Chapter 24: Ding, Ding, Dong MALUNGKOT si Karissa nang sumapit ang hapon. Simula nang makausap niya si Cathy, nawalan na siya ng gana na magtrabaho. Nakayukyok lang si Karissa sa ibabaw ng mesa na parang tinakasan ng bait. Namimiss niya na kasi si boss. Isang kuwarto lang ang pagitan nila pero pakiramdam niya ang layo nito. Hindi niya alam kung saan nagsimula ang tampuhan nilang dalawa na inabot na ng isang linggo. Kinatok ng kasamahan niya ang mesa kung saan siya nakayukyok. "Karissa, gusto mong sumama sa amin?" "Saan?" "Mag-ke-KTV kami," nakangiti na sagot ni Jericho. Agad na nagliwanag ang mukha niya. "Kung ganoon, sasama ako sa inyo." Mabilis na inayos niya ang mga gamit dahil baka magbago pa ang isip ng mga kasama niya. Idadaan niya na lang ang lahat sa pagkanta. Tapos naman

