KABANATA 3:

1486 Words
Wala na akong balak pang guluhin sila sa may comfort room sapagkat buhay nila iyon. Pero hindi naman siguro tamang gawin nila doon. Malaswang pakinggan o tignan na may maririnig kang ungol sa kabilang cubicle. Hindi ako mapakali dito sa aking kinatayuan, nag-e-entertain ng mga tao. Lutang na lutang na ang isipan ko. Ayaw kong isipin si Steiner dahil hindi ko na siya magiging type. Hindi ko naman talaga siya type. Kanina pa siya bumibisita sa aking isipan, mabuti na lang at wala na dito si Sir P. na palaging tinitignan ang pagiging tulala ko o ang pagiging lutang ko. "Thank you," sabi ko noong inabot ko na ang sukli sa isang lalaking kasing edad ko lang na bumili nang alak. Napabaling ako sa may side kung saan nakita ko si Steiner kasama ang kanyang babae na nakaayos na na tila ba walang milagro na nangyayaring sa kanila. Nakita ko pang nagpaalam siya sa babae at may kung anong inabot na hindi ko na nakita pa. Hihingi na ako nang tawad sa pagiging pakialamera ko, pero sana naman may konting respeto pa ang nananatili sa kanilang sarili. Kumaway ang babae sa kanya at napabaling sa akin. Tinaasan niya pa ako ng isang kilay, hanggang sa tuluyan na itong naglakad palabas ng pintuan. Napabaling din sa akin si Steiner at bahagyang naglakad dito sa aking kinatayuan hudyat para ako ay napalunok. Iniisip ko na lang talaga sa ngayon na bibili pa siya ng alak para uminom na muli, at para bumalik ang kanyang lakas nawalang lakas dahil sa ginagawa. Napahinto siya sa aking harapan, kaya agad kong iniwas ang aking tingin. "Mabuti naman at naisipan niyo ding tumigil," panimula ko sa kanya habang nagkukunwari akong may sinusulat dito. "Magagawa ko ang aking gusto. It is not your business anyway, so stop thinking about it. Puwera na lang kung gusto mo din." Inangat ko ang aking tingin dahil sa kanyang sinabi. "Puwede ba huwag mo akong itulad sa mga babae mo? Hello, wala akong balak maging isa sa kanila. At isa pa, wala akong pakialam sa buhay mo playboy. Gawin mo ang gusto mo sa buhay!" I said bitterly. He smiled and said, "Gusto mong gawin ang gusto ko? Okay sige." Nagtaka lang ako. Hinihintay ko ang gusto niyang sabihin sa akin. Kung bastos naman ito, humanda siya sa aking kamay at tatama talaga ito sa kanyang mukha. Ilang sandali pa ay may kinuha siyang kung ano sa kanyang bulsa. Inilapag niya ito sa aking harapan. "You can call me and meet me if you want to," he added. Ibinaling ko ang tingin sa kanyang calling card na inilapag sa harapan ko. Ipinasok ko pa sa aking isipan ang kanyang cellphone number. Mahilig ako sa memorization, kaya naman dali ko itong naipasok sa aking utak. Inilapit ko sa kanya muli ang inilapag niyang calling card. "Excuse me? Mukha ba akong bayarang babae? Wala kang makukuha sa akin, dalawa pa likuran ko," paliwanag ko. Gusto ko lang naman iparating sa kanya na wala akong boobs at kung nakikita man niya itong malaki, may foam ito. Napatawa siya na tila ba gusto niyang i-take ang aking sinabi na isang joke lang. "You're funny," sabi niya. "Huwag mo ako kausapin. Akala mo nakakalimutan kong kabastusan mong ginawa. Natatakot ka sigurong ipagkalat ko iyon no? Kaya ba gusto mong makipagkita sa akin para e-blackmail akong ipanatiling lihim ang nakita ko?" mahina ko pa iyong itinanong sa kanya sapagkat may taong napadaan malapit sa amin. Kung ano ang gusto ng isang tao, ginagawa ko iyon. Kung ang mga impormasyong kanilang ibinigay ay gusto nilang nakatago sa ilalim ng hukay at walang ibang makarinig, edi gagawin ko. Simple lang naman iyon. "Why would I be afraid of that? Wala akong pakialam, at hindi ako natatakot na masira ang aking pangalan sa publiko. Sirang-sira na ito," he said na tila ba seryoso 'yon. "But I am giving my calling card to you hindi dahil para paglaruan ka. I just want to know more about you and your whole existence. And I guess, naalala ko na kung bakit mo ako kilala because of Amira." Hindi na din ako magugulat pa sapagkat sinasabi din ni Amira sa akin tungkol sa kanya. Damn him, ayaw kong makipagkita sa kanya at tuluyan pang alamin ang kanyang pagkatao. Alam kong playboy, pinaglalaruan lang ang mga babae o di kaya ay ginawa lang niya itong isang laruan. "It's a no for me Steiner. I do not want to deal with a playboy like you. Kung wala ka mang bibilhing alak, pwede kanang bumalik sa dance floor para sumayaw or maghanap ng ibang babae para paglaruan mo. Not me, Steiner." "Siguro naman walang masama para mas alamin ko pa ang pagkatao mo. At isa pa, I admit that I am a playboy. Pero hindi sa lahat ng panahon, playboy ako," he explained. Inayos niya ang kanyang suot na longsleeve, habang hindi nakasarado ang dalawang butones malapit sa kanyang leeg hudyat para makita kong sumisilip doon ang matitigas niyang dibdib. Minabuti kong ibalik ang tingin sa kanyang mata, natatakot na naman akong mahuli niya. Ang stupido kong pag-iisip ay patuloy na inuulit ang nakita ko kanina sa comfort room at sa totoo lang, kahit na nakaayos na si Steiner ay tila ba nakikita ko pa rin ang 'naked' niyang katawan. Ang bastos ng utak ko. "Alam kong magbabago pa iyang isip mo. I'll see you soon Shane." Napangiti siya sa akin noong sinabi niya iyon. Kinindatan niya pa ako at tuluyan nang tumalikod sa akin. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtataka ko ding tanong sa kanya. Bigla ko na lang naisip na baka sinabi o nagtanong siya kay Amira. Sign na siguro ito para magka-jowa na ako? Damn. Hindi ko alam kung dapat ba akong kikiligin o hindi. Kung dapat bang tanggapin ang calling card niya o hindi. Dahil wala akong choice, at may paparating na rin na mga costumers, kinuha ko sa kinalalagyan ang calling card at inilagay ito sa aking bulsa. "Yes sir, ano pong alak na gusto niyo?" bungad na tanong ko sa may katandaang lalaki na lumapit sa akin. "Two vodka please," sabi niya habang nakatitig sa mga display naming alak sa aking likuran. "And one beer also." "Okay." ***** "Gusto ka pa niyang makilala?" hindi makapaniwalang tanong ni Amira noong tinawagan ko siya. "Mabuti naman kung ganoon at hindi ka na talaga maging single habang buhay. Siya talaga ang nakatadhana sa'yo," Wala akong nagawa kun'di ang sabihin sa kanya ang lahat. Ayaw ko din namang mag-o-overthink kay Steiner. Kung hindi ko ito sasabihin kay Amira, patuloy na namang dumadalaw si Steiner sa'king isipan. "Naku naman, iyan ang hindi p'wede. Alam mo namang wala akong balak ilaan ang buhay sa mga playboy. Ayaw kong umiyak, masaktan, at natatakot akong paglaruan lang niya," paliwanag ko sa kanya. "Hindi naman mangyayari 'yon, masyado ka lang nag-o-overthink. Mabait naman kasi 'yang si Steiner medyo joker, at medyo serious din minsan 'pag wala sa mood. Try mo lang naman e," insist niya. Napakamot ako sa aking ulo. "Grabe ha, 'pag pinaglaruan lang niya ako ikaw talaga sisisihin ko." "Oh, ba't ako? Suggest ko lang naman e," she said. "Sabihin mo sa'kin kung ano pa ang alam mo tungkol sa kanya. Background check na muna tayo," sabi ko. "Hmmm, ang alam ko lang ay single siya at destined siya para sa'yo." Tumatawa pa siya sa sinasabi niya. As if naman na nakakatawa 'yon. "H'wag mo akong bulahin Amira, pero sige, pag-iisipan ko muna." Napakamot ako sa aking likuran habang humaplos sa aking balat ang sariwang hangin mula sa nakabukas na bintana. "Basta sa friday magkikita tayo, h'wag mo 'yang kalimutan." "Hindi ko nga 'yan kalimutan, change topic ka naman agad. Basta mabait si Steiner, medyo playboy nga lang pero baka magbabago pa 'yan dahil sa'yo," sabi niya. "Ewan ko na lang talaga," nasabi ko na lang. "Sige, bye na. May kailangan pa akong gawin," tuluyan na siyang nagpaalam sa akin at nagpaalam na din ako sa kanya pabalik. Ibabalik ko na sana ang cellphone sa mesa para makapagluto na ako nang aking umagahan, pero bigla kong narinig na nag-ring na naman ang cellphone ko. Hindi ko tinignan kung sino ang tumatawag dahil alam kong si Amira pa rin ito. "Oh Amira, may nakalimutan ka bang sabihin sa akin? 'Pag tungkol na naman 'yan kay Steiner, h'wag mo na ituloy may importante pa akong gawin dito sa apartment. Inaantok pa nga ako dahil sa trabaho ko," sambit ko. Tumahimik ako para marinig ang sasabihin ni Amira. "Ano? Sabihin mo na dali. Ano ba kasi 'yan?" "Pinag-usapan niyo ako ni Amira?" Imbes na boses ni Amira ang aking narinig, boses lalaki ito at isang pamilyar na boses. Tinignan ko pa ulit ang number na naka-tatak sa screen at unregistered number pala ito. Pamilyar din sa akin ang number. What the hell. "Sounds interesting Shane." Nagulat ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi. Damn it Steiner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD