Hindi kaagad ako nakasagot. Ang totoo ay halos dalawang linggo na akong hindi bumibisita sa doctor ko. Wala rin namang magandang balitang maririnig dahil alam kong hindi naman ako buntis.
Ayoko nang sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang check-ups kaya hindi na ako pumupunta pa.
"What? Is there good news?" I heard my grandmother's voice asking my mom if I'm pregnant now.
"W-Wala pa po, mom." Mahinang sagot ko.
Wala akong ganang makipagtalo sa kanila ngayon tungkol rito, but knowing my grandmother and my mother, siguradong katakot takot na sermon nanaman ang naghihintay sa akin dahil sa narinig nilang sinagot ko.
"What? My god, Yvonne. Ginagawa mo ba ang sinasabi namin? Ang payo ng doctor? Iniinom mo ba ang mga gamot mo?" Here we go again.
Gusto ko nalang na ibaba ang tawag, pero alam ko na kapag ginawa ko yun ay mas malaking problema dahil paniguradong pupuntahan nila ako rito para personal na pagalitan. Hindi man lang ba nila naiisip ang duyom na dulot ng pamimresure nila na magkaanak na kami ni Jonathan? Na wala naman sa akin ang problema, kundi sa asawa ko na ayaw pang magkaanak kami.
"Hello?! Nakikinig ka ba, Yvonne?!" My mom is clearly upset now.
"Give me that!" Rinig kong sabi ni Grandma. "Did you hear what your mom said? Iniinom mo ba ang mga supplements na binibigay namin ha? Pati na ni Dr. Santos? Do you know that your cousin Jane is pregnant with their second child? Ano magiging tampulan ka nanaman ng tukso sa next family dinner natin?" Si Grandma naman ang naninermon sa akin ngayon.
Ganito kami lagi, halos araw araw sila kung tumawag, 3x a day or more pa nga kung minsan. Walang kumusta or any other formalities, diretso na kaagad sa pakay nila.
"But granny, 3 years na po si Jane at ang asawa nya. Kami ni Jonathan..." Magpapaliwanag pa sana ako.
"Their first child was conceived two months into their marriage. Hija, this isn't just about producing an heir, this is also us wanting to have a grandchild from you. Mamamatay nalang ba ako na hindi nangyayari yun? My god, sumasakit ang ulo ko." Pero sumingit ni grandma sa pagsasalita ko.
"Hello, Yvonne." Si mom na ulit ang nasa linya. "Just drink the supplements I sent you. Bigyan mo din si Jonathan. We'll expect some good news soon, understand? And don't forget, this Wednesday, may family dinner tayo. Your grandma's sister is visiting, pati na rin ang pinsan ng daddy mo from Germany. Don't forget. We'll expect you and your husband there, okay? I'll hang up now. Your grandma is not feeling well." She ended the call. Naiwan akong nag-aalala dahil sa naririnig kong pagdaing ni grandma sa kabilang linya.
Iniligpit ko ang ipinadala nilang gamot at itinago sa storage cabinet. Hindi ko gusto ang lasa ng mga supplements, lalo na yung mga hinahalo sa inumin, at mas lalong wala akong planong bigyan ang asawa ko nito dahil baka mamisunderstood nun ang intention ng family ko.
Buong araw akong nagpakaokupado para hindi ko maalala ang pag-uusap namin ni Jonathan kagabi. Nagtataka na nga sila Charlene kung bakit pati ang storage room ay inayos ko.
We normally close around 6PM, pero nagpaiwan ako to kill more time. Parang hindi ko kayang umuwi para makita ang asawa ko. But I don't want my in-laws to think there's something wrong, kaya around 7PM ay umuwi na ako. Mga 8PM pa naman dumarating si Jonathan, or ewan kung may balak siyang umuwi. Who knows kung ano na ang ginagawa niya ngayon. He may have already cheated on me since hindi ako pumayag sa gusto niya. I swear kapag nalaman ko kung sino sa mga kaibigan niya ang naglagay ng kung ano anong walang kabuluhang bagay sa isipan ng asawa ko ay makakatikim talaga ng sermon sa akin.
Pero kung uuwi man ito ay mukhang kailangan ko ring pilitin ang sarili ko na kausapin ito dahil nga sa family dinner with my family sa susunod na araw. Jonathan always makes time when I invite him, and I appreciate him for that, kaya baka magtaka ang pamilya ko kung hindi ko ito kasama. Paniguradong magdududa ang mga ito.
"Who is that?" Humahaba ang leeg ko na sinusundan ng tingin ang naabutan kong papaalis na sasakyan sa mansion. Si Jonathan kaya yun?
"Si Madam Amanda po, ma'am." Sagot ng maid na naabutan ko sa entrada ng mansion.
"Si mama Amanda?" Saan kaya siya pupunta? It's almost time for dinner, hindi ba siya sasabay sa amin?
"Yes po, papunta po sa airport para sa flight niya papuntang Romania." Naalala ko ang sinabi nito kahapon during breakfast. Ang bilis naman, ngayon na pala agad ang alis niya.
"I see. Nagdinner na ba sila?" Tanong ko.
"Hindi pa po, tatawagin ko palang po si sir Raphael." Sagot ng maid.
"Ako na ang tatawag sa father-in-law ko, tutal babatiin ko rin naman ito." Pagpapabatid ko sa maid at pumasok na sa loob.
I always greet my in-laws every time na umuuwi ako. Kahit minsan medyo nakakapagod din dahil nasa magkabilaang parte sila ng mansion. Si daddy Raphael sa may wine cellar sa west wing, si mama Amanda naman nasa personal spa room niya sa east wing. Normal na sa mga tao dito na ganun silang mag-asawa.
"Daddy Raphael?" Kumatok ulit ako sa pinto ng wine celler, pangatlo na ito pero walang sumasagot. Sa ika-apat na pagkakataon ay pinihit ko na ang knob at sumilip sa loob.
Malaki kasi ang wine cellar, baka nasa parte siya na hindi na niya naririnig ang boses sa labas. May tatlong hakbang na hagdan bago bumungad ang entrada ng wine cellar ni daddy Raphael kung saan nakadisplay ang napakarami at mamahalin nitong wine collection.
"Daddy Raphael?" Tawag ko ulit, pero tulad kanina ay walang sumasagot. "Daddy Raphael?" Ulit ko habang hinahanap ito sa bawat bar area ng cellar, hanggang sa nakita ko ito sa bandang sulok ng kwarto kung saan may mini living room at naroon siya nakahiga sa may sofa. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay at baka magising ko ito.
He's sleeping soundly. Lumapit ako ng kaunti, at pinagmasdan ang anyo nitong mahimbing na natutulog. Ang gwapo talaga ni daddy Raphael. Napaawang ang labi ko ng bumaba ang tingin ko sa bandang dibdib niya. He has three loose buttons, kaya kitang kita ko ang dibdib nya.
My god, ano ba tong tinitingnan ko?
Kailangan ko nga pala siyang tawagin for dinner. Gigisingin ko nalang siya, mahirap na baka malipasan ito ng gutom. It's not good to only have alcohol in your stomach.
"Daddy Rapha—aayyyy!" Natisod ng paa ko ang isa sa mga paa ng center table at nawalan ako ng balanse, and the worst thing is, bumagsak ako sa dibdib ng father-in-law ko na kanina ay tinitingnan ng mga mata ko.