E L I Z A P O V Hindi pwede to! Hindi sila pwedeng magkabalikan! Hindi ako papayag na magkabalikan silang dalawa! Kumuyom ang mga kamao ko nang makita kung paano sila maghalikan! Kung paano sila naging buo ang pamilya! Samantalang ako hindi ko manlang maramdaman kay grey ang pagmamahal niya! Ang pagmamahal niya para sa anak ko! Kailangan ko ng ipagpatuloy ang plano namin! Bago mahuli ang lahat! "Oh bakit mukhang badtrip ka?" Sinamaan ko ng tingin si dos kasi ang bagal bagal niya kumilos! "Oh easy mukhang kakainin mo ako ng buhay niyan eh" natatawang sambit niya sakin. Kumuyom ang mga kamao ko akmang sasampalin ko siya ng pigilan niya ako. "Ako ang makakatulong sayo ngayon tapos sasaktan mo pa ako?" Nakangising tanong niya sakin kaya naibaba ko ang kamay ko. "Nasan na ang plano?!

