bc

IGPBH Book 2: Her Vengeance - COMPLETED

book_age16+
19.3K
FOLLOW
76.9K
READ
revenge
mafia
twisted
heavy
brilliant
female lead
realistic earth
intersex
like
intro-logo
Blurb

I Got Pregnant By Him Book Two

-

Pagkalipas ng ilang taon hinihintay na lang ang pag gising niya at sa pag gising niya muli siyang magbabalik para sa kaniyang paghihiganti.

"Babalik ako at sa pagbabalik ko pababagsakin ko kayo.."

chap-preview
Free preview
Vengeance - 1
A L Y "Tita kelan po magigising si mama?" Napatingin ako sa gwapong batang nasa tabi ko. Napangiti naman ako sa kanya at bumuntong hininga. "Magigising din si mama sky ha?" Wala akong ibang sinasabi kundi na magigising din ang kanyang ina.. dahil limang taon na magmula nung masalinan ng dugo si elly. Pero nacomatose siya dahil medyo mahina pa raw siya noon. Pagkatapos niyang masalinan ng dugo mga isang taon pa siyang comatose non nagpunta naman kami rito sa Japan dahil marami raw kakilala rito si don enrico na magagaling na doctor rito. Ang totoong lolo nila Elly nung una hindi kami makapaniwala ni elizar don pero nung... - Nandito na kami sa hospital halos isang linggo rin chinecheck ng mga doctor si Elly. Halos magwala na si elizar dahil parang wala raw ginagawa ang mga doctor kundi obserbahan lang siya. Pero isang araw lumabas ang doctor ni elly na si Doc Mateo Perez. Filipino siya dahil ayaw ni elizar na ipagamot si elly sa mga hapon. "Don Enrico" tawag ni doc mateo kay don enrico. Agad naman kaming lumapit sa kanya wala akong ibang makita kay doc mateo kundi ang pagaalala. "Ano yun Mateo?" Tanong ni don enrico sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at matiim na tumitig kay don enrico at kay sir enrique. "Wala siyang sakit sa puso.." Pagkasabi niya noon kinuwelyuhan agad siya ni elizar. "Anong sabi mo?! Inatake na nga siya! Tapos sasabihin mong wala siyang sakit sa puso?!" Galit na singhal sa kanya ni elizar. Hinawakan ko naman siya sa braso para pigilan. "Elizar pakinggan na muna natin siya please" pakikiusap ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at marahas na binitawan si doc mateo. "What do you mean Mateo?" Kunot noong tanong ni madam analiza sa kanya. Napailing siya at bumuntong hininga ulit. "Dahil wala talaga siyang sakit sa puso. Gusto ko na siyang operahan dahil nga halos itim na ang puso niya pero ang nakakapagtaka lang na wala naman siyang sintomas na may sakit siya sa puso.." naiiling na sambit ng doctor at napahinga ng malalim "Ang sabi mo mr george noon bata pa lamang si elly na naoperahan na siya hindi ba? Paano siya maooperahan kung wala naman siyang sakit sa puso?" Seryosong tanong ng doktor. Kumunot na rin ang noo ko sa kanya. Ano bang sinasabi niya?! Kitang kita naman na naninikip ang dibdib ni elly hindi ba? "Ang nakita namin sa mga resultang binigay na test namin sa kanya, may isang lason na pinainom sa kanya upang magkaroon siya ng heart attack.." Anong.. Di ako makapaniwala na tumingin kay doc mateo, miski rin sila don enrico naguluhan sa sinabi niya. "Pwede bang diretsuhin mo kami Mateo" tila nagpipigil na inis si sir enrique. May inabot si doc mateo na isang lalagyan nang gamot sa isang nurse niya at ipinakita niya samin to. "This is a Heart Poison kapag ininom ng isang tao ito na walang sakit sa puso may posibilidad na magkaroon siya ng Heart attack.." Sambit niya. Halos mapanganga ako sa gamot na yun. Parang nakita ko na yun dati.. Biglang hinablot ni elizar ang gamot at napamura ng ilang beses. "F*ck! Iniinom to ni elly! Itong gamot ang ibinigay sakin ng family doctor namin! Lason ito?" Parang nanghina naman si elizar at parang mababaliw siya. Sinabunutan niya ang buhok niya at pinagsusuntok ang pader. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak. Kaya pala.. Noong college kami may ipinakita na gamot si elly sakin dahil yun daw ang gamot niya dahil sa sakit niya sa puso.. "F*ck them! Paano nila nagawa to?!" Napatingin naman ako kay madam analiza na walang emosyon ang mukha pero nakikitaan mo ng galit. Kuyom na kuyom ang kamay at lumuluha. "And one more thing.." Nalipat ang attensyon namin kay doc mateo. Kunot na kunot ang noo habang nakatingin kay don enrico na tahimik lang sa tabi at blanko ang mukha. "Her Blood is not normal" dugtong ni doc mateo. Anong hindi normal ang dugo ni elly?! Ano bang sinasabi niya?! Naguguluhan nako sa mga pinagsasasabi niya! "Her Blood came from royal family You know what i mean don enrico" sambit ni doc mateo. Lumapit si elizar halatang naguguluhan rin sa sinabi ng doctor. "Anong sinasabi mo doc?" Naguguluhan na tanong niya kay doc mateo. Yumuko lang si doc mateo at hindi na nagsalita. At teka--ROYAL FAMILY?! Anong ibig niyang sabihin don?! "Dad! Ano to?! I thought.." Di na natuloy ang sasabihin ni sir enrique ng magsalita si don enrico. "That impossible.. Para sa mga lalaki lang ang may dugong bughaw! Namana ko pa ito sa aking ama!" Giit ni don enrico. "Pero yun ang dugo ni miss elly don enrico.." Pagtitimping sambit ni doc mateo. "Delikado ito don enrico, bibihira lamang sa isang tao ang may rare-type of blood. Maaari siyang gamitin o yung dugo niya ng mga mapag samantala." pagtuloy niya sa mga sinasabi niya. Ano bang sinasabi nila?! "Anong sinasabi niyo?! Kapatid ko si elly! At hindi kami galing sa angkan ng royal family!" Singhal ni elizar. Narinig na lang namin ang hagulgol ni maam analiza. Bakit?' yan agad ang unang tanong na pumasok sa isip ko. "Is she the heiress isn't she?" Tanong ni doc mateo kay don enrico. Na hindi pinansin ang sinabi ni elizar. "Yes" Napanganga ako literally! Hindi ako makapaniwala sa sagot ni don enrico! W-What? "H-Heiress?" Hindi makapaniwalang tanong ni elizar. Tumango naman si don enrico. "Hindi siya tunay na anak ng mga george ninakaw nila si Elly sa angkan namin dahil siguro sa dugo na nanalaytay sa buong katawan niya kasama kana rin elizar.." Mahinahong sambit ni don enrico. Anong.. "Magkambal kayo ni elly nung limang buwan pa lamang kayo inambush ang Fuller Palace. Pinatay nilang lahat ang tauhan namin at ninakaw ang mahahalagang dokumento ng angkan natin. Pati na kayo dahil alam nilang kayo ang magmamana ng lahat ng meron ang angkan ng pamilya ko.." Seryosong sambit ni don enrico at nilingon niya sila mam analiza. "Akala nila napatay nila si Analiza your mom at ang aking anak na si enrique your dad pero nagkamali sila dahil may tumulong saking mga anak para makarating sa ibang bansa upang magamot. Halos tatlong taon rin silang na comatose noon dahil sa matinding tama nila. Pinahanap ko kayo pero ipinalabas ng lahat na patay na kayo pero isang araw may nakita akong bata na may berdeng mata sa labas ng mansyon ng mga george at pinaimbestigahan ko yung bata dahil kapareha ko siya kulay berde ang mata at doon ko nalaman na siya ang nawawalang Heiress ng mga fuller At hindi ko alam na magkasama pala kayong inangkin ng mga george.." Huminga ng malalim si don enrico bago nagpatuloy. "Pero magkaiba ang inyong dugo dahil iisa lang sainyo na magmamana ng dugo ko at yun ay ang magiging anak ng lalaki ng aming angkan akala ko ikaw ang magmamana ng dugo ko ngunit nagkamali ako. Si elly pala ang magmamana ng dugo ko" Nakanganga lang ako habang nagkukwento si don enrico.. Si Elly. Siya ang hihiranging Heiress ng kanilang angkan. "Siya ang totoong Ana Victoria Williams Galves-Fuller.." Nakakapanghina.. Paano kung gumaling na siya? Mawawala na ang dating Elly na nakilala ko.. Magbabago na ang Elly George na nakilala ng lahat. "Kaya nila pinapainom ng lason si miss elly para tuluyan ng maging normal ang dugo niya.." Pagpapatuloy ni doc mateo. Tulala lang si elizar sa tabi at halos hindi siya makapaniwala. Iyak lang ng iyak si madam analiza at gustong lapitan ang anak. Hindi rin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Kaya pala ganun na lang ang galit nila Eliza kay Elly. Dahil alam nila na siya ang Heiress ng Royal Family.. "Anak.." Umiiyak na tawag ni madam analiza kay elizar. Tulala lang siya kay madam analiza. "Anak ko.." At tuluyan nang yumakap si madam analiza kay elizar. "Kaya ba? Kaya ba ginagamit nila ako para sa sarili nilang interest? Kaya ba ganun na lang nilang ipahiya si elly? Kasi hindi nila kami totoong anak?" Malamig na sambit ni elizar. Totoo nga na anak si elizar ni sir enrique dahil magkahawig sila lalo na kapag walang emosyon ang mata nila. "Nung magising kami ng daddy mo anak kayo agad ang hinanap namin dahil baka napahamak kayo pero ang pinalabas nila patay na kayo pero hindi ako nawalan ng pag-asa hanggang sa paguwi namin ng pilipinas nung nakita namin si elly na walang malay sa daan agad namin siyang dinala sa hospital at nung matitigan ko siya halatang kamukha ko siya She look like an angel inside and outside Im sorry" umiiyak na sambit ni madam analiza kay elizar. Nagulat ako nung ngumiti si elizar kay madam analiza. "No need. Ang mahalaga nandito na kayo mom" at nagiyakan sila. Napapangiti na lang ako at tumingin ako sa kwartong kinalalagyan ni elly. Elly. Pagkagising mo ibang tao kana I hope na hindi ka maging ganun kasama. Sana magising kana hinihintay kana nila Sky at emerald.. - At ngayon paghihintay lang ang tanging magagawa namin. Tatlong taon na rin kaming kasal ni elizar na tawagin na natin siya sa kanyang tunay na pangalan. Clark Williams Galves-Fuller.. Nakakatuwa lang na tinanggap ako ng kanyang angkan kahit wala akong maipagmamalaki sa kanila. Pinag-aral ni don enrico ang kapatid kong nasa High School na. At nakatira sila ngayon sa Italy para hindi daw madamay sa gulo. Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng tulong nila sa akin. Close ako sa lahat ng kamag-anak nila hindi nila ako itinuring na iba. Kung hindi itinuring pa nila akong totoong kapamilya. At meron na rin kaming Little angel ni Elizar/Clark at yun ay si Princess Alice Claire Galves-Fuller. "Hon magpahinga kana muna ako ng bahala kay Elly" napangiti naman ako sa asawa ko na kasama ang aming anghel. "Mommy!" Niyakap ko siya agad. At hinalikan ng buong puso. Niyakap din niya ang kanyang kuya na si Sky ang anak na lalaki ni Elly. Napatingin muli ako sa kama kung saan natutulog si elly. Nararamdaman kong nalalapit na siyang magising Malapit na maghihintay kami elly. **

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
612.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.8K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
271.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
476.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.0K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook