"Anong chismis na naman ang sasabihin mo sa akin babae? Alam mo naman siguro na busy na ako ngayon," sabi ni Amira sa akin. Iyon naman ang madalas niyang sasabihin. Kumbaga, nasanay na ako. "Sana all busy dahil kay Achilles diba?" sabi ko na lang din sa kanya dahil alam ko din naman na naging sila na talaga. Hindi na iyon matatago pa. Marahil iyon na rin ang dahilan kung bakit hindi na kami palaging nagkikita sa isa't isa. Hindi na nakakagala kung gustuhin man namin. "Hoy babae! Hindi naman ako busy sa kanya kaya kung makapagsalita ka diyan akala mo naman wala kang Steiner, aminin mo na. May isang CCTV camera ang nakakita sa iyo kaya naku, huwag mo na itong itanggi pa sa akin at aaminin mo na agad ito ngayon," paliwanag niya. "Ano?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Nanlak

