Chapter 22: Underground Battle NABIGLA si Kakai nang dukutin muli si Karissa, ngunit mas nabigla ito na kasama si Candice. Dahil hindi niya alam ang gagawin, naisip niya na lang ang boss nila na nasa ibang bansa. Ngunit alam ni Kakai na wala din itong magagawa kung nasa malayo ito. Kinuha niya pa rin ang cellphone sa bag at nagpadala ng message sa f*******: messenger ni Assistant Wei. Assistant Wei, may dumukot kay Karissa! ….. KUMIROT ang ulo ni Karissa. Napangiwi siya at sinimulan na mag-adjust ng mata niya sa silid kung saan siya naroon. Ang una niyang napansin ay ang nabasa niyang mukha. Sa tingin niya, binuhusan siya ng tubig para magising. May lalaking nakatayo sa tapat niya at nakahalukipkip. Naka-cap, nakashorts at nakajacket ito ng itim. May katabaan din ito at diretso

