KABANATA 4:

1107 Words
Maraming araw na ang lumipas at hindi ko na rin mapipigilan ang pag-iisip kay Steiner. Tila ba ito ay patuloy na bumabagabag sa aking isipan at kailan ma'y hindi ko na ito mapahinto. Kung sakali mang alam ko kung paano lang ito mapahinto, malamang, matagal ko na siyang hindi iniisip. Bakit ko nga ba iisipin ang mga taong tulad niya? Isang playboy at walang katuturan ang aking buhay kapag ako ay magpapabola sa mga taong tulad niya. Ika nga nila, dapat kong iwasan ang mga taong tulad niya. Maraming mga ganoon sa mundo ay tanging siya lang ang nakikita ko. Anyway, marami din namang f*ckboy sa loob ng bar kung saan ako nagtrabaho. Malamang, marami ring bayarang babae ang nandoon na tila ba gustong-gusto din nila ang nagpapabola sa mga playboy. Well, ang tanging gusto lang din naman nila ay pera nila. Bumuntonghininga ako at nagpapatuloy lang ako sa aking paglalakad hanggang sa nakarating na ako dito sa club. Hapon pa nang ako ay nakarating dito at wala akong trabaho sa ngayon. Day off ko at binibisita ko lang ang mga kasamahan ko dito para makuha ang naiwan kong wallet sa locker ko dito. Dalawa ang aking wallet at ang isa ay nasa laman ng aking bag na nasa aming bahay na at ang pangalawa naman ay nasa locker ko pa sa loob ng club. "Naiwan ko ang wallet ko sa loob," paliwanag ko sa guard noong sinabi niya sa akin na wala pang duty at hindi pa ako pwede na pumasok. Mabuti na lang din at sumang-ayon lang ang guard at hinayaan niya lang akong makapasok sa loob. Nang ako ay mapasok, agad ko lang na ibinaling ang aking tingin sa paligid kung saan ko lang nakikitang nakahanda na ang mga on duty this night sa club. Well, sa gabi lang din naman bukas ang club kaya noong ako ay pumasok, tanging nakikita ko lang din ay mga naglilinis na mga staff. Ang iba naman ay nagdadala ng mga bote ng alak kung saan inilagay na nila ito sa refrigerator para mas malamig na ito ngayong gabi. "Hi Shane!" bati ni Trisha sa akin. "Kukunin mo na ba ang wallet mo?" "Yeah," tanging sagot ko. "By the way, wait muna. Usap muna tayo tungkol sa lalaki mo," dugtong ni Trisha. Iyon na ang hudyat para ako ay mapahinto dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman akong lalaki. Tanging meron lang ako ay katawan at kaluluwa, maraming imperfections ngunit tanggap ko din naman iyon. Wala naman akong ikinahiya sa aking katawan. I am proud that I exist, mamatay na ang mga inggitera. "Hello, anong sinasabi mong lalaki? My God! Wala akong lalaki!" Nanlaki lang ang mata ko at iyon rin ang hudyat kung bakit napatawag lang si Trisha. "Kung anu-ano na lang din ang lumalabas sa iyong isipan. Hindi ko na alam pa kung bakit naisipan mong sabihin sa akin iyan, alam mo namang wala akong lalaki." "Wala nga ba? Hmm, gusto mo bang ako pa ang magsasabi sa iyo sa pangalan niya?" muling tanong ni Trisha sa kanya. Bahagyang lumapit si Trisha sa aking kinatayuan. Iniisip ko ang kanyang sinasabi sa akin dahil wala naman talaga ako. Kung titigan ko din ang kanyang mata, tila ba naghihintay din siya na sasabihin niya din sa akin iyon. Naghihintay na siya sa akin para magsalita na ako. Tanging naiisip ko lang din ay si Steiner ngunit hindi ko naman siya lalaki at mas lalong hindi kami close ni Steiner para pag-uusapan namin siya. "Para malaman mo no, chismosa mo talaga at kung saan-saan mo nalang nakukuha ang mga impormasyong iyan na hindi naman totoo. Mas mabuti pang ipagpapatuloy mo muna iyang paglilinis mo dito sa club para matapos na din," tanging sambit ko at tuluyan na akong tumalikod sa kanya. Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa gilid kung saan iyon ang tanging way para makapasok na ako sa locker room. Akala ko ay tatantanan na ako ni Trisha ngunit hindi pa pala. Sinusundan niya pa rin ako hanggang dito sa locker room kaya naman noong napatitig lang ako sa aking gilid, saka ko din naman siya nakikita na napatitig na muli sa akin. May hinihintay pa rin siya na sasabihin ko kahit na wala naman akong balak na sasabihin iyon sa kanya. "Tigas talaga ng ulo mo, no?" sambit ko sa kanya. Natapango lang siya sa akin at napangiti lang din. "Oo. Alam ko iyon at hindi mo na dapat na sasabihin sa akin iyan. Alam mo na din kung ano ang hinihintay kong sasabihin mo. Dali na kasi," "Ayaw ko nga!" "Damot mo talaga. Parang gusto ko lang na malaman iyon," dugtong pa ni Trisha at nag-pout sa akin. "Oo na! Sasabihin ko sa iyo at ipaalala ko lang sa iyo ha na hindi naman kami, hindi kami close at mas lalong hindi ko siya lalaki, okay?" "Okay!" sagot niya. "Siya si Steiner. Customer ko lang dito sa club at nag-uusap lang din naman kami sa kanya dahil costumer naman siya. Dapat lang kami na mag-uusap dahil costumer siya. Kung ikaw din naman sa aking posisyon, kakausapin mo na talaga siya kahit gaano pa siya kasama sa tingin mo. Wala na tayong magagawa dahil costumer siya at wala din naman siyang ginawang masama, mukha lang niya ang masama," paliwanag ko sa kanya. "Steiner pala pangalan niya, ano social media name niya para ma-add ko? Share your blessings, huwag madamot. Bad iyan at magagalit si Lord," pangungulit pa ni Trisha sa akin habang binubuksan ko na ang locker dito sa club. Kinuha ko na din ang wallet sa loob at hindi ko na din alam kung mayroon pa ba itong laman. Well, siguro naman akong mayroon pa itong laman dahil naka-locked pa naman ang locker ko at siguro din naman akong walang makaka-pagbukas nito. "Ewan ko. Hindi naman ako malandi tulad mo no? Wala din akong balak na mapaglaruan sa isang playboy, kung may balak ka din naman na mapaglaruan, mas mabuting ikaw mismo ang mag-approach sa kanya. Siguro din naman akong present siya dito sa club this night at since duty mo din iyon, edi go na!" "Damot mo talaga. Pero sige na nga, sa iyo na lang siya. Wala na akong balak na aagawin pa ang lalaki mo," sabi ni Trisha, tila ba gumi-give-up na ito kay Steiner kahit na hindi pa naman niya ito mas lalong nakilala lang. "Hindi din siya para sa akin, Trisha. Alam kong hindi ako nakatadhana sa isang playboy at mas lalong wala akong balak na magpapagamit sa mga playboy baka ako ay magkasakit pa," paliwanag ko. "Sure ka? Siguraduhin mo lang talaga mo lalamunin mga pinagsasabi mo ngayon ha?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD