CHAPTER 2

3020 Words
CHAPTER 2: PAGKATAPOS ng eksena kanina ay tumungo na sya sa opisina nya. Umupo sya sa swivel chair at tiningnan ang mga papeles na nasa mesa. Umangat sya ng tingin at napailing nang makitang komportableng natutulog si Myracle sa sofa. Kinuha nya ang kumot sa closet at ipinatong sa natutulog na dalaga. Pagkatapos ay bumalik sya sa pagkakaupo at inasikaso ang mga papeles na dapat nyang pirmahan. Nasa kalagitnaan sya ng pag pipirma nang may kumatok. "Come in." Saad nya sa malamig na boses. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanyang sekretarya. "Boss, Mr. Desacula set an appointment to you. Do you wa---" he cut her off. "What time?" Mukhang nagulat ang sekretarya nya sa pagpayag nito. Umayos ito ng tayo at tumingin sa folder. "1:30 pm boss." "Prepare the sub-con room. You may now go." Malamig na sabi nya. Ang sub-con room or substitute conference room ay para sa mga taong gustong makipag-meet o makipagkasundo sakanya. Bilang lang ang nakakapasok sa 'totoong' conference room dahil ito ay pribado. Napatingin sya kay Myracle na gumalaw at tumalikod ng higa. Mukhang okay lang na iwan ito dito. ***** "GOOD AFTERNOON Mr. Knight. It's a pleasure to see you." Masayang sabi ni Mr. Desacula sabay lahad ng kamay. Tumango sya ngunit hindi nya sinuklian ang pakikipag-kamay dito. Nahihiyang binaba nito ang kamay at umupo. "Proceed to the point." He coldly said. "I need you to invest in my resort here in cavite." Walang kimi-kiming sabi nito. Napataas ang kilay nya. Need? Not want?.. "Tell me why should I invest in your resort." Natahimik ito bigla. "Because it will help me rise again my resort." Mahinang sabi nito. "Only your benefit? How about mine?" Malamig na sabi nya. Pinaikot-ikot nya ang ballpen sa daliri nya habang natahimik naman si Mr. Desacula. "The customers will know that you invest a thousand dollars to their resort which will give you a benefit to have a 41.8% shares of the resort, not just his resort but all of the resort in the cavite will be yours soon." Napalingon sila parehas sa nagsalita at nakita nila si Myracle na seryosong nakikinig sa usapan nila habang nakasandal sa hamba ng pinto. I thought she's sleeping! "The customers will not know." He said in a cold tone. "Yes. They will." Seryosong sabi ni Myracle habang nakatingin ng deretso sa mga mata nya. "The reporters would ask who help him.." turo nya kay Mr. Desacula na nakatanga pa rin sakanya. ".. rise his resort and even if he keep it, the reporters will investigate as to why the Lorenz Resort start to rise up again when all they know is, the Lorenz Resort are slowly bankrupting." Seryosong sabi nito. "The others company's resort and restaurants will come to you and will ask you to invest in their property which will give you a shares of 52% and that makes you a top shareholder." "And if you're going to decline this arrangement, then you will lose 45% of the shares in his resort." Dugtong pa nito. Hindi man nya aminin ngunit nakaramdam sya ng paghanga sa babaeng kaharap nya ngayon. She's smart.. and not only that, she knows how to handle the situation and takes the brighter side of it. Magsasalita pa sana sya ngunit nagsalita na si Mr. Desacula na nakabawi na sa pagkagulat. "Sorry for interrupting your conversation but why did you know the name of my resort Miss?" Nagtatakang sabi nito. "Because it came from your name Mr. Lorenzo Desacula." Kibit balikat na sabi nya ngunit di pa rin mawala ang pagkaseryoso sa boses nito. Bagama't nagtataka kung paano nito nalaman ang pangalan nya ay hindi nito maiwasang humanga. "Wow! You have a very smart wife Mr. Knight." Puri ni Mr. Desacula. Now, he's in the good mood when he hear those words. Bumaling ang tingin nya kay Mr. Desacula at sinabing, "Where's the contract papers? I'll sign it." Gulat na napatingin ito sa kanya sa sinabi nya. "Really? Here!" Abot nito sa folder na naglalaman ng kontrata. Pagkatapos nyang pirmahan yun ay nakipag kamay sya dito na talagang ikinabigla ni Mr. Desacula. Yumuko ito sakanya. "Thank you for agreeing to this investment Mr. Knight. May you have a good relationship together with your wife." Tumayo ito at kinuha ang kontrata. "I will go now Mr. Knight and Mrs. Knight." Sabi nito bago umalis. Ahh.. Mrs. Knight. It's actually good to hear. Dali-daling lumapit sakanya si Myracle pag labas ni Mr. Desacula. "Teka.. teka.. Anong wife? Anong Mrs. Knight? tsaka bakit nya ako binati nang ganun?" Napatingin sya kay Myracle. Gone the serious Myracle. Thank god! Because as much as I want her to be serious, I also hate it because of a certain feeling. He thought. Myracle pout when she doesn't received an answer. "Ano ba? Alam kong maganda ako pero bakit nya ako tinawag na wife mo? Di ba hindi naman tayo kasal?" Kunot noong tanong nya. "Tch. Don't mind him. He is crazy that's why." Pinilit nyang hindi ngumiti kapag naaalala ang sinabi nitong 'Mrs. Knight'. Lumaki ang mga mata ni Myracle sa narinig. "Huh? Di ba dapat nasa mental institute sya ngayon? Oh my god! Dapat pala tumawag na ako ng mental kanina. Paano na to? Teka. Wala pala akong number ng mental." Natatarantang sabi nito. His lips formed a small smile watching her panic because of a nonsense stuff. Stupid.. but cute.. "HEY BRO!" sigaw ng apat na taong nagsisiksikan sa pinto. Tiningnan nya ng masama ang mga ito habang nakaturo sa likod ng natutulog ulit na babae. Napagod daw itong 'magpakitang gilas' kanina kaya na drain ang energy nya. Ayun, bagsak. "May babae si bossing!" Jahnzeel Hermes Montales whoop. "Tangina! Nawala lang kami ng isang linggo may chicks ka na agad?" Gulat na tanong ni Rahnzeel Hades Montales. "Bat wala akong alam dito? Akala ko ba you love us?" Kunwaring Nasasaktang sabi ni Tyler Calvin Tuazon. "Oh my god! Oh my god! Dalaga kana bro! We're proud of you." Maarteng sabi ni Hanzen John Fuentes. Sabay hawi sa imaginary bangs nito. In short, MGA BALIW SILA. Yep. They are crazy friends of Mr. Aizen Xenon Knight. "Shut up Morons! Can't you see she's sleeping?" Mahinang sigaw nito. Tinikom nila ang bibig nila at parang mga ninja'ng dahan-dahang umupo sa mahabang sofa. "What are you four doing he---" "HEY YOW WAZZUP BOSSING!" Sigaw ng kung sino sabay bukas ng pagkalakas-lakas sa pintuan. "SHUT THE FVCK UP RUZZIEL MARTIN DUELLAS!" hindi nya mapigilang sigaw na ikinagising ng dalaga. "B-bossing n-naman.." kinakabahang sabi nito. "Ha.ha.ha. s-sorry na!" Nauutal na sabi nya. "Prepare for your punishme--" naputol ang pagsasalita nya nang biglang bumangon si Myracle at nagsalita. Pansin nya lang, kanina pa napuputol ang pagsasalita nya. "Bakit ba *yawn* ang ingay nyo?" Kinusot kusot pa nito ang mata nya at humikab. Tiningnan nya ng masama si Ruzziel na natulala kay Myracle. "LOOK WHAT YOU'VE DONE! YOU DISTURB HER SLEEP!" Tila walang nakarinig sa kanya at natulala lang kay Myracle na sinusuklay ang buhok gamit ang kamay. "Ang ganda." Jahnzeel said. "Wow! Chicks!" Tyler said. "s**t! Magtitino na po ako mama!" Hanzen said while praying. "Mapasalangit nawa ang kaluluwa ko." Rahnzeel said. Bumuga sya marahas. They are crazy. Definitely crazy. Lumapit sa kanila si Myracle na lalong ikinatulala nila. "SINO YUNG NAGSABING CHICKS AKO? CHICKS NA NAMAN? ANONG AKALA NYO SAKIN, MANOK?HA? SISIW? EH KUNG TUSTAHIN KO YANG MGA PAGMUMUKHA NYO? ANO?" Sigaw nito na umuusok na ang ilong pati tenga. Nagising naman ang diwa nila at napatawa sa sinabi nito. "Tangina! Manok daw bwahahaha!" Tawang tawa na sabi ni Rahnzeel. "s**t! Epic! Sisiw daw!" Tumatawang sabi ni Tyler. Nilapit ni Myracle ang mukha nya sa dalawa dahil magkatabi lang naman ito tapos kumunot ang noo. "Tangina? s**t? Ang pangit naman ng pangalan nyo! Kasing pangit nang pagmumukha nyo." Nakasimangot na sabi nya. Pagkakataon naman nila Hanzen at Jahnzeel na tumawa. "Wala pala kayo mga bro!" "Sabi sainyo eh! Kami lang ang gwapo dito." Pang-aasar ni Jahnzeel. "Wala namang gwapo sainyo eh!" Nagtatakang sabi ni Myracle. "Sya lang ang nakikita kong gwapo." Sabay turo kay Xenon na palihim na napangiti. Serves you right fvckers! He thought. "Anong pangalan mo magandang binibini?" Maginoong tanong ni Ruzziel na ikinatawa ng apat. "s**t man! Di bagay sayo.!" "Nakakapanindig balahibo." "Gross." Inirapan ito ni Myracle. "Ang pangit mo kaya wag mo akong kausapin!" Napatanga naman si Ruzziel sa sinabi nito. Sa tanang buhay nya, ngayon lang sya nasabihan ng pangit. "Burned!" "Ruzziel has just been slain by a pretty girl!" Hanzen said na naka-ani ng sipa mula kay Xenon. "A-aray ko naman boss!" Reklamo nito. "Time for you punishment!" Malamig na sabi ni Xenon. Namutla naman sila lahat. Para silang natatae. Namamawis na ang mga mukha nila. "Ahh.. ehh.. boss m-mauuna na ako. M-masakit pala ang tyan ko." Sabi ni Tyler na hawak-hawak ang noo. Napataas naman ang kilay ni Xenon. Mukhang na intindihan naman ni Tyler kaya napapangiwing hinawakan nito ang tyan sabay dahan-dahang paglabas. "Ha.ha.ha." Napalingon sya sa apat na natitira na namumutla pa rin. "Boss mauuna na rin ako. Tinawag pala ako ni mama." "N-naaksidente pala a-ako ngayon kaya dapat na-nasa hospital ako." Pinakapalpak na sabi Hanzen. "N-nagugutom na p-pala ako." Lahat sila nakalabas na except kay Ruzziel na nagtatapang-tapangan. "A-ano yung punishment boss?" Namamaos na sabi nito sabay lunok. Napangisi ng palihim si Xenon. "Take care of my snakewhale." Mas namutla si Ruzziel sa narinig. "Ha.ha.ha... mag su-suicide pala ako ngayon boss. M-mauuna na ako." Sabi nito at nagmamadaling lumabas. He mentally chuckle. That's why he loved his friends. Let's say, he's cold, brutal and ruthless but he treasure his friends so much. "Ano bang mga pinagsasasabi nila? Baliw na ata ang mga yun eh." Naiiling na sabi ni Myracle. "You should sleep already. I'll wake you up later." Malamig na sabi nya. "Hmm.. kay.." humihikab na sabi ni Myracle. Pumunta ito sa sofa at humiga. And in just a second, she fell asleep.. again.. Napailing nalang si Xenon ng makitang humihilik na si Myracle. Umupo sya sa swivel chair at biglang nagseryoso. Now, who are you really, Myracle? Is it you My Cupcake? Well, maybe not. My cupcake will never poison me. Makalipas ang ilang oras ng pag-iisip ay biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang sekretarya nya na namumutla. "Boss someone hack our system! May nawawalang attachment sa so--" "WHAT?! WHICH ATTACHMENT?" Sigaw nya. Buti nalang at di nagising si Myracle. Napalunok ang sekretarya. "The case of your mother." Sandaling katahimikan ang namayani. Xenon can't properly sink the news he heard. "s**t!" Bago pa nya buksan ang pintuan ay nilingon muna nya ang sekretarya. "Buy some foods and bring it here in my office." Pagkatapos nyang sabihin yun ay lumabas na sya at pumunta sa Computer Department. Naabutan nya doon ang mga tao na nagkakagulo dahil sa red alarm na tumutunog. NAGISING SI MYRACLE sa pagkakaidlip nang may gumising sa kanya. Dahan-dahan nyang binuksan ang mga mata nya at bumungad sa kanya ang sekretarya ni Blace. "Ma'am heto po ang pagkain.." Sabay abot nito sa mga pagkain na nakalagay sa tray. Agad na nagningning ang mga mata nya sa nakita. ".. at pagkatapos mo daw po kumain ay umalis ka na daw sa bahay nya." Tumango sya habang nakatingin pa rin sa mga pagkain. Nagsimula na syang kumain at uminom. Yumuko ang sekretarya sa kanya at isinara ang pinto. Pagkaalis ng sekretarya ay ngumisi ng nakakaloko si Myracle. Gotcha! *** PAGDATING NG SEKRETARYA sa computer department ay nagtaka ito nang makitang kalmado lahat ang mga tao. "Boss is everything alright?" Tanong nya. Xenon give her a cold stare that made her froze. "Boss?" Sabi nya. Xenon's cold stare gives her nervousness and uncertainty. "Everything's fine. But there's one trash that need to be cleaned." He said. Walang kaalam-alam sa ibig sabihin nito ay napahinga sya nang maluwag. "Ako na ang bahala boss sa gumawa nito." Sabi nya. "No. I'll handle that. Just make sure that this trash will shut her mouth up." Xenon said with a deadly smirk. Kinakabahan man ay tumango sya at nagpaalam. Pumunta sya sa restroom at ni-lock ang pinto. Sinigurado nyang naka lock ito at kinuha ang cellphone. Nagmamadaling binuksan nya ang cellphone at pinindot ang re-dial. *Rinnngggggg* *Rinnnggggg* ("What is it?") Saad ng nasa kabilang linya. Huminga sya ng malalim. "Buhay pa sya boss." ("WHAATT?! Nasaan ang inutusan mong patayin yang si Xenon?") "Nandito sya sa kompanya ni Xenon. Mukhang hindi umobra ang lason na binigay ko." ("YOU ARE F*CKING USELESS! Kill him right now or I'll f*cking kill you instead!") Galit na sigaw nito. "Yes bo---" napatigil sya sa pagsasalita nang biglang may humablot sa cellphone nya. ("Hello? Are you still there?") Napipi sya at hindi makapagsalita dahil sa taong kaharap nya na nakakalokong nakangisi sa kanya. ("Hello? Don't waste my fvcking time! Kill him right now!") Sinenyasan nito ang kasama nya sa loob na kunin ang cellphone na kinuha rin naman nito. Inosenteng tumingin ito sakanya at nagsalita. "I shall kill him right now, boss." Ani nito sa gayang-gayang boses. Napabaling ang tingin nya sa taong nakatayo sa harapan nya. "Now.. now.. should I kill you for betraying me? Or I'll kill your parents first?" He said with a deadly look. "B-boss." Nauutal na sabi nya. "Hmm? What's your desicion? Yourself or your parents?" "I-i don't h-have a parents." Pagsisinungaling nya. His menacing murderous look held hers. "Are you sure? You know I hate liars right?" His cold voice sent shivers to her spine. "Myracle can you call her parents? Tell them that she's dead already." Malambing na sabi nito sa dalaga na ikinagulat ni Francine--- ang sekretarya. "Yes sir!" Salute ni Myracle sabay labas sa restroom na ikinatawa ng mahina ni Xenon. Well, it's not bad to show my good side to an enemy who will die later, right? "Are you showing your weakness to me Blace Xenon Knight?" Matapang na sabi ni Francine. Xenon just shrugged. "Well, you'll die later so it's okay. Besides, who said she's my weakness?" Fracine's brows furrowed. "Your actions shows it all." He, then, smiled. A cold one. "She will be my weakness only if I allowed her to be..." Xenon pulled his pocket knife inside his suit and unlock it. "Now.. enough talking and.. shall I kill you now?" His tone makes her body shuddered and tremble in fear. "N-no p-plea---" "Ako nang bahala sa kanya pweasee?" Sabi nang kararating palang na si Myracle. Tiningnan ito ni Xenon. Nag puppy-eyes si Myracle na ikinabuntong hininga nya ng marahas. "Fine.." hinawakan ni Xenon si Francine sa damit nito at sinipa papunta kay Myracle. "What are you planning to do with her anyway?" He boredly said. Myracle smiled innocently at him. "Maglalaro kami nila Snakewhale." Masayang sabi nito. Napailing sya sa sinabi nito. Bakit pa nga ba sya nagtataka? Womens are weird. Especially her.. Naalala nya tuloy ang nangyari kanina. ***FLASHBACK**** "Tell me honestly lady, what are you doing here in my house and what's your purpose?" He said with a cold voice while drinking coffee. "Sabi ko naman sayo! Nandito ako dahil sabi ni Daddy bantayan daw kita. Tapos alagaan daw kitang mabuti." Sabi ni Myracle habang kumukuha ng ulam sa harap nito. "Then, why did you poison me if you are here to take care of me?" Taas kilay na sabi nya. It doesn't make sense. "Because someone told me to poison you. Binigyan nya pa nga ako ng candies at chocolates eh!" Sabi nito. Napaisip sya sa sinabi nito. "Who told you?" Tanong nya kahit may kutob na sya kung sino ito. Pinunasan ni Myracle ang kamay nya bago magsalita. "Si Francine Watson." Hindi na sya nagulat sa sinabi nito dahil matagal na nyang alam kung ano totoong pagkatao ng taong yun. Ang totoong pagkatao ng sekretarya nya. Pero.. "How did you know her name?" He suspiciously ask. Is she an enemy? Tsk. Obviously yes. She already poison me. He mentally rolled his eyes. "Connection." Maikling sabi ni Myracle habang sumusubo ng pagkain. Connection? Then, she must be one of the powerful and influential young business woman. "Listen lady.." seryosong sabi nya. "Don't leave this house until I told you so. Understand?" Sabi nya. He mentally smirk. Because he know that 'THAT' person will use this girl in front of him and will make her leave in this house. I know what are you up to. Just wait. He smirk. PAGKAALIS NG SEKRETARYA nya ay tumingin sya computer nya at nagtipa. "Ace!" Napatigil sya sa pagtitipa sa computer dahil sa narinig nya. Cupcake?. He thought. Napalingon sya sa likuran at nakita si Myracle na kumakaway sa kanya. He gritted his teeth for thinking too much. "What did you call me?" Tanong nya. Nagtatakang tiningnan nya si Xenon. "Ace. Ang haba ng pangalan mo eh." Naka pout na sabi nito. Is it okay to assume that she's my cupcake? Just for this day? "Tch. Whatever." He said but inside his heart, he felt the longing and quietly yearning for the love that he longed for. He want to see and hug his cupcake. "Alam mo ba? Sigurado akong tinatawagan na ni Francine ang boss nya ngayon. Ang sumbungera naman nang babaeng yun." Naiinis na saad na Myracle. He chuckle. "Want to punish her?" The word 'punish' didn't register on Myracle's mind. Nanlalaki ang mga mata nya sa narinig nya na ikinatawa nya ng mahina. God! It feels so nice to laugh. "You laugh?? Oh em gee!! Ipagbunyi!!" He can't help but laugh to her attitude. But then, he cleared his throat. "So? Back to we're talking. Want to punish that 'sumbungera'?" Napasayaw si Myracle dahil sa pagtatagalog nito. "Yes! Yes! Gusto ko syang paluin sa pwet dahil sa pagiging sumbungera nya." "That's not the appropriate punishment for her Myracle." He said while smiling. Sumimangot si Myracle at nag-isip. "Then, ahmm, I will hiwalay the ulo nya sa kanyang body." Pagco-conyo nito. Napangiwi sya narinig. Hindi nya masyado maintindihan ang salita nito pero isa lang ang pagkakaintindi nya. She want to chopped her head off. But he's sure that before that, she will t*****e it to the extent. ***END OF FLASHBACK****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD