KABANATA 6:

1130 Words
Wala na din akong nagawa pa kung hindi ay ang pumasok na rin ako sa sasakyan na pagmamay-ari niya. Mahirap na tanggihan kung mayroon mang isang taong nag-aalok sa akin na pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan at sigurado din naman akong walang mangyayaring masama sa akin. Mukhang hindi naman siya gagawa ng mga bagay na ikapahamak ko. Hindi pa naman ako nagtitiwala sa kanya at sa tingin ko din naman ay ihahatid din niya ako sa aming apartment kung saan ako nakatira sa puntong ito. Sa kasalukuyan, nandito na ako sa front seat ng sasakyan. Habang si Steiner ay pumasok na rin siya sa pintuan mula sa driver seat. Noong nakaupo na siya doon ay agad na rin niyang binuhay ang makita ng kanyang sasakyan. "Sasabihin mo lang sa akin ang route papunta sa apartment mo. Baka we will be taking into a wrong road," sambit niya habang patuloy niya lang na inikot ang kanyang steering wheel sa kanyang sasakyan. "Fine. Straight mo lang naman ang kalsadang ito at sa hindi kalayuan, mayroong isang iskinita at doon na ang way papunta sa apartment. Pero sa tingin ko naman hindi mo na dapat ako ihahatid mismo sa harapan, baka pupunta ka pa naman sa apartment ko unexpectedly. Nakakatakot," paliwanag ko iyon sa kanya. Malamang iyon ay isang nakakatakot kung ang kanyang sasakyan ay makikita lang sa harapan ng aking apartment. The hell! That would be stupid. "You do not need to be afraid. Hindi naman ako masamang tao kaya hindi ko na dapat pang ipapaliwanag sa iyo ito," sabi niya sa akin. "Hindi mo na kailangan pang gagawin ito sa puntong ito. My God, hindi naman tayo close sa isa't-isa para gagawin mo ito. Isa pa, mas mabuting hindi mo na ito uulitin pa. Kasi nga, mas gusto ko ang sumakay na lang ng taxi at mag-commute," paliwanag ko. "Ayaw mo bang sumakay nang free at ma-si-save pa ang pamasahe mo papunta sa inyong bahay?" tanong niya sa akin. Naiisip ko din ang kanyang sinasabi sa akin at iyon na nga, mas binabalak ko rin na pumunta na rin sa aming apartment. Anyway, ayaw ko na ding papunta na naman ito sa useless argument. Mas gusto ko na lang din ang manahimik na lang muna sa mga puntong ito. "Ah basta, mananahimik na ako dito at hindi na ako magpapahatid sa iyo bukas o sa mga sumusunod na araw," I said. "Kahit pa ano ang sasabihin mo sa akin, hindi na ako makikinig diyan. Mas susundin ko pa kung ano ang nararamdaman ko kaysa naman susundin ko ang mga gusto mo kahit hindi naman kita kilala." "We are now friends," he said while still driving. "I am not your friend so that you do not need to tell me that. Kung anu-ano na lang din iyang sinasabi sa akin at mas mabuti na lang din at tumahimik ka din," I said. "Ayaw kong marinig iyang boses mo." "Fine," Bigla na lang din na tumahimik si Steiner sa tabi at tila ba iyon na rin ang mas mabuting gagawin sa puntong ito. Ilang sandali pa ay patuloy pa rin na nagmamaneho si Steiner hanggang sa nakarating na kami sa isang iskinita. Doon ko na sana ipahinto ang kanyang kotse ngunit nag-insist na rin siya na ipasok niya ang kanyang kotse. Ihihinto niya ito sa aking apartment at iyon na rin ang sinasabi niya sa akin. Wala na rin akong magagawa pa dahil iyon din naman ang kanyang gusto. Mas mabuti na nga iyon at hindi na rin ako pagpawisan paglalakad papunta dito sa aking apartment. Ilang sandali pa ay hininto na rin niya ang kanyang kotse sa harapan ng aking apartment. Marahil ito na rin ang oras para ako ay lumabas na rin sa kotse niya. Ayaw ko pang magtatagal dito sa loob at mas mabuti na ring lalabas na rin ako kaagad. "Thank you sa paghatid dito sa apartment ko. Kahit na wala naman akong sinabing ganoon," sabi ko habang tinanggal ko na ang suot ko na seatbelt. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako sa front seat door ng kanyang sasakyan. Alam ko din naman na hindi na niya dapat ako hinatid pa dito dahil alam niya naman talaga na maraming Marites, in short mga chismosa dito sa tinitirhan ko baka machismis na naman akong isang prostitute. Nagpapagamit ng isang mayamang lalaki para lang kumita at iyon na rin siguro ang nasa kanilang isipan kapag sinasabi na sa club lang ako nagtatrabaho. Malamang, kung anu-ano na lang din ang lumalabas sa kanilang isipan at isang stupid iyon. "I will see you again. Probably tomorrow, I guess," Steiner said, bago ko pa man isinara ang front seat door. Patuloy ko pa rin siyang nakikitang nakatitig sa akin habang hawak niya pa rin ang steering wheel ng sasakyan. Isang ngiti na rin ang aking nasilayan mula sa kanyang labi na tila ba mayroong nakakatuwa sa kanyang sinabi kahit hindi naman talaga iyon nakakatuwa na pupunta pa siya dito bukas para ano? Sunduin ako? "No need na. My God naman Steiner, wala na dapat tayong mga ganoon. Alam mo naman na hindi naman maganda iyon dahil wala tayong relasyon okay?" "I am not doing this for the sake that we are going to have a relationship. Alam mong marami ang babae at lalaki na naging magkaibigan ngunit walang malisya lang ito sa kanila. Iyon dapat ang mangyayari sa atin for I just want you to be my friend," he said. "So that, magkikita pa tayo soon. Alam ko na ang apartment mo. Well, anytime, pwede ako bibisita sa inyo." "Creepy mo naman. Bahala ka diyan," sabi ko at sinarado ko na agad ang pintuan ng front seat. Bumuntonghininga na akong naglakad papunta sa aming apartment at hindi ko na muling nilingon ang kotse ni Steiner dahil alam kong nananatili pa ito doon habang pinagmasdan niya lang akong umaakyat dito sa hagdan. Damn! "Grabe. I did not expect this to happen," sabi ko na lang din sa aking sarili habang patuloy na sana akong aakyat ng hagdan nang ako ay may narining na nag-uusap lang sa gilid, hindi kalayuan sa akin. Tila ba na-se-sense ko na ito ang mga chismosa na ginagawan na naman siguro ako ng mga issue nila. "Alam mo, hinatid ang babaeng iyan dito ng isang kotse. Magara. Mukhang mayaman ang may-ari. Haba ng hair nang prostitute na ito," sabi ng chismosa. "Kaya nga, hindi na dapat tayo magugulat kapag instant millionaire na iyan kinabukasan," "Oo nga, kita ko din iyon," "Daming chismosa na dito sa mundo, matamaan sana sila ng kidlat!" Sigaw ko at patuloy na rin sa paglalakad dahil sa tingin ko ay tumahimik na sila dahil sa aking pagsigaw. Sana lang talaga at tatamaan sila ng kidlat. Napailing lang ako. "Ang sama-sama ko talagang tao."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD