Steiner ang pangalan ng lalaking aking nakilala sa bar ngunit hindi ko alam kung kailan ko na siya muling makikita pa.
Hindi ako sure kung bakit ako naaapektuhan sa mga sinasabi ni Trisha. Wala naman akong gusto sa taong iyon at mas lalong hindi ako sure kung magtatagpo na muli ang aming mga landas.
"Sana nga at hindi na magtatagpo ang landas namin," sambit ko sa aking sarili.
Attractive siya at hindi ko na itatanggi iyon. Ito ay dapat na tanggapin ko na tila ba nararamdaman kong mayroon akong gusto sa kanya kahit wala naman talaga.
Gulong-gulo ang aking isipan at aking nararamdaman sa mga puntong ito.
Unang pagkikita pa lang namin iyong sa bar ngunit tila ba naapektuhan na ang buong sistema ko. Hell, sa sinabi ko na nga kay Trisha, dapat na sana akong mag-isip ng ibang bagay at hindi na dapat ako mag-iisip sa kanya.
Bumuntonghininga lang akong naglakad na muli papunta na sana ako sa aking apartment. Taga-probinsiya ako at tanging ginawa ko lang dito sa siyudad ay para magtrabaho. Para na rin matulungan ko ang magulang ko doon sa probinsiya.
Kahit na ako, hindi naman ako nakapagtapos sa college dahil na rin sa kahirapan.
Kahirapan y hindi hadlang para matuloy ko ang aking pangarap ngunit tila ba wala na rin akong ganang pumasok pa.
Dahil feeling ko wala na akong mabibigay na pera sa aking magulang at maghihirap na naman kami. Hindi naman maganda tignan na iiyak na lang bigla ang ina sa harapan mo. Sobrang sakit naman iyon at tila ba sinusuntok na rin ang aking dibdib.
"Taxi!" Malakas kong sigaw habang iwinagayway ko ang kamay sa ere para lang mapahinto na ang taxi dito sa aking harapan.
Ngunit ang taxi ay patuloy lang sa pagtakbo na tila ba hindi na rin niya nakikita na puma-para ako o sadyang hindi lang talaga vacant ang taxi na iyon. Who knows?
Hindi rin naman umiilaw ang itaas nito, indicating na hindi siya vacant.
Anyway, move on na ako at maghahanap na ulit ako ng bagong taxi para masasakyan ko papunta sa amin ngunit ang inaasahan kong taxi na hihinto sa aking harapan, tila ba iba ang huminto at hindi naman ito taxi. Isang mamahaling sasakyan ang huminto.
Patuloy ko lang na pinagmasdan ang luxurious car sa aking harapan. Gulat akong napahinto ito dito dahil sa pagkakaalam ko ay walang ibang taong nakatayo sa aking gilid at sa likuran.
Marahil, mayroon silang masamang binabalak sa akin sapagkat uso pa naman ngayon ang kidnapping. Kaya naman para maging handa ako sa posibleng pangyayari, ginawa ko ang lahat para makatakbo na agad ako.
Gagawin ko din ang lahat para lang masapak ko kung sinong tanga man siya.
Napakurap lang akong pinagmasdan ang tinted window ng sasakyan. Ilang sandali pa ay narinig kong tumigil ang engine ng sasakyan, which means, nakaparada ito sa gilid. Saka ko din nakita na bumukas na rin ang pintuan sa driver's seat at mayroon akong nakitang tao na isang pamilyar sa akin. Umikot ito sa harapan ng isang kotse.
Nanlaki ang aking mata nang makita kong si Steiner pala ang lalaking may-ari ng isang sasakyan. Hindi ako nagulat dahil mayroon siyang kotse, ngunit nagulat ako sapagkat hindi ko naman inaasahan na magtatagpo na muli ang aming landas dito sa bar. Ang ipinagkaiba nga lang ay nagkikita kami dito sa harapan ng bar, hindi sa mismong loob nito.
I need to act normal as I can. I do not want to look like a stupid one in front of him. No matter what, I need to say no.
I mean, dapat lang akong tatanggi kong mayroon man siyang iaalok sa akin. Kahit anong klaseng alok dahil para sa akin ay masama siyang tao. We are even a total stranger at dapat lang na hindi ako magtitiwala kahit kanino.
"Hi!" bati niya sa akin habang kumakaway siya. "Anong ginawa mo dito? Mag-isa?"
Kumaway din ako sa kanya awkwardly at may isang ngiting fake na may halong pangamba. Mukha naman siyang mabait at walang gagawing masama sa akin, so dapat lang akong mag-a-act normally. Ayaw kong mag-isip ng negativity. It will just destroy my mood right now.
"Hmm, may kinuha lang ako saglit sa loob. Wala akong trabaho sa ngayon kaya ako nandito ngunit pabalik na rin ako sa aking condo," sagot ko sa kanya habang nilingon ko ang gilid kung saan tinitignan ang mga paparating na taxi. "I think aalis na ako at dapat na rin akong mag-abang ng taxi. Bye."
Aakmang aalis na saka ako at maglakad na sa gilid para hindi ako natatabunan ng kanyang kotse. Dahil kung mananatili lang akong nakatayo sa gilid ng kanyang kotse, malamang, walang taxi ang makakakita sa akin na papunta na ako.
"Wait, I am still talking to you," said Steiner.
"Don't english me ha, nasa Pilipinas tayo kaya magtagalog ka," tanging sagot ko sa kanya.
Napatawa lang siya sa aking sinabi kahit na wala naman talagang nakakatawa doon. At sa tingin ko naman ay okay lang ang sinasabi ko despite the grammar, as long as it can be understandle enough. Like hello, hindi naman iyon mag-ma-matter since English is not our native language. My God!
"Your grammar sucks. You sounds like conyo," sambit niya sa akin hudyat para tignan ko lang siya na tila ba nagagalit ako sa kanyang sinabi sa akin.
Sino ba namang hindi magagalit kapag nasasabihan na conyo ako.
"Hello? Me conyo? My God! I hate drugs," sambit ko. "Ah basta. Bahala ka na kung ano ang sasabihin mo sa akin basta ako nabubuhay sa mundo na maganda. Siguro ikaw nabubuhay para laitin lang ako. Pero wala effect iyan sa akin dahil strong ako."
"Hindi ako nabubuhay para laitin ka, what if, nabubuhay ako para mahalin kita?" sambit niya at bigla lang akong napatigil sa kanyang kabaliwan na mga sinasambit sa akin. Hindi na dapat ako magpapaapekto sa kanya dahil wala lang naman talaga iyon.
May kung ano pa sana akong sasabihin at sasawayin ko na sana siya dahil sa mga sinasambit niya sa akin ngunit hindi ko na din iyon magagawa pa. Damn!
"Kidding. Halika at ihahatid kita sa inyo. Mabait akong tao at hindi ako masama kaya sumakay ka sa kotse ko," sambit niya.
Napailing ako at napahakbang. Tila ba worried na ako sa mga puntong ito. "Baka dadalhin mo ako sa langit." Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi ko.
"Wait, dadalhin what?" Tila ba natatawa na siyang tanong sa akin.
"Baka binayaran ka para kidnappin ako at kunin lahat ng mga organs ko. Mukha ka lang siguro mayaman ngunit nangunguha ka ng mga lamang loob. Kaya no, maglalakad na lang ako kaysa sasakay diyan sa kotse mo. Baka bukas isa na lang kidney ko."
Napahalakhak si Steiner sa aking sinabi. Serious naman kasi ako at hindi naman ako nagbibiro. Wala naman akong sinabing biro at lahat ng aking mga sinasabi sa kanya ay mga posibleng mangyayari.
Hirap na sa panahon ngayon. Mas mabuti nang mag-ingat kaysa naman malagay sa peligro. Baka goodbye earth na ako nito.
"Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa sayo. May tama ka ba ngayon? Sakay lang e, ayaw mo? Hindi ako mamamatay tayo, mas lalong hindi ako nagunguha ng lamang loob. Baka hindi pa nga iyan mabebenta ang lamang loob mo kung sakali," sambit ni Steiner.
Nanlaki na ang mata ko, "So sinasabi mong madumi ako? Kaya hindi bebenta?! Kahit hukayin mo pa isang kidney ko sa katawan, edi milyonaryo ka na agad. Tsk!"
"Hindi nga ako ganoong tao at wala akong sinasabing ganoon, so sasakay ka ba o hindi? Bakit hindi mo subukan para mapatunayan mo na hindi ako masamang tao sa inaasahan mo?"