Vengeance - 2

1389 Words
E L I Z A "Mommy!" Napangiti naman ako sa anak kong babae. Siya si Ellysa Gracia Wilson. Oo wilson ang apilyido niya kahit hindi siya anak ni grey. Matagal nang wala sa landas ko si Elly kaya gagawin ko lahat para mahalin ako ni grey! Yung nagmakaawa sa amin noon si elly para dun sa bastardo niyang anak buntis nako non pero hindi si grey ang ama. Nagalaw ako nung stranger nung nalasing ako sa bar noon dahil alam ko naman na walang pakialam sakin si grey dahil alam ko mahal pa niya ang kapatid kong ahas! Mabuti na lang wala na sa landas ko yun! At alam kong matagal na rin siyang patay. Grey will be mine. "Mommy! Si kuya sean inaaway ako" mangiyak ngiyak na sambit sakin ng anak ko. Napairap naman ako ng marinig ko ang pangalan ng batang yon! Nakita lang ni grey yun sa labas ng wilson estate. At inampon na niya tsk. "Where's Sean?" Tanong ko sa anak ko. Nakanguso naman niyang tinuro si sean na bumababa ng hagdan. Alam kong takot sakin ang batang yun at hindi rin niyang nagagawang magsumbong sa tatay tayan niya. "Sean" tawag ko sa kanya. Napaatras naman siya kaya napangisi ako alam niyang iba ako magalit. "B-Bakit m-mom?" nakayukong tanong niya sakin kaya napairap ako. Ayokong tinatawag niya akong mom dahil hindi ko siya anak! Hindi rin naman siya anak ng asawa ko! Yes you heard right? Tatlong taon na kaming kasal ni grey pero sa tatlong taon na yun! Wala pang nagaganap samin dahil lagi siyang galit sakin at malamig ang pakikitungo niya. Desperada man ako! wala akong pakialam! Basta mahal ko siya at akin lang siya! "Hindi ba sinabi ko sayo na wag na wag mokong tatawaging mom?! dahil hindi kita anak! Ampon ka lang! Alam mo na yun noon pa hindi ba?!" hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso hanggang sa bumakat. Mas natutuwa akong kapag nakikita siyang takot na takot sakin. Dahil ako ang Reyna sa Bahay na to! Ako lang at wala ng iba! "N-Nasasaktan po ako" pagmamakaawa niya. At pinipigilan lang niyang umiyak. "Go mom! Hurt him! Dahil inaagaw niya sakin si dad!" Napangisi naman ako sa sinabi ng anak ko. Manang mana talaga sakin ang anak ko! Hinila ko si Sean papuntang maids quarter. At kinuha ko ang mga panlinis ng mansion! Yes ginagawa ko siyang alila dahil sampid lang siya dito! wala siyang karapatan sa kayamanan ng asawa ko kung hindi ako at ang anak ko lang ang may karapatan. "Maglinis ka! Gusto ko buong mansion! magsh-shopping kami ni Ysa. At hindi ka kakain pag hindi ko sinasabi! naiintindihan mo?!" inis na sambit ko sa kanya. Tumango tango naman siya. At malungkot na naglinis. Napangisi naman ako don at hinila ko na si Ysa para magshopping kami pero bago yun pupunta muna kami sa opisina ng asawa ko. Workaholic kasi siya kaya namimiss ko siya. Bago kami bumaba nang sasakyan ni ysa. Nilagyan ko naman ang braso niya ng make-up para halatang nasaktan siya ni sean. Napangisi ako Ang talino ko talaga! Pagkapasok namin sa Wilson Group. Hindi ako binabati rito ng mga empleyado kesyo mas gusto daw nila si Elly kaysa sakin! Tsk. Wala na siya! Dahil ako na ang Reyna nila at asawa ko ang may-ari nito. Nakarating na kami sa Opisina ng asawa ko. Pagkapasok namin napataas ang kilay ko ng may makita akong babaeng nasa harap ng asawa ko. Sino naman this b***h? "Babe!" bungad ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa labi kaya napangisi ako sa babaeng kasama ng asawa ko pero ang mas nakakagulat nakangisi lang siya sakin at tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Anong titingin tingin niya?! "So siya pala ang asawa mo my dear ex-boyfriend" malanding saad niya sa asawa ko. W-Wait tama ba dinig ko? Ex-Boyfriend sabi niya?! Etong higad na to?! Ex ng asawa ko?! "Yes ako nga. May problema ba?" Taas noong tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya at umiling. "What are you doing here Eliza?" Malamig na tanong ng asawa ko. Natigilan naman ako at napaiwas na lang ng tingin sa kanya sanay nako sa kanya pero bakit ang sakit parin? Hindi ba niya talaga ako kayang mahalin? "Daddy! Sinaktan ako no kuya sean look oh" singit ng anak ko at kumandong siya kay grey at pinakita niya ang kunyaring pasa niya sa daddy niya. Palihim akong napangisi. Best actress talaga ang anak ko. "Really?" Nanlaki yung mata namin ni ysa sa sinagot ni grey. Bakit pakiramdam ko may halong sarcastic ang tono ng pananalita niya? "Grey maybe next time. Pinaalam ko lang talaga sayo so good bye muna" Nalipat ang attensyon ko sa babae. Tipid lang na ngumiti si grey at tinanguan ito. Isang ngiting hindi niya naibigay sakin kahit noon pa man. Hinalikan nung babae si grey sa labi at ngumisi sakin. Nagiinit naman ang ulo ko! Sino ba tong babaeng to para makahalik sa asawa ko?! "Good bye mrs.wilson.." Nakangising sambit niya sakin. Dumaan siya sa likuran ko at may binulong na nakapagpakaba sakin ng todo. "Magigising na siya. Be ready Eliza George wait for her Vengeance.." Ano ang ibig niyang sabihin don? Sinong 'her' ang tinutukoy niya? "Hindi mo kilala ang babaeng binangga mo Eliza mas demonyo pa siya sa inaakala mo.." Bulong niya ulit. At tuluyan na siyang nakalabas ng opisina ni grey. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko kahit nakalabas na yung babae hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin don? Sino ang hindi ko kilala?-- Hindi kaya si.. No! Paranoid ka lang Eliza! Matagal na siyang patay! Hindi pwedeng mabuhay ulit ang matagal nang patay! Tama! Tinatakot lang siguro ako nung babaeng yon! Wala akong kinakatakutan! Isa akong george at hindi ako matatakot sa isang banta lang. Tulala lang akong nakauwi iyak nga ng iyak si ysa dahil hindi siya pinapansin ni grey magmula noon. Nung nanganak ako kay ysa, walang grey ang nagpalakas ng loob ko, walang grey na umiiyak kapag nakakakita ng baby pero kapag kay sean iba ang mga ngiti niya iba ang saya sa mga mata niya pag nakikita niya ito kahit ang totoo hindi niya ito anak. "Daddy" bati ni sean kay grey. . Ngumiti naman ito sa bata at ginulo pa ang buhok. "May pasalubong si daddy" masiglang sambit ni grey sa bata. Napangiti naman ito pero pilit lang dahil siguro sa pagod. Nalipat ang tingin niya sakin at biglang umiwas ng tingin ng makitang masama ang tingin ko sa kaniya. "Nandito na ho pala kayo" nakayukong sambit niya kay grey na nagtataka naman kay sean. "May problema ba anak?" tanong ni grey sa kaniya na umiling naman siya dito. "Nagugutom lang po ako hehehe" Natigilan si grey at tumingin sakin na kinagulat ko. "Hindi mo ba pinakain ang anak ko eliza?" walang emosyon na tanong niya sakin na kinalaki ng mga mata ko at napalabas agad ako sa sasakyan. "P-Pinapakain ko siya right sean?" Pinanlakihan ko ng mata si sean na iniwasan lang ako ng tingin bago ngumiti kay grey. "Y-Yes po" Tumango naman si grey at sinamaan ako ng tingin bago buhatin si sean at pumasok sila sa loob na kinahinga ko lang ng maluwag. Damn that kid! Ipapahamak pa ako! Humanda siya sakin kapag pumasok na ulit si grey sa opisina! Makakatikim nanaman siya sakin! Nalipat naman ang atensyon ko kay ysa ng marinig ko siyang umiiyak nilapitan ko naman siya. "M-Mom bakit ganun si dad? Ako ang anak niya hindi ba? pero bakit hindi man lang niya ako nagawang lambingin?" mangiyak ngiyak na tanong ni ysa sakin. Niyakap ko naman siya kahit naiiyak na rin ako. "Gagawa ako ng paraan para mawala sa landas natin si sean. Mamahalin ka rin ng daddy mo anak kaunting tiis lang" bulong ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa ulo. At masama ang tingin sa kung saan. Kailangan niyang mawala para mapunta ang attention ni grey sa anak ko. Dahil ang anak ko lang ang dapat mahalin niya! Ang anak ko lang! Kami lang dapat ang may karapatan sa kaniya wala ng iba! Inalis ko na ang balakid sa amin noon at hindi ko hahayaan na may humadlang ulit samin. Dahil kapag nalaman niya ang mga lihim ko papatayin niya ako.. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD