"Hon,"
"I can't believe you!" Agad nitong sermon ng makapasok ako kaya hindi ko natuloy yung sinasabi ko.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko.
Ang saya ko pa man din na sinundo ako ni Jonathan, knowing his work ends at 7 PM, but he's here as early as 6:30. But all that excitement vanished when he welcomed me with that tone.
"You snitched on me to dad, didn't you?" Bintang nito.
"What? Hindi! Wala akong sinasabi kay daddy Raphael." Sagot ko.
"Yeah? And how did he know that I took this car? And that I left early for work?" Hindi pa din nagbabago ang tono niya and he's visibly mad.
"Nagtanong siya kanina during breakfast kung bakit hindi ka namin kasabay, kaya sinabi ko na umalis ka ng maaga because of work, and that you're working hard for the company. Wala naman akong sinabi kay daddy Raphael na masama tungkol sayo. And about the car, naabutan niya akong malelate na dahil wala akong magamit, so he gave me a ride. Hindi ko sinabi that you're being childish dahil hindi ko pinagbigyan yang gusto mo na open marriage!" Sumbat ko, at sa sobrang inis ay lumabas ako ng sasakyan niya na nanlalabo ang mga mata dahil sa patulong mga luha.
"Yvonne!" I heard him get out of the car, and even tried to follow me. Luckily, hindi ko pa nacancel yung binook kong taxi, and it came at the perfect time kaya dumiretso ako ng sakay doon at sinabihan ang driver na umalis na.
I could see him mad and still calling me through the rear view mirror, hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo at hindi ko na ito makita sa salamin ng taxi.
Nauna lang ako sandali sa bahay, and around 5 minutes ay nakasunod na si Jonathan. I thought didiretso siya sa study niya or sa guest room para magpalamig muna, pero mukhang hindi pa ito tapos na makipagtalo kaya sumunod ito sa kwarto namin.
"What was that about?" He slammed the door behind him. "Sinusubukan ko ngang ayusin to so that dad won't get suspicious that we have a problem, tapos uuwi ka na nakataxi when I specifically asked him that I'll go home early para sunduin ka! Pano pagnalaman niya sa mga maids that you went home in a taxi?" Sunod-sunod nitong sabi ng pasigaw.
"Maybe if you weren't an *sshole earlier, hindi ako magwawalk out!" Sigaw ko rin sa kanya.
"You're unbelievable, Yvonne!" Ganun pa din ang tono nito.
"Ikaw ang unbelievable, Jonathan! Nagkakaganyan ka just because hindi kita pinagbigyan sa gusto mo! Now, if you don't have anything good to say, get out!" Pagtataboy ko rito.
We ended up fighting even more bago ito lumabas ng kwarto namin. At dinner, we pretended like nothing happened. Pero pagkatapos nun ay kanya kanya na kaming punta sa mga kwarto namin. He still went to his study, pero wala na akong pakialam pa where he would spend the night.
At dahil nga sa nangyari ay hindi na ako umaasa pa na sasama ito sa dinner ng pamilya ko.
Kinabukasan, I went to work as usual. Binalik na din ni Jonathan yung sasakyang ginagamit ko. At dahil may lakad ako today, I clocked out early. 4PM palang ay umalis na ako ng Chyc Mode, went to my favorite boutique and picked out a dress for the family dinner. Had my hair fixed and put on some make up before coming to the restaurant.
Maison de Lumière is a French restaurant, but their menu is diverse, that's why it's our family's favorite. Pagdating ko ay halos kompleto na silang lahat, and I immediately noticed the displeasure of my parents and ni grandma nang makitang ako lang mag-isa ang dumating. Binati ko ang kapatid ni grandma at pati na rin ang tito ko na galing pang Germany at nagmano sa kanila. The dinner looked like a mini reunion as always.
"Where's your husband?" Syempre hindi ako nakaligtas sa tanong na yun ng kapatid ni grandma.
"May meeting po kasi siya ngayon granny kaya hindi po ito makakarating. He felt bad na nataon pa yung meeting sa dinner, but it's a meeting with the Chairman of Montenegro Security Holdings, kaya hindi po niya pwedeng ireschedule." Pagpapalusot ko nalang.
"Ganun ba? That's a pity, minsan nalang nga tayo magkita-kita." Sagot nito na nginitian ko nalang.
Our family booked a private dining room to accommodate us all. Tingin ko ay nasa 30+ kaming lahat ngayon, including the younger cousins, mga pamangkin, at ang mga nanny nila.
I sat next to my parents, kung saan nasa same table namin ang mga bisita for this dinner. Nasa same table din ang pinsan kong si Jane, because the elders are congratulating her for her second pregnancy. That was mainly the focus of the dinner, her second pregnancy, then the topic would shift to business, kasi yung pinsan ni daddy is planning to start a retail business in Germany.
"What about you, Yvonne?" I was trying my best to be invisible, pero parang imposible talaga yung mangyari.
"Po?" Sagot ko sa kapatid ni grandma.
"When are you going to start a family?" Ang pinakainiiwasan kong tanong sa lahat.
"My husband and I are starting to talk about it po." Let's just answer it safely for now.
"That's what you said last time, cuz. Hanggang ngayon usap pa din? Kilos kilos din." Pang-aalaska ng pinsan kong si Dustin.
Minsan iniisip ko kung pwede ko bang gawin yung mga napapanood kong videos sa t****k na kapag inookray ka ng pamilya mo ay okrayin mo din sila, pero kapag ginawa ko yun ay siguradong malalagot ako kay dad. Sasabihin nito na dapat hinayaan ko nalang dahil mas matanda ako kay Dustin, so I should be the bigger person. I should keep the peace.
"Dustin ano ka ba! Starting a family is a huge responsibility. Mas mabuti na yung planado." Saway ni Jane kay Dustin. "Right, cuz?" Sabay baling nito sa akin.
"Y-Yes." Thankful talaga ako parati kay Jane because she always stood up for me. Ilang family dinner na simula ng ikasal kami ni Jonathan that she always check on me kapag tinutukso ng iba naming pinsan.
Napalingon kaming lahat nang bigla nalang may pinagkaguluhan ang iba naming mga pinsan at mga tito na bagong dating, pero kung sino man yun ay thankful ako dahil nabaling dito ang atensyon ng mga kasama ko sa table. Pero laking gulat ko ng makita kung sino ang bagong dating na yun.
It's Jonathan.
"Good evening po, pa." Bati nito sa dad ko. "Good evening, ma. Grandma." Sunod niyang binati ang mom at grandma ko. He greeted everyone at the table, and handed them two bottles of wine as a gift para sa mga bisita. Tuwang tuwa ang mga tito namin because it's an expensive wine. Lastly he greeted me and gave a kiss on my cheeks which made everyone tease us.
"I thought hindi ka makakarating, hijo? Sabi ng asawa mo you have an important meeting with your father." Tanong ni dad.
"I thought the meeting would be long. Natapos naman po agad, kaya humabol ako. Pasensya na po kung na late ako, pa." Agad namang sinakyan ni Jonathan ang pagsisinungaling na ginawa ko kanina.
Pagkatapos ng konting pag-uusap with them ay tumabi na si Jonathan sa akin.
"I thought hindi ka pupunta?" Bulong ko.
"Unlike you, I'm willing to compromise in this marriage." Sagot nito.
"Huwag mo akong umpisahan!" Inis kong saway.
"See!" Pahabol pa niya bago tumigil.
Dahil sa pagdating ng asawa ko ay nawala na ang kaninang hindi maipintang mukha ng mga magulang ko. And luckily, wala ng umungkat at nagtanong pa tungkol sa kung kelan namin planong magkaanak ni Jonathan, maybe because the mood is already good at ayaw na nilang maging awkward iyon.
Everyone is having fun. Si Jonathan kasama nila dad, mga tito, at mga pinsan kong lalaki, talking about business. Sila mom at grandma busy din sa pakikipagkwentuhan. Umiwas muna akong makipag-usap sa mga pinsan kong babae dahil baka bumalik nanaman sa akin ang topic, kasi kasama nila ngayon si Jane sa kabilang table at tungkol sa pagbubuntis nito ang topic nila.
Lumabas muna ako ng private dining room para pumunta sa comfort room. Naparami ata ako ng inom ng juice kaya naiihi na ako.
Habang nasa loob ng cubicle ay narinig kong may pumasok sa loob ng comfort room at nagtatawanan.
"Grabe ka talaga, Jane!" Narinig ko ang boses ng isa pa naming pinsang babae na si Claudia, hindi kami close na dalawa.
"Pano naman kasi, she looks so pitiful. Kita mo ba ang mukha nya every time the topic of pregnancy is brought up? Parang tutang kawawa." Nakadama ako ng matinding kaba, bigat sa dibdib, at parang may bakabara sa lalamunan ko nang marinig ko ang boses ni Jane while saying those words mockingly.
In my mind I'm praying na sana hindi ako ang pinag-uusapan nila, kasi Jane has always been on my side and protecting me from our family's snide remarks. Isa din siya sa mga paborito kong pinsan.
"Nakakatawa nga ang itsura ni Yvonne every time, and I love it. Buti nga sa kanya." Tuluyang nadurog ang puso ko ng makumpirmang ako nga ang pinag-uusapan nila.
"I don't really feel sorry for her. Mas better nga kung matagal pa bago sya mabuntis. I love the attention our family is giving me. Pero syempre para hindi halata na masaya ako sa kamalasan nya, I have to be supportive of her." Sagot ni Jane sabay tumawa ng malakas.
"Girl, what if may problema siya? Like, pano kung baog pala ang gaga?" Natatawang sabi ni Claudia.
"Wouldn't that be better? May pagtatawanan tayong dalawa habang buhay." I can't believe that Jane would say that.
"Ay bet!" Narinig ko na parang nag-apir pa silang dalawa habang tinututya ako.
Pagkatapos nun ay narinig kong lumabas na silang dalawa. Doon ko na hindi napigilang umiyak dahil sa mga narinig ko. Si Claudia understandable dahil mga bata palang kami hindi na kami magkasundo, but Jane and I have always been close growing up.
Natagalan ako sa cr dahil namumula ang mga mata ko gawa ng pag-iyak. Buti nalang pagbalik ko ay abala pa din ang lahat sa pagkukwentuhan. I just sat there like an idiot for the rest of the night, hanggang sa oras na para umuwi. I was thankful that I didn't cry ng yakapin ni Jane at binulungan that everything will be alright nang magpaalam na kaming lahat sa isa't isa. All this time, her good will for me ay pagpapanggap lang pala lahat.
Dahil sa mga nalaman ko ngayong gabi ay mas naging determinado ako na bumuo na kami ng pamilya ng asawa ko.
'Let's do this, Yvonne. Kahit mga isang taon or anim na buwan nalang. Then after that, let's close our marriage again, and how about we try having a baby. Di ba yun naman ang gusto mo? Ang magkaanak na tayo. Let's have a baby after, just agree with me with this one. Please?' Naalala ko ang sinabi ni Jonathan noong isang araw.
Napalunok ako. I don't want to do it, but I feel so betrayed and hurt right now. Gusto kong ipamukha kanila Claudia at Jane na hindi mangyayari ang gusto nila. Hindi nila ako mapagtatawanan habang buhay tulad ng iniisip nila.
"Hon," Hinawakan ko ang isang kamay ni Jonathan na nakahawak sa manubela. Nasa stop light kami kaya hindi ko naman ito naiistorbo sa pagdadrive.
"Yes?" Lumingon ito sa akin.
"Let's do it." Pagpayag ko.