Bumalik na ako dito sa aming apartment at si Steiner ay bumalik na rin siya sa kanyang restaurant. Wala na akong balak pa na patuluyin siya dito sa aming apartment dahil sa magulo ang loob. Hindi pa ako naglinis at baka magbibiro lang si Steiner sa akin na ako ay hindi marunong na maglilinis kahit na ako ay isang babae. Dapat ang babaeng tulad ko ay marunong maglinis. Iyon na rin ang dapat na alalahanin ko dahil ayaw din ni Mama na ako ay hindi marunong maglinis. Anyway, nang nakapasok na ako ay hindi ito na ganoon ka-kalat sa aking inaasahan. At least ma'y area pa din na malinis tulad ng kitchen at living room. Sa ibang area ay medyo madumi at mas lalo na sa aking kwarto na magulo ito. For sure, nakabukas pa ang aparador nang ako ay nakalabas na rin. Nang pumunta na rin ako sa aking kwa

