Ilang araw nakong nagkukulong sa kwarto na to ni ayoko munang makausap lahat ng nasa paligid ko maliban sa mga anak ko dahil simula nung magising ako hindi na sila umalis sa tabi ko dahil baka bigla na lang daw ulit ako mawala.
Hanggang ngayon sa lahat ng katanungan ko wala paring kasagutan.
Lahat ng pinanood sakin nung babae, naguguluhan parin ako.
Bakit nga ba ganun sila mama?
Talaga bang ayaw na nila akong maging anak?
Kaya pinagtabuyan nila ako?
Palagi rin akong nagiisip kung sino ang mga kasama namin dito.
Nakilala ko na rin ang anak nila kuya na si Claire.
At nakakapagtaka tinatawag niya akong 'Tita Victoria'
Sino naman si Victoria?
Miski ang mga anak ko tawag nila kay kuya 'Uncle Clark'
Nagpalit naba ng pangalan si Kuya?
Bakit ba ayaw pa nilang sabihin sakin ang katotohanan?
Kung kailan nagising nako atsaka nila ayaw sabihin sa akin pero handa na nga ba ako?
Handa na nga ba akong maghiganti?
Handa na nga ba akong marinig ang buong katotohanan?
Mayroong sinasabi ang puso ko na wag dahil baka masaktan nanaman ako pero meron ring sinasabi ang utak ko na
'sige para malaman ko na at hindi nako magmukhang tanga pa'
Nakakainis!
Bat ba kasi ayokong lumabas ng kwarto dahil ba nahihiya ako? O may pakiramdam lang na nagiba na ang paligid ko?
Ano Elly?
Come on!
Magtanong kana hangga't may oras pa!
Tinignan ko yung buo kong katawan sa malaking salamin dito sa kwarto ko.
Ibang iba na ang Elly noon sa Elly ngayon.
Hindi na ako katulad ng dati na bagsak ang katawan namamaga ang mga mata at putlang putla.
Dahil ngayon mas naging maayos ang itsura ko parang lumabas ang tunay na ako.
Ako nga ba ito?
Bakit kamukha ko yung babae na dumalaw rito sa kwarto ko nung tulala ako sa bintana nung nakaraang araw.
Umiiyak siya at palagi niyang sinusuklay ang buhok ko.
Nasasaktan din ako nung makita at marinig ko na umiiyak siya.
Siya daw si Analiza Williams Galves-Fuller.
Kamukang kamuka ko siya mula ulo hanggang paa para ngang hindi siya tumatanda.
Tinignan ko muli ang aking mga mata.
At nabigla akong makita yun ng walang emosyon at lalo na punung puno ng hinanakit at poot.
Nakakatakot!
Yan lang ang palaging nasa isip ko.
"Ibang iba kana Elly George..." mahinang bulong ko sa sarili.
At hindi na ako makangiti ng sumagi ulit sa isipan ko ang mga naranasan ko noon.
Grey Wilson.
Hindi siya nawala sa isipan ko mula noon hanggang ngayon.
Kamusta na kaya siya?
Naiisip ba niya ako?
Ano kayang nararamdaman niyang malaman niyang nawala ako?
Umiyak ba siya? O hinanap manlang?
Natigilan ako at natawa na lang ako ng mahina sa mga naiisip ko.
Magtataka ka pa ba elly? Baka nga ikinasal na sila ni eliza ngayon.
Hindi na ikaw ang babaeng mahal niya iba na rin ang kailangan niya.
Kahit na nasaktan niya ako o niloko siya pa rin ang pinakamahmahal ko.
Siya pa rin ang lalaki na minamahal ko hanggang ngayon.
Kahit may galit din akong nararamdaman sa kaniya na hindi ko maitatanggi na siya ang lalaking binigyang kulay ang buhay ko noon.
"Babalik na ako grey at babawiin kita sa kaniya.." mahinang sambit ko.
At ang mas nakakagulat pa yung ngiti kong kakaiba.
Yung ngiti kong nakakakaba.
Nag-ayos na ako dahil nakapag desisyon na ako na malaman ang buong katotohanan hindi ko na patatagalin pa dahil habang mas tumatagal mas nagtatagumpay sila.
Ayoko ng magbulag bulagan
Ayoko ng magbingi bingihan
Mas gusto kong ako mismo ang aalam ng buong katotohanan.
Napalingon ako sa mga anak ko na natutulog pa sa kama ko kaya napangiti na lang ako at hinalikan ko sila sa noo.
Bago ako lumabas ng kwarto ko pero natigilan ako ng may makasalubong akong katulong dito sa mansion.
"Y-Young l-lady?" Gulat na sambit ng mga katulong nung makita nila akong nakalabas na ng kwarto ko.
Hindi sila japanese isa silang mga pinoy.
Ngumiti lang ako sa kanila na kinagulat nila.
"Where are they?" tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Nasa sala ho young lady" nakayukong sagot nung isa.
Bumuntong hininga naman ako at muli akong ngumiti.
"Arigatou" pagpapasalamat ko sa kanila.
At tinalikuran ko na sila dumiretso ako pababa ng hagdan.
Napansin ko na rin sila Aly na may seryosong pinaguusapan at may isang familliar na babae akong nakita.
Kumunot lang ang noo ko ng mapagtanto ko na kilala ko siya.
Kilalang kilala.
"Felis"
Ang Ex-girlfriend ni grey.
Anong ginagawa niya rito?
Bakit siya nandito?
Matagal na nung huli ko siyang makita, nung naging kami ni grey naglaho siya na parang bula.
"E-Elly?" Gulat na sambit ni kuya sa pangalan ko at bahagya pang lumapit sakin.
Si kuya lang bukod tanging hindi ako iniwan sa kabila ng lahat ng pangyayari sa buhay ko kahit alam kong ikakapahamak din niya.
Ramdam ko talaga na mahal niya ako.
Patakbo akong lumapit sa kaniyaa at niyakap siya.
Nung una nagulat pa siya pero kalaunan rin yumakap na rin siya pabalik mas mahigpit nga lang ang yakap niya na parang akala mo mawawala ako.
"My Princess" palihim akong napangiti ng marinig yung palagi niyang binabanggit sakin.
Napapikit na lang ako habang may mga luhang tumutulo sa mga mata ko.
Siya kasi ang superhero ko mula noon hanggang ngayon
Siya ang nagtatanggol sa akin kapag pinapagalitan ako ni papa noon.
Napansin ko si alyson na maluha luha siyang nakangiti sakin kaya pinunasan ko ang mga luha at kumalas na ako sa yakap namin ni kuya atsaka ako tumakbo patungo kay aly at niyakap siya ng mahigpit.
Ang matalik na kaibigan ko na hindi rin ako iniwan na walang takot harapin ang aking mga magulang.
Isa rin siya sa mga tumulong sakin nung nagbubuntis ako.
Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kaniya.
"Im still alive. Hindi ko makakalimutan lahat ng naitulong mo sa akin hayaan mong suklian ko yon ngayon" bulong ko sa kaniya kaya mas lumakas ang hagulgol niya.
Bumuntong hininga naman ako at kumalas ng yakap sa kanya atsaka ko siya hinalikan sa noo.
"Iyakin ka pala" biro ko sa kaniya pero ngumuso lang siya sakin at muli akong niyakap.
"Namiss kita Elly" sambit niya sakin.
Napangiti naman ako pero nahagip ko ang mag-asawang nakangiti pero lumuluha.
Nawala ang ngiti ko at kumalas nako sa yakap ni aly sakin at humarap ako sa mag-asawa at kay felis.
Hindi sila pamilyar sakin pero ramdam kong sila ang makakasagot sa lahat ng katanungan ko.
"Who are they?" malamig na tanong ko habang nakaturo sa dalawa.
Tumikhim si kuya bago ako nginitian.
"They are our real parents Elly.."
Natigilan ako at nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya sakin.
A-Anong sinasabi niya?
Anong sila ang mga totoong magulang namin?
Napasapo ako sa noo ko at halos muntikan nakong tumumba kung hindi lang ako naalalayan ni alyson.
"Paanong. "
Hindi ko mawari ang sasabihin ko dahil talagang hindi pa nagsisink-in sakin ang sinabi ni kuya.
"Hayaan mong magpaliwanag sila Elly pakinggan mo ang buong detalye kung paano at bakit.." Mahinahong sambit ni kuya sakin at inalalayan niya akong umupo sa harap ng mag-asawa.
Ito na ba?
Handa na nga ba ako sa maririnig ko sa kanila?
Panibagong sakit nanaman ang ba ang mararamdaman ko?
Panibagong panibugho nanman?
At kapag nalaman ko na ang buong katotohanan..
Ano na lang mangyayari sa akin?
Tuluyan na nga bang magbabago ang buong katauhan ko?
**