Chapter 23: Amoy-papaitan MATAPOS matanggap ni Bruce ang mensahe mula kay Assistant Wei na nanggaling kay Kakai, tinawagan niya si Marco na kaibigan niya para iligtas si Karissa. Mahalaga ang gagawin niya sa Japan, ngunit tinapos niya rin agad ang mga kailangan na gagawin niya doon at iniwan si Assistant Wei para ito ang mag-asikaso ng mga natirang kailangan pang gawin. Nagtungo agad siya Narita Airport para maghanap ng pinakamabilis na flight pauwi ng Pilipinas. Matapos nga ang ilang oras na paghahanap ni Marco, nakakuha ito ng hint kung nasaan si Karissa at Candice. Inireport nito ang detalye kay Bruce. Magkasama si Karissa at Candice na parehas na nahuli ng pulis dahil sila ang nasa stage at sa kanila nakapokus ang atensyon ng mga ito. Inabot sila nang magdamag sa presinto. Matap

