Tatlong plato ang prinepara ng mga katulong pero dalawa lang kami ng father-in-law ko na nasa dining room ngayon para magbreakfast.
Hindi ata sila nasabihan na 6AM palang ay umalis na ang asawa ko. Actually, hindi din naman ito nagsabi sa akin, pero gumising ako ng maaga kanina para sana sabihan ito patungkol sa dinner ng pamilya ko bukas, I was expecting na siguro naman kahit may di kami pagkakaunawaan ay pupunta ito kapag sinabihan ko that my family is expecting him there. Pero nang puntahan ko ito ay naabutan ko si Jonathan kakalabas lang ng study niya at suot na ang working suit niya.
Naisip ko nga na lilingon man lang ito sa direksyon ng kwarto namin, maisip man lang niya ako kahit sa pag-alis niya, pero hindi iyon nangyari. Dirediretso lang itong bumaba at umalis.
"Where's Jonathan?" Syempre hindi ito nakalampas sa father-in-law ko.
"Maaga po siyang umalis today for work, daddy Raphael." Ngumiti pa ako para hindi nito mahalata ang bigat sa boses ko.
"Work starts at 8, what the hell is he doing that he's busier than the Chairman?" Tanong ng Chairman ng Montenegro Security Holdings.
"You know how hardworking Jonathan is, daddy Raphael. He just wanted to do his best to help you po." Walang katapusang pagtatanggol ko sa asawa ko.
"He is hardworking, yeah. I'm lucky to have a son like him right?" Buti nalang talaga hindi na ito nagkaroon ng follow-up questions, at buti nalang talaga wala ngayon dito si mama Amanda, dahil paniguradong hindi lulusot sa kanya itong mga pagdadahilan ko.
Pagkatapos kumain ng breakfast ay nagready na ako para pumasok sa trabaho. Marami akong gagawin ngayon kaya hindi pwedeng ma-late.Pero nang lumabas na ako ay hindi ko makita ang sasakyang ginagamit ko. It's a spare car ng mga Montenegro, yung kotse ko kasi nasa auto repair shop dahil nakalimutan kong magpachange oil last month kaya nasira ang makina.
"Manong, nasaan po yung sasakyan na ginagamit ko?" Tanong ko sa isa pang driver ng mga Montenegro na winawashing ang kotse ni Jonathan.
"Ma'am, ginamit po ni sir Jonathan kanina papunta sa opisina. Pinalinisan nya kasi itong kotse nya." Sagot ng driver.
"What?" Ano nanaman to Jonathan? You know I'm using that car. Nananadya ka ba? "Manong, matagal pa po ba yan? Baka pwedeng ito nalang ang gamitin ko papunta sa trabaho ko, please? Malelate na kasi ako." Pakiusap ko rito.
"Naku ma'am, kakalagay ko lang po nitong snow foam. Matagal pa po ito." Sagot ulit ng driver.
"What's happening here?" Napalingon ako nang biglang may nagtanong.
"D-Daddy Raphael," Natigilan ako dahil na din sa hiya. Ang lakas kasi ng boses ko kapag natataranta. Kung bakit naman kasi ngayon pa ginawa ni Jonathan to kung kelan marami akong gagawin sa opisina? "ano po kasi, ummm, ginamit po ni Jonathan yung sasakyang ginagamit ko. My car is still at the repair shop, and I'm running late." Paliwanag ko.
"Then I'll give you a ride." Sagot nito, at lumapit na sa nakaparada niyang Mercedes-Maybach GLS 600 na personal niyang minamaneho.
"H-Huwag na po, daddy Raphael. I know you're in a hurry too. Magtataxi nalang po ako." Pagtanggi ko kasi nakakahiya kapag nalate ang Father-in-law ko.
"Hope in." Parang wala itong narinig at binuksan na ang pinto ng passenger seat.
"Umm, pasensya na po sa istorbo." Kung tatanggi pa ako ay lalo lang kaming matatagalang pareho, kaya pumayag nalang ako at sumakay na.
Medyo awkward dahil sobrang tahimik, but then ayoko rin namang istorbohin ang Father-in-law ko because he's driving. Kaya ibinaling ko nalang ang sa aesthetics ng sasakyan ang atensyon ko. His Mercedes-Maybach has a white and brown interior. Sobrang ganda ng sasakyan na to, at ang sabi ng asawa ko ay tumataginting na ₱25M ang presyo nito.
"Do you like it?"
"P-Po?" Nauutal kong sagot nang bigla itong nagsalita. "Yes po, daddy Raphael. Ang ganda pala talaga ng sasakyan na to. Laging kinukwento sa akin ni Jonathan, ayaw nyo daw pong ipahiram sa kanya." Pagkwento ko.
"My son is too careless and messy." Tipid nitong sagot.
Sa naiilang na pagtawa ko nalang idinaan ang sagot ko. Sabagay, kung ako rin may ganitong sasakyan ay iingatan ko talaga at hindi ipapahiram sa kahit na sino.
"Why don't you buy a new car? Hindi ba't two weeks ng nasa auto repair shop ang sasakyan mo?" He suggested.
"Maganda pa naman po yun, at medyo mahirap i-let go dahil iyon ang una kong sasakyan gamit ang sarili kong pera." My car is a white Mazda CX-5 na nabili ko two years ago mula sa income ko sa tinayo kong bag business.
"I know that feeling. I still had my first car, the one I bought with my own money when I was 20." Kwento nito.
Sa umpisa lang medyo awkward, pero the rest of the ride became comfortable dahil nagkukwentuhan na kami ni daddy Raphael.
"Salamat po sa paghatid, daddy Raphael." Nasa tapat na kami ngayon ng Chyc Mode.
"It's been a while since I came here." Sinusuri nito ang labas ng Chyc Mode.
"Do you want to drop by for a bit, daddy Raphael?" Tanong ko.
"Would it be alright?" Ngumiti ito.
Akala ko ay tatanggi ito because he too has work, but he accepted, kaya pumasok na kami sa loob. Kita kong medyo nataranta ang mga empleyado ko nang makita nila kung sino ang kasama ko. Kilala kasi nila ang Father-in-law ko, because last year, when we released the bags intended for the male customers, si daddy Raphael ang dahilan kung bakit we were able to snatch big time celebrities and models as our endorsers. Marami kasing customer na artista ang Montenegro Security Holdings, at endorsers din nila ang iba rito, kaya naman natulungan ako ng Father-in-law ko.
"Oh my god girl, bakit nandito si Mr. Montenegro?" Natatarantang bulong sa akin ni Charlene nang salubungin ako.
"Hinatid nya ako kasi ginamit ni Jonathan ang sasakyang hiniram ko." Mabilis kong paliwanag habang sabay naming tinitingnan ang Father-in-law ko na nililibot ang paligid.
"Everything looks new." Saad ni daddy Raphael.
"We did some renovations and rearranged everything a few months ago, Mr. Montenegro." Sagot ko, medyo awkward na pormal ko itong tinawag, pero kasi nasa tabi ko si Charlene, at nagsisihabaan ang leeg ng iba ko pang empleyado na curious kung bakit nandito ito ngayon, kaya dapat formal formal muna.
He just smiled, and went to the display room.
Umalis na sa tabi ko si Charlene, kaya naman sumunod ako sa Father-in-law ko sa may display room.
"Daddy Raphael, pumili po kayo ng kahit na anong bag na gusto nyo. I want to give you one for giving me a ride." Agad kong sabi nang makapasok na sa display room. I even grabbed one of our best selling clutch bags for men para irekomenda rito.
"That sounds better." Hindi ko napansin na nakalapit na ito sa kinatatayuan ko, and he's now standing behind me. Hindi ko magawang humarap dito, because if I move, siguradong mababangga ko ito dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Po?" Nagtatakang tanong ko.
"Mr. Montenegro sounded weird." He whispered, and I felt his breath tickling my ear.
"It's because my team is," Ipapaliwanag ko sana rito na dahil nariyan ang mga empleyado, pero dahil natataranta ako ay hindi ako makatayo ng maayos at parang mawawalan ng balanse kaya napasandal ako rito.
"Careful." My body hardened when his hand landed on my stomach, helping me to steady up. I felt heat spread all over the area where his hand is.
"D-Daddy Ra—"
"Mr. Montenegro, I made you a cup of coffee po." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ng best friend ko.