E L I Z A "What her plans?" mataray na tanong ko kay dos. Magmula nung sinabi niyang tutulungan niya akong pabagsakin ang reyna, nagkikita na kami ng hindi nalalaman ng asawa ko. Halos isang buwan na rin kaming nagkikita ni dos para sa pagpaplano na pabagsakin ang reyna. Simula ngayon, gagawa kami ng plano para pabagsakin si elly! Hindi nako makapaghintay na bumagsak siya! "Hmm. Masyado ka naman atang demanding?" Nakangising tanong ni dos. Umirap ako sa kanya at napakrus ako sa mga braso ko. "Pwede ba? Hindi ako nakipagkita sayo para makipagbiruan! Tell me her plans!" Naiinis na sambit ko sa kanya na tinawanan lang ako. Ilang irap ang ginawa ko sa kanya bago siya nagseryoso. "Hindi madaling pabagsakin ang reyna" seryosong panimula niya. "You know elly right?" Walang gana akong tu

