hanggang sa nalalapit na ang oras para matapos na ang aking trabaho. Nagpaalam na muna ako sa aking kasamahan na bar tender na pupunta na muna ako sa comfort room since naiihi na ako dito kanina pa. Natatakot na akong magka-bato sa kidney nito. Nasa may pintuan na ako ng ladies comfort room. Nagpasalamat akong wala akong walang masyadong tao kaya agad na akong pumasok sa isang cubicle. Unti-unti kong ibinaba ang aking suot na jeans, pati na ang aking underwear saka napaupo sa cubicle. Hindi ko inaasahan na may marinig akong isang ungol mula sa kabila. Bahagya ko pang idinikit ang aking tenga sa gilid para marinig ang kanilang ginagawa. Bigla akong kinabahan at dahil ipinanganak akong chismosa, dahan-dahan akong napatayo at lumabas. Bahagya akong pumunta sa isa pang cubicle na nakasara ang pinto pero may anino akong nakikitang pagalaw-galaw at may isang sapatos pa ng lalaki akong nakikita. Aalis na sana ako at hahayaan sila sa kanilang ginawa, pero dahil nga ipinanganak akong chismosa, dahan-dahan akong napahakbang sa may pintuan, unti-unti itong binuksan at nanlaki lang ang aking mata noong nakita ko si Steiner na nakatayo lang. Nakikita ko pa ang kanyang likuran at may kasamang babae. Kasama niya ang babae kanina sa dance floor. "What the f*ck!" mura ni Steiner. "What are you doing?!" "Hindi ito motel kaya ayusin niyo buhay niyo ha?" paliwanag ko. Natatakot akong hindi ko dapat makita, kaya sinisiguro kong hindi bababa ang tingin ko. "At isa pa ha, tandaan niyo comfort room ito. Hindi room para gumawa ng bata at 'pag hindi pa kayo tumigil diyan mapuputol talaga 'yang kahabaan mo!" pagbabanta ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD