Vengeance - 3

1067 Words
A L Y S O N Kelan kaya magigising si Elly? Nandito ako sa kwarto ng mansyon ng mga fuller rito sa japan. Iniuwi nanamin siya 2 years ago. Wala na ring mga aparato ang nakakabit sa kanyang mga katawan. Nakakamangha lang dahil kakaiba nga ang dugong nanalaytay sa ugat ni Elly. Halatang pang maharlika. Palagi ko siyang pinupunasan at binibihisan maayos na rin ang pangangatawan niya, at lumabas ma rin ang tunay na ganda ni Elly. Kamukang kamuka siya ni mom analiza. "Tita mommy!" napalingon ako sa pumasok. Si Emerald ang bunsong anak ni Elly. Ngumiti naman ako sa kanya at Lumapit muna siya sa kanyang ina at hinalikan ito bago siya nagpakandong sakin. "Titamommy! Kelan po magigising si mom? I really miss her so much! I want to hug her!" Malungkot na sambit ni emerald. "Me too" napalingon naman kami kay sky na may malungkot na ngiti. Palagi rin sila nandito sa kwarto ng mommy nila palaging kinuwkentuhan ng kung ano ano. At palagi rin silang natutulog rito sa tabi ng kanilang ina Naikwento ko kasi sa kanila kung gaano nagsakripisyo si elly para sa kanila, lalo na nung nawala si diamond. Halos napabayaan na noon ni elly ang dalawa para lang mahanap si diamond pero naiintindihan ko siya dahil nakikita ko naman sa kanya na kung gaano niya kamahal ang mga anak niya. "Mom please wake up" Ganyan sila palagi tapos makikita namin na umiiyak sila sa tabi ng kanilang ina habang naka hawak sa dalawang kamay nito. Nangingilid rin ang mga luha ko dahil sa dalawang bata, dahil naaawa ako sa kanila masyado na silang nangungulila kay elly. Kaya elly gumising kana kailangan kana ng dalawang anak mo. "Pagkagising ni mom kuya, Hindi ako aalis sa tabi niya dahil ramdam ko parin ang lungkot sa kanya nung mawala sa atin si kuya diamond" nababahiran ko sa tono ni emerald na nalulungkot rin siya sa pagkawala ni diamond kahit na hindi na niya ito naabutan pa. Marami na rin silang alam na iba't-ibang lenggwahe pero kasi mas pinilit ko na magsalita sila ng tagalog para kahit papaano hindi nila malimutan ang pagiging pilipino nila. Kaya kahit hindi sila sanay, sinasanay na rin nila ang sarili nila na magsalita ng tagalog. Manang mana nga sa ama at sa ina. "Sana naabutan pa natin si diamond" sambit naman ni sky. Pinunasan ko yung luha ko at nilapitan ko sila. "Kung saan man naroroon si diamond mga anak, binabantayan niya kayo.." Nakangiting sambit ko sa kanila. "Sana lang magising na si okasan Gusto ko na maramdaman yung yakap at halik niya samin." malungkot na sambit ni sky. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa at ginulo ang buhok nila. "Magigising na siya nararamdaman ko" Yun lang kasi ang tangi kong masasabi sa kanila. Dahil hanggang ngayon wala paring malay si elly. "Pwede ko ba kayo maabala?" napalingon naman ako sa pintuan at napangiti naman ako ng makita ko si mom analiza. "Oo naman mom" nakangiting sambit ko sa kanya. Ngumiti naman siya at lumapit sa amin. Kitang kita ko rin sa kanya na nangungulila rin siya kay elly dahil alam kong matagal din nila itong hinanap. "O bāchan" Bati naman ng dalawa sa kanilang lola. Ngumiti naman si mom at hinalikan sa noo ang dalawa. "Alam niyo bang nung lumabas si tito clark niyo? Halos hindi yun umiyak, kaya kinutuban kami ng Ojīchan niyo, yun pala hindi talaga iyakin si tito clark niyo.." Natawa naman si mom ng mahina at hinaplos ang buhok ni elly. "Tapos akala ko susunod na rin ang mommy niyo na mailabas pero naghintay pako ng limang oras bago siya lumabas ng tuluyan mukhang nagtatago ata" natatawang kwento ni mom sa dalawa. "Nung lumabas na siya, namangha pa kami dahil para siyang isang diamond na hindi pwedeng ipagalaw sa iba" nangingiting pagkwekwento ni mom. "Iyakin yang mommy niyo nung baby pa kaya hindi ko lubos na maisip na makakayanan niya lahat ng hirap noon, wala man lang ako sa tabi niya nung mga panahon na yon." mangiyak ngiyak na saad ni mom hanggang sa humagulgol na siya ng iyak. "Sana lang magising na siya wake up baby girl mommy is here.." Umiiyak na sambit ulit ni mom. Napapikit naman ako dahil naiiyak na rin ako. Sana nga mom Sana magising na siya Napatigil lang kami ng pumasok si elizar. Malungkot rin ang ngiti niya dahil alam kong nagaalala rin siya sa kalagayan ng kapatid niya. "Okasan umiiyak ka nanaman" natatawang biro ni elizar sa ina "Bakit ba? Namimiss ko lang ang kakambal mo" natawa naman kami ni elizar sa turan ni mom. May pagkaisip bata kasi siya pero kapag nagalit parang isang bombang sasabog. "Ikaw na lang baby boy ko" nakangusong lumapit si mom habang tatawa tawa na umiwas si elizar sa ina. "Mom! May apo na kaya kayo! Stop calling me that! My wife is here!" Nakasimangot na sambit ni elizar at lumapit sakin tsaka ako hinalikan sa noo. "Why?! You are my baby boy!" Nakangusong sambit naman ni mom kay elizar. Natawa naman ako don kasi kinindatan pako ni mom. "No. Geez! Mom stop it!" Asar na sabi ni elizar. Tumawa naman si mom at nagnakaw ng halik kay elizar bago tumakbo palabas ng kwarto ni elly. "Tss. She's still a childish" bulong ni elizar. Napangisi lang ako at lumapit muli kay elly. "Tito clark.. Where is claire?" Tanong naman ni emerald kay elizar. "She still sleeping baby girl" sagot ni elizar sa kanya at binuhat niya ito. "Stop asking eme!" malamig na saad ni sky at inirapan niya ang kakambal bago lumabas ng kwarto. Anong nangyari don? Pinagkibit balikat na lang namin yon baka nagbibinata si sky hehehe. Lumabas na rin si elizar habang buhat si emerald. Napabuntong hininga naman ako don at muli akong napatingin kay elly. "Best gising na wag kang sleeping beauty mas maganda parin ako sayo.." Natatawang sambit ko sa kanya na para akong baliw rito kinakausap ang tulog. "Mukang nasasarapan ka sa pagtulog kaibigan! Pag gising mo ibang mundo na ang makakasanayan mo sana lang wag kang magbabago" napabuntong hiningang saad ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo bago ako nagtungo palabas. Huling sulyap pa sa kanya bago ako lumabas pero bago pako makahakbang may pamilyar na boses akong narinig. "A-Aly.." Natigilan ako at nanlalaking mga mata akong tumingin sa kanya.. "E-Elly.." H-Hindi gising na siya? Totoo ba talaga to? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD