Hindi ko maalis sa aking isipan ang sinasabi ni Steiner sa akin. Lasing siya at mas mabuting kakalimutan ko na muna ang mga sinasabi niya sa akin. Iyon ang magandang gawin st dapat kong sundin. Bahala na kung ano man ang aking nararamdaman noong sinabi niya sa akin iyon. Ilang sandali pa ay bumalik na ako sa apartment. Wala akong balak na manatili na doon at alam kong iisipin ng ibang tao kung ako ay nandoon pa. Ayaw kong turuan sila ng tamang gabay sa pag-iisip sa akin doon at ang tanging ginawa ko lang naman ay ang kabutihan. Mabilis din tumakbo ang oras sa araw na ito. Pumunta na agad ako sa banyo para maligo at magbihis para maaga akong matapos. Nag-iisa lang si Steiner doon at hindi ako sure kung pumasok na siya sa kanyang trabaho. Lumabas ako sa aking apartment dala na ang aking b

