3

1292 Words
"Oh bakit ganyan ang itsura mo? Parang wala kang tulog ah." Inabutan ako ni Charlene, best friend ko, ng coffee. Nasa lounge kaming dalawa ngayon. "Yeah, actually I didn't get a wink." Sagot ko sabay abot sa baso ng kape. Kahit isang minuto ay hindi man lang ako nakatulog. Pakiramdam ko ay nasasakal ako sa kwarto namin kaya naman maaga akong pumunta dito sa opisina ko. "Why? Oh my god, don't tell me may problema sa new collection na ilalabas natin?" Kabado nitong tanong. "Hindi wala. Everything is fine. Tuloy na tuloy na ang release ng new products in two weeks, beshy." Sagot ko. I own a bag business. Chyc Mode. It's a small business I put up four years ago. Unti unti na itong nagkakaroon ng pangalan ngayon, thanks to social media exposure at ilang tulong from people around me. Actually marami ng local celebrities ang bumibili at tumatangkilik ng bags ko. Hindi ko agad nakamit ang goal ko na makilala dahil tumanggi ang parents ko na tulungan ako sa promotions. Ang gusto kasi nila ay sa family business ako tumulong, pero wala talaga akong interes sa real estate. Kaya naman ng inumpisahan ko ito ay wala akong tulong at suportang natanggap. "Oh good! Kasi magpapaalam sana ako sayo kung pwede ko bang gamitin ang vacation leave ko." Nakahinga ito ng maluwag at napahawak pa sa dibdib niya pagkatapos ay tumabi ito sa akin at nagpaawa. "Promise, tapos ko na lahat ng paper works ko, at naorganize ko na din ang mga oordering mga materials para sa next batch ng mga bags. And since wala naman palang problema sa mga products na irerelease, I'm sure the manufacturer will call you para ideliver iyong new products in two weeks." Natawa nalang ako habang iniisa isa niya ang mga nagawa niya. She doesn't have to tell me that, igagrant ko naman sa kanya ang vacation leave niya. Charlene has been working for me simula ng umpisahan ko itong bag business ko. And not once did she use her vacation leave. Kulang nalang bantaan ko siyang tatanggalin sa trabaho kung hindi siya magpapahinga once in a while. "Go. Hindi naman kita pipigilan eh. Ilang buwan ba?" Tanong ko. "Grabe ka! Parang ayaw mo na akong pabalikin dito ah." Tamporurot nito, at mukhang lalo pang nagtampo nang tumawa ako. "Ilan ba kasi? Magbabakasyon ba kayo ni Sam?" Iyong long time boyfriend niya. "Yup. Mga dalawa or tatlong linggo lang naman. Hindi ko na kasi matanggihan eh. Puro nalang daw ako trabaho." Sagot nya. "I understand. Don't worry and enjoy your vacation, ako na ang bahala. I'll cover your work loads." Hindi naman ganoon kalaki ang business ko. I own a small up and down studio. Office ng mga empleyado dito sa ibaba, tapos may display room for walk-in customers, at lounge area. Sa itaas naman ay ang office ko with a small connecting room na may kama at sariling banyo. I used it kapag nagpapahinga sa tanghali, or may mga times na late ang deliveries ng supplies ay dito ako natutulog, tapos may stock room din for the supplies. Then may limang empleyado lang ako. Bali anim kaming lahat dito, so ako na muna ang aako sa responsibilities ni Charlene. "Talaga? Thank you, beshywap!" Niyakap niya ako. "So kung hindi tungkol sa new products natin, then what's wrong? Bakit hindi ka nakatulog?" Pagbabalik niya sa tanong niya kanina at bakas nanaman ang pag-aalala nito. "Wala to. Hindi lang ako dinalaw ng antok kagabi." Pagdadahilan ko. Ayokong masira ang mood niya sa vacation nila ng boyfriend niya dahil sa problema ko. Isa pa, I don't think it's something I can open up with someone, kahit sa best friend ko pa. "Okay. Basta kung magkaproblema man, tawagan mo ako kaagad ha. Punta na ako sa table ko so I can fix everything on my plate before I leave. Mga sa Wednesday siguro." Paalam nito. "Okay, ichecheck ko bukas kung ano ang mga maiiwan mong trabaho. Ikamusta mo nalang ako kay Sam." Kaway ko. "I will." Excited nitong sagot at iniwan na ako sa lounge. Buti pa ang best friend ko, staying strong pa din sila ng long time boyfriend niya. Ako ito, mukhang mauuwi sa wala ang lahat. I think my marriage is about to fall apart dahil sa nangyari kagabi. "It's not cheating exactly." Umalingawngaw nanaman sa isipan ko ang sinabi ni Jonathan kagabi. "Hindi porket nagpaalam ka, hindi na cheating yun! It's still cheating, Jonathan! You're asking for a free pass to cheat!" Hindi ko napigilan ang galit ko sa sinabi niyang gawin naming dalawa. Open our marriage? Nahihibang na ba siya? "Ikaw mismo ang nagsabi, hon. I'm the first man you've ever been with, and I dated like one or two times dahil sa sobrang busy ko growing up, studying and preparing to inherit our family businesses. At ganun ka din. Both of us didn't get the chance to enjoy our youth, experience things, go wild, and be happy." Paliwanag nito sa side niya. "Hindi pa ba ako sapat for that? I know you don't love me, Jonathan. But you promised you'll try and do better kapag kinasal na tayo. So ano to?" Naiiyak kong tanong. "That's different. I'm referring to other partners beside us. Are you not curious?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's do this, Yvonne. Kahit mga isang taon or anim na buwan nalang. Then after that, let's close our marriage again, and how about we try having a baby. Di ba yun naman ang gusto mo? Ang magkaanak na tayo. Let's have a baby after, just agree with me with this one. Please?" Pangungimbinsi niya sa akin. "No! And I don't want to talk about this ever again! Kung sino man ang kaibigan mo na nagsuggest nyan, o gumagawa ng ganyang kababuyan, iwasan mo na Jonathan!" Galit kong sigaw sa kanya at pumunta sa guestroom para doon matulog dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang tumabi sa kanya matapos kong marinig ang gusto niyang gawin namin. Noong ikasal kami ay nangako siyang ako lang ang babaeng mamahalin niya, makakasama hanggang sa pagtanda, at kung ano ano pang matatamis na salita, pero mga sumpangbitin lang pala ang lahat. Buong magdamag akong tikhimhimutok sa guestroom, ayokong may makarinig sa akin at baka isipin ng mga ito na may problema kaming mag-asawa, lalo na ng mga in-laws ko, kahit pa ba may problema talaga kami. Inabot pa tuloy ako ng halos isang oras bago lumabas sa lounge at pumunta sa opisina ko. Ayokong magtanong ang mga empleyado ko, at si Charlene kung may problema ba ako pagnakita nila ang mukha ko na kakaiyak lang. Wala akong tulog and I'm so drained with all the memories of last night, pero may sumunod agad na mas magpapabigat sa loob ko. "Ma'am Yvonne, may delivery po para sayo." Rinig kong may kumakatok sa labas ng opisina ko. "Come in." Sagot ko at nagkunwaring busy sa mga paperworks, kahit ang totoo ay nakatulala lang ako simula ng umakyat dito. "Good morning, ma'am." Si Diana, isa sa mga naunang empleyado ko rito. Lumapit siya at inabot sa akin ang paper bag na dala niya. Umalis na rin ito kaagad, kaya naman tiningnan ko na rin agad ang laman ng paper bag. Kahang binubuksan ko ay biglang tumunog ang cellphone ko at napabuntong hininga agad ako nang makita kung sino ang tumatawag. "Yes, mom?" Bati ko. "You received the package I sent you?" Tanong nito. "Yes, I'm opening it right now. Ano ba..." Natigilan ako ng makita ang laman ng kahon. "Mga supplements yan, galing pa sa China. It's good for your fertility. Nagpacheck up ka na ba ulit? What did your doctor say? Is there any good news now?" Sunod sunod na himutok ng nasa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD