7

1106 Words
"Thanks, Ms—?" "Charlene po. Charlene Morales." Sagot nang kaibigan ko kay daddy Raphael. "Thanks, Ms. Charlene." Ulit ng Father-in-law ko, sabay abot sa coffee na ibinigay ni Charlene. "Para saan yan, besywh— I mean, ma'am Yvonne?" Nakatingin sa hawak kong clutch bag na tanong ng best friend ko. "Oh, ummm—" Hindi pa din ako nakarecover sa gulat sa biglang pagdating nito. Buti nalang at nakalayo na si daddy Raphael bago pa man ito tuluyang nakapasok sa display room, at baka mamisunderstood ni Charlene ang maabutan niya. "bibigyan ko sana si Mr. Montenegro ng isa sa mga products natin." Paliwanag ko rito. "Would this be okay, Mr. Montenegro?" Baling ko ulit sa Father-in-law ko, who is now enjoying his coffee as if nothing happened. "That looks good." Sagot naman nito. "Then let me wrap it for you." Ako na ang nagprisentang magbalot sa item na ibibigay ko rito, para makalabas na kami sa display room. Baka mamaya ay maipit nanaman ako sa isang awkward situation with my father-in-law. He might be just teasing me dahil sa bigla kong pagtawag rito in a formal way, but other people might not find that humor funny, kaya mabuti ng umiwas. Lahat ng lima kong empleyado ay nasa may counter, at pinapanood akong ibalot ang clutch bag. I mean, lahat silang lima nasa counter para panoorin ang Father-in-law ko. "Sana magustuhan nyo po ito." I handed daddy Raphael the paper bag. "Thanks, Ms. Yvonne." Nakangiti nitong sagot, accepting the paper bag, but his tone is definitely teasing me. Parang gumaganti ito sa pagtawag ko sa kanya na Mr. Montenegro kanina. Nakahinga kaming lahat ng maluwag nang makaalis na ito. "Ang gwapo talaga ni Mr. Montenegro no?" I heard my other employees giggling with each other at pinupuri ang Father-in-law ko. "Ang aga nabless ng mga mata natin." Tili na hirit ng isa pa. Ganyan din sila last year nang makilala nila ang Father-in-law ko. Akala nga nila isa sa mga artista na magmomodel sa mga bags namin. Gulat na gulat pa ang mga ito nang malaman ang edad ni daddy Raphael. Akala nila single ito na pwede nilang kilalanin, kaya ganun nalang ang gulat nila ng sabihin ko na Father-in-law ko ito. Inabot pa ng ilang minuto bago sila natapos sa paghanga sa father-in-law ko, and we all started working after. Mukhang swerte ang pagpunta ni daddy Raphael, because the display room was so busy today. Nagcashier pa nga ako kanina sa sobrang dami ng tao na bumili ng bags. "Beshywap, here's the last document from my work load." By 4 PM medyo relaxed na, at nafinalized na namin lahat ng mga work na hawak ni Charlene, at naidistribute na sa iba. There's nothing much to do since hinihintay nalang namin ang release ng bago naming products. Busy lang naman talaga kami kapag nagbebrainstorm ng bagong design, endorsements, and marketing strategy. O kapag tulad kanina na bigla madaming walk in customers. "Thank you, Charlene. Enjoy your vacation." Tinanggap ko ang folder na ibinigay niya, chineck sandali, saka itinago sa drawer. "Kaloka to, hindi pa naman ako aalis. Mamaya pang 6PM ang out natin." Natatawa nitong sabi. "Excited lang ako for you. Kasi ba naman, ang workaholic mo girl." Sagot ko. "Wow, nagsalita ang hindi! Eh sa tagal ko nang nagtatrabaho sayo, yung naging pahinga mo lang ata ay yung dalawang linggo na nagfocus ka sa pagcheck sa preparations ng kasal mo. Take note, hindi pa yun bakasyon ha, kasi busy mode ka pa din that time. After that balik ka nanaman sa pagsubsob sa trabaho, like beshywap, hindi ka naman kapos sa pera. Kung tutuosin you can live comfortably dahil nag-iisang anak ka at tagapagmana ng mga magulang mo, and your husband's family is rich as f*ck." Sermon nito. Parating sinasabi sa akin ni Charlene that I should take it easy dahil hindi naman daw ako magugutuman kahit hindi ako magtrabaho ng limang taon o higit pa. "Tagapagmana nga, puro naman sermon ng ganito, ganyan. I'd rather work endlessly para hindi ako mastress lalo sa pamilya ko." Alam naman ni Charlene ang tungkol sa dissatisfaction ng pamilya ko na wala silang anak na lalaki, kaya ako ang pinipressure ng mga ito na magkaroon ng anak na lalaki. "Sabi nga nila, ipasok sa kabilang tenga, labas sa kabila. As if naman may magagawa pa sila eh ayan ka na. And beside, kapag nagkababy na kayo ni Jonathan, I'm sure mag-iiba na yang mom and dad mo. Lalo na yang lola mo. Ganyan naman ang mga magulang pagnagkaka-apo nagiging sobrang bait. Akala nila hindi ka nila binigyan ng pasakit at trauma sa sobrang kabaitan nila pagnakuha na ang gusto." Pagpapagaan nito sa loob ko. "Sana nga." Iyon nalang ang nasabi ko dahil paano pa mangyayari na magkakaanak kami ni Jonathan kung ganito sitwasyon ng pagsasama namin ngayon? Siguradong dadagdag nanaman sa listahan ng isusumbat sa akin ng pamilya ko to. "It will happen, beshywap. I'll pray that you'll have what your heart desires. Magkakababy din kayo ni Jonathan." Niyakap niya ako. "Thank you, Charlene. Ang swerte ko talaga na ikaw ang best friend ko." Niyakap ko din siya. "Oi, ang drama nating dalawa. Magbabakasyon lang naman ako." Tumawa ito to make the room lighter. Oo nga, parang ang seryoso namin bigla. Baka maiyak pa ako. Iniwan na ako ni Charlene pagkatapos ng pag-uusap namin at ichecheck pa daw niya if may mga nakaligtaan siya, after all mahaba haba ang vacation na hiningi niya. She wanted everything to go easy for everyone. Pagkalabas nito ay agad kong chineck ang cellphone ko para tingnan kung may reply ba si Jonathan. Kanina kasing lunch break ay nagmessage ako rito patungkol sa dinner with my family tomorrow, pero ano pa bang ineexpect ko? Syempre hindi ito magrereply because he's mad at me for not bending to his wishes. "Bahala ka! If this is how you want to play this, eh di wag tayong magpansinang dalawa." Inis kong inilapag ang cellphone ko sa office table ko. I spent the rest of the afternoon sa opisina ko, thinking of ways para hindi ako makaattend sa dinner. But I know no matter what I say, hindi nila tatanggapin yun at pipilitin pa din akong pumunta. When it was time to clock out, nagpaiwan muna ako sa Chyc Mode. 6:30 PM na ng lumabas ko, after everyone already went home para hindi nila makita kung gaano kamiserable ang mukha ko. Habang palabas ay nagbobook na ako ng sasakyan pauwi, but then I noticed a familiar car parked outside my building. I was so happy to see his car kaya dali-dali akong lumapit at pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD