bc

The Devil's Trap

book_age18+
2.8K
FOLLOW
25.6K
READ
HE
opposites attract
playboy
badboy
drama
bxg
campus
highschool
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Naninigas ako sa aking kinauupuan ngayon, sinabay ako ni Kuya Godfrey papunta sa school na pinapasukan ko. First time niya akong sinabay nauna kasing pumasok si Kuya Francis. Hindi man lang niya ako sinabay.

“You can relax, I won't eat you alive, Katrina. You're not my type.”

Napayuko ako dahil sa kanyang sinabi. “Hindi rin naman kita type, Kuya Godfrey,” nakangiti kong sabi sa kanya at ini-emphasize ko pa sa kanya ang salitang Kuya.

“Good! Dahil never akong magkakagusto sa kapatid ni ate Kathleen. I prefer a hot and sexy girl.” Nakita ko ang pagtaas ng kanyang labi.

Napailing na lamang ako sa kanya at lumingon sa bintana. Never din naman akong magkakagusto sa kanya. Ayoko sa lahat ng playboy. And, hindi naman ako katulad ng on and off niyang girlfriend na si Kiara.

Ako si Katrina Sarmiento, simula nang magpakasal si ate Kathleen kina Kuya Leif and Kuya Lennox, kinuha na kami ni tita Luna para tumira sa kanila. At, iyon ang nagbago sa kapalaran ko, ang tumira kasama si Kuya Godfrey.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
KINULONG ko ang aking sarili sa k'warto ko rito sa mansion ng mga Smith. Simula nang kunin ako ni tita Luna para sa kanila tumira ay heto na ang naging room ko. Puple ang kulay ng room ko dahil ito ang paborito kong kulay, fan kasi ako ng isang Kpop group kaya simula noon heto na ang favorite. Lumalabas naman ako sa k'warto kapag nandito si ate Lennore, iyon nga lang ay nasa ibang bansa siya ngayon dahil may photoshoot daw siyang gagawin. Ang galing, ano? Sa ibang bansa pa talaga ang photoshoot niya. Siguro sa isang sikat na magazine siya cover, ano? Ano kayang month iyon para makabili man lang. Supporter na rin ako ni ate Lennore kaya minsan sinasama niya ako kapag dito lang iyong photoshoot nila, o, commercial shoot na gagawin nila. Napaubob ako sa study table ko, gusto kong bumaba at kumuha ng meryenda. Nagugutom na ako kaka-aral ko. Walang araw na hindi ako nag-aaral dahil na rin gusto kong maging masaya sina Mama at Papa na nasa langit, maging sina ate Kathleen, Kuya Francis and sila tita Luna, na siyang nagpapa-aral sa amin ni Kuya Francis. Last year ko na rin sa Senior high school, magta-take kasi ako ng examination sa Lazaro University kahit doon naman na ako nag-senior high ay need namin mag-take pa rin. Napatayo na ako ng maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. Nagugutom na ako. Nagpasya na ako na lalabas sa room ko para kumuha ng pagkain. Pinatungan ko muna ang librong binabasa ko ng aking pencil case at lumabas na sa aking k'warto. Hindi ko na kasing hindi pansinin ang nag-aalburuto kong tiyan. Paglabas ko pa lamang sa aking k'warto ay ramdam muna ang katahimikan sa hallway. Ako lang ba ang tao ngayon dito? Sina tito Godipher at tito Luxus ay pumapasok iyon sa company nila, every sunday ko lamang sila nakikita na nakatambay sa living room. Si tita Luna naman minsan nasa garden siya at nagdidilig, mabait si tita Luna sa amin nila ate Kathleen. Pagkababa ko sa living room ay nakita kong walang tao at tahimik din dito. “Wala ngang tao. Paniguradong si Kuya Godfrey ay mamayang gabi pa uuwi iyon.” sabi ko sa aking sarili at lumakad na papunta sa kitchen. Pagkarating ko sa kitchen ay nakita ko ang kasambahay na si ate Lala. “Hello po, ate Lala! Ano pong ginagawa niyo?” pagtatanong ko sa kanya. Nakita ko kasing nagkukudkod siya ng labanos. Hindi ko alam kung anong pang pagkain ang may labanos pwera sa sinigang. Malalaking slice ang dapat sa sinigang, ʼdi ba? “Hello, Katrina! Heto pa lang ginagawa ko ay Spicy r****h Salad, request ni Ma'am Luna.” sabi niya sa akin habang nagkukudkod pa rin siya. Lumapit ako kay ate Lala. “Ano po iyong spicy r****h salad po, ate Lala?” Takang tanong ko sa kanya at tinitignan ko kung paano ang ginagawa niya. “Para siyang kimchi, Katrina. Ganoʼn ang lasa nito, imbis na cabbage ang main ingredients ay naging labanos. Masarap din ito, kapag natapos kong gawin ay naglalagay ako mamaya sa dining table kapag nag-dinner na kayo.” sabi niya sa akin habang busy sa ginagawa niya. “Oo nga pala, baʼt bumaba ka ngayon? Akala ko ba magkukulong ka sa k'warto para mag-aral sa entrance exam sa Lazaro University?” Nakatingin na siya sa akin nang tanungin niya iyon. Napakamot ako sa aking buhok. “Nagugutom po kasi ako. Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral po. Kaya bumaba na po ako.” sabi ko sa kanya. “Ikaw naman, Katrina, sana tumawag ka na lamang sa headquarters para hindi ka na bumaba. Dadalhan ka na lang namin ng pagkain mo roon.” sabi niya pero umiling ako sa kanya. “Ah, hindi na po, ate Lala! Nakakahiya naman po sa inyo, at saka, baka po busy rin sila sa headquarters. Saka, kaya ko na pong kumuha ng meryenda ko, ate Lala.” Tanggi ko sa kanyang sinabi. Nakakahiya naman talaga kasi. “Naku, nahiya ka pa, Katrina. Alam mo namang pinagsisilbihan namin ang angkan nila Ma'am Luna at kasama ka na roon. Kaya huwag kang mahiya na mag-utos. Iyong mga ex-girlfriend nga ni Young Master Godfrey ay hindi nahihiya na utos-utusan kami, wala naman silang parte sa pamilyang ito. Kaya ikaw, huwag kang mahiya, okay?” Mahabang sabi sa akin ni ate Lala, kaya napatango ako sa kanya. “Opo, ate Lala! Sige na po, kuha na po ako ng makakain ko po.” sabi ko sa kanya at hinayaan ko na siya sa kanyang ginagawa. Lumapit ako sa cardboard at kumuha roon ng tinapay, iyong tasty bread. Apat na piraso ang kinuha ko at nilagay iyon sa plato, sinauli ko rin ang tinapay sa pinaglagyan iyon. Sunod kong pinuntahan ay ang refrigerator na nandito sa kitchen, double door lang naman iyon at take note, nakakatok iyon at pwede pang mag-YouVid gamit ang refrigerator na iyon. Astig talaga ang refrigerator na ito. Kaya heto ang isa sa gusto kong mayro'n sa bahay nila tita Luna. Kinuha ko sa refrigerator ang chocolate filling, favorite ko kasi iyon. Pinalaman ko na iyon sa tinapay na kinuha ko, nang mapalaman ko iyon ay kumuha rin ako ng juice para may panulak ako at saka ko na binalik ang aking ginamit. “Katrina, ako na bahala d'yan sa ginamit mo. Umakyat ka na sa room mo para makapag-aral na ulit.” sabi sa akin ni ate Lala. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Salamat po, ate Lala, akyat na po ulit ako!” sabi ko sa kanya. “Oo, Katrina, mag-aral nang mabuti para sa pangarap mo. Tatawagin na lamang kita mamaya kapag kakain na ng hapunan.” Ngiting sabi sa akin ni ate Lala. “Thank you po, ate Lala!” Masayang sabi ko at bitbit ko na ang aking meryenda nang mapahinto ako sa paglabas. “Kotse po ba iyong huminto, ate Lala?” tanong ko sa kanya. Nagtatakang tumingin siya sa akin. “Katrina, ang lakas talaga ng pandinig mo. Narinig mo pa iyon? Nandito ka na sa kusina, ha?!” Gulat niyang sabi sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya. Ever since, malakas na talaga ang pandinig ko. Hindi ko nga alam kung bakit, e. Pero, simula bata pa ako ay malakas na talaga ang pandinig ko. Iyon kasi ang sabi ni Mama. “Naku, baka sila Ma'am Luna lamang iyan. Baka dumating na sila.” Iyon lamang ang sinabi niya sa akin, habang hinahalo ang labanos na ginagawa niya. “Baka nga po,” sabi ko na lamang at lumabas na rin sa kusina. Napadaan ako sa dining area ng mansion at lumabas na rin ako galing doon. Living room na ang madadaanan ko nang mapahinto ako dahil may nakita akong dalawang babae. Napatingin ako sa kanila habang bitbit ang tray kung nasaʼn ang pagkain ko. “Oh, Miss, katulong ka ba rito? Can I get that juice and sandwich? We're hungry na, e.” Maarteng sabi niya sa akin at kukunin na sana niya ang pagkain ko pero nilayo ko iyon sa kanya. “Um, sorry?! Pagkain ko ito.” Tukoy ko sa tray na hawak ko ngayon. “Kung gusto niyong kumain ay pwede kayong gumawa ng sarili niyo sa kusina. Nagpapahinga ang mga kasambahay ngayon dito dahil katatapos lamang nila mag-general cleaning.” Dugtong na sabi ko sa kanilang dalawa. “Hey, watch your words, okay?! Nanghihingi lang naman kami ng pagkain sayo. Eh, so what, kung nag-re-rest sila? Trabaho nila na pagsilbihan kami, ano?!” sabi niya sa akin at nakataas ang kanyang kanang kilay sa akin. “Hindi mo ba alam kung sino ako? I'm Kiara Anderson, girlfriend ni Godfrey na siyang tagapagmana ng company nila. Gets mo na ba?!” Ganoʼn pa rin ang tono ng kanyang boses sa akin. “Ano naman ang pake kung ikaw si Kia—” Naputol ang aking sasabihin nang umepal na si Kuya Godfrey. Napangiwi ako nang dahil doon. “Hey! Hey! Hey! What's happening here?” Malakas na sabi ni Kuya Godfrey na kapapasok lamang kasama si Kuya Luca — ang best friend niyang katulad niya, playboy. “Hey, babe, iyong katulong niyo she raised her voice at me. Nanghihingi lamang ako ng pagkain sa kanya pero pinagdadamutan niya ako. Well, isn't she also one of your maids, right? So, technically, kailangan niyang sundin ang utos ko na kuhan niya ako ng pagkain.” Maarteng sabi niya sa akin at tinuro-turo pa niya ako. Hala, maarte na nga at mukhang magaling pa siya umarte. Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa kung paano sila maglandian sa harap namin. “Babe, I want that sandwich, oh?! That sandwich she brought is delicious. I'm really hungry.” Ganoʼn pa rin ang kanyang boses, habang nakaturo roon sa tray na bitbit ko pa rin. Nakatingin sa akin si Kuya Godfrey, o, sa madaling salita ay nakatingin siya sa hawak kong tray. Humakbang ako pa-atras sa kanya at lalayo na sana pero nahuli na ako ni Kuya Godfrey. Naka-akbay na siya sa akin ngayon. “Hindi mo ʼto makukuha. Akin ito. Pagkain ko ʼto!” Madiin na sabi ko sa kanya at nilayo lalo sa kanya ang tray. “Isa lang,” Ngiting sabi niya sa akin. Inangilan ko siya. “Ha? Asa, magpalaman niyang girlfriend mo, Kuya Godfrey?! Bleh!” sabi ko sa kanya at tumakbo na patakas sa kanila. Buti na lamang ay hindi niya ako nahawakan pa, tumakbo talaga ako hanggang makarating sa second floor kung nasaʼn ang aking k'warto. Anong akala niya madadaan niya ako sa ngiti niya? Hindi ako katulad ng ibang babae na naaakit sa kanyang ngiti. Iyong ngiti nga niya ay mala-aso. Eeww. Pagkapasok ko sa loob ng k'warto ko ay ni-lock ko iyon, dahil alam kong susundan niya ako. Kaya bago pa mahuli ang lahat ay inunahan ko na siya. Bumalik na ako sa pag-aaral ko. Kailangan kong makapasa sa Lazaro University at mapunta sa kursong gustong-gusto ko ang College of Education. Naka-focus na ang aking isip sa aking nire-review, naubos ko na rin ang tinapay at juice na kinuha ko kanina. Hanggang marinig kong nag-ring ang telephone sa k'warto. Inusog ko ang gaming chair na gamit ko at lumapit sa telephone. Sinagot ko iyon. “Good day po, sino po ito?” tanong ko agad habang binabasa ang ginawa kong reviewer. “Si ate Lala mo ito, Katrina. Bumaba ka na d'yan at para makakain ka na. Nandito na rin sina Mama Luna, sir Godipher, sir Luxus at Young Master Godfrey. Wala na rin dito ang mga kaibigan niya. Kaya bumaba ka na d'yan sa room, tumigil ka muna mag-review. Kailangan din magkaroon ng laman ang tiyan mo.” Mahabang alintana ni ate Lala sa akin. Napatango-tango na lamang ako sa kanyang sinabi. "Opo, ate Lala, bababa na po ako!” sagot ko sa kanya at binaba na ang tawag. Pagkababa ko ay napatingin ako sa wall clock, doon ko lamang napansin na pasadong alas-siyete na ng gabi. Hindi ko namalayan dahil naka-focus talaga ang isipan ko. Tumayo na ako at inayos ang aking gaming chair, maging ang table ko. May pasok pa ako bukas. At, ilang buwan ang makakalipas magiging ganap na akong kolehiyala. Kaya lalo kong pagbubutihan ang pag-aaral ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook