"YOU look stunning young lady" Pumihit ako paharap sa taong nasa likuran ko at ngumiti ng matamis sa kanya habang may hawak akong kopita na naglalaman ng mamahaling wine. "Kuya.." ngumiti lang siya sakin at nagsalin rin siya ng wine sa isa pang wineglass. "This is your night AV" tumango ako sa kanya at ngumiti. Tama siya. Dumating na ang gabing pinakahihintay ko. Ang magpakilala at magpakita kung sino ang inalipusta nila noon. Ang pinagtabuyan at hinusgahan ng mga taong mga ganid sa yaman at kapangyarihan. "Hindi ko akalain na dadating din pala ang araw na makakabangon akong muli sa pagkalugmok.." Ngumisi ako. "Mabait parin ang diyos dahil binuhay niya akong muli at makabalik kung saan nagkaroon ako ng mapait na nakaraan" Lumingon ako sa isang board kung saan naglalaman ng

